Chapter 5: One of them
I can feel my body. Mahina kong ginagalaw ang daliri ko para kumbinsihin ang sarili kong maayos ako, ngunit totoo nararamdaman ko ito. Isa pa, walang sakit ang nararamdaman ko sa aking katawan.
Was I being save? May tumulong ba sa akin? Or---
Did I reborn again?
Mahina kong ibinuka ang mata ko at nilibot ang tingin sa paligid. Purong puti ang nakikita ko, ang paligid, ang hinihigaan ko, ang puting sofa sa gilid at ang suot ko. Other than it screams cleanliness, it also scream richness.
Nasaan nga ba ako ngayon?
Napunta naman ang tingin ko sa pinto ng may pumasok na isang babae, agad itong ngumiti ng makita ako. Nakasuot ito ng puting roba, habang natatabunan sa loob ang maiksi nitong dress.
Agad napakunot ang noo ko, hindi ko man alam ang nangyayari o kung nasaan ako ngayon. Ngunit, alam ko... alam kong wala ako sa Eldoria ngayon.
"Sino ka?" agad na tanong ko ng bigla itong lumapit at tiningnan ang katawan ko.
Muli itong tumingin sa akin at ngumiti, "I'm Sora. Don't worry, nasa Solstice ka." sagot niya.
Kumunot ang noo ko, "Solstice?"
"Yeah. One of the cities here in Verdentia. Sinabi na ni Kazuki sa akin na galing kang Eldoria." Tumayo ito ng maayos at kinuha ang isang pirasong hugis pabilog at ibinigay sa akin. "... it must be hard." dagdag niya.
Tanging pag-kunot ng aking noo ang ginawa ko habang nakatitig sa maliit na bilog na nasa kamay ko. "That is a medicine, it is not a poison. Our council develop a medicine to some sickness with the help of magic of course." saad niya.
Medicine? May gamot na pala ang malayang nakukuha ng mga tao dito sa loob ng pader ngunit wala man lang alam ang mga mamamayan ng Eldoria ukol dito.
May inabot naman itong tubig sa akin, kahit na nagdadalawang-isip ay kinuha ko ito at ininom ang gamot.
"Maayos na ang pakiramdam ko. Maari na ba akong umalis?" magalang na tanong ko.
Umiling si Sora bilang sagot, "We need to examine your body. Mabuti nalang at agad kang nadala ni Kazuki dito, dahil kung hindi malamang ay wala ka na ngayon." seryoso niyang saad sa akin.
Kazuki...
Umiwas ako ng tingin, hindi naman ako mamatay. "Sino po si Kazuki?" tanong ko.
Napalaki naman ang mata nitong tumingin sa akin, "You don't know him?!" tila hindi makapaniwala niyang saad. Pilit ko namang iniisip kong anong nangyari, ang natatandaan ko lang ay masyadong mabilis ang kidlat ng lalaking 'yon sa salita ko. Kaya agad akong puwesto sa harap ng lalaking hindi ko alam ang pangalan at ako ang natamaan ng kidlat.
Umiling lang ako bilang sagot kay Sora. "Taga-Eldoria ka nga." komento niya.
Ngunit napatitig ito sa akin at nakakunot ang noo, "Don't get me wrong but how did you understand what I'm saying?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"As far as I know education is only exclusive here, not in the outskirts parts of Verdentia. Therefore, hindi mo dapat ako naintindihan. Ngunit paano ka nakakaintindi ng Ingles?" seryosong tanong niya.
Patago akong napalunok at umiwas ng tingin, "I educate myself." I briefly answered.
Nakita ko pa ang pag-kabigla ng mukha niya at tumitig sa akin. "Stay here for awhile. Nice to meet you." huling saad niya bago tumalikod.
Napahinga naman ako ng malalim ng ako nalang mag-isa. Muli kong inilibot ang tingin sa paligid at sumandal sa likod ng hinihigaan. Hindi ko alam kung paano ako napunta dito, talaga bang dinala ako ng isang Sentinel dito? Para saan pa?
BINABASA MO ANG
Verdentia Empire: Endless Rebirth
FantasiaIn the outskirts of the Verdentia Empire lies a humble town named Eldoria, teaming with peasants and commoners. A peasant who was abandoned by the capital and criticised by the nobles and royalty. Among them is Haruka. Unlike other people from their...