TRUE STORY #2 (from: @ayjen21)

8.8K 168 13
                                    

Taong Itim 1


Nangyari ang kababalaghang ito kay @ayjen21 taong 2006 buwan ng oktobre. Kasalukuyan silang nasa probinsiya nun dahil namatay ang Lola niya. Tatlong araw nang nakalamay ang Lola niya nun nang dumating ang Papung Bot niya na kapatid ng Lolo niya.


Close na close sila ng Papung Bot niya kaya naman kinagabihan nun ay sabay silang natulog ng Papung Bot niya dahil namiss daw siya nito at dahil wala nang bakanteng kwarto sa bahay ng Lola niya dahil inuukupa ng iba pang bisita ang ibang kwarto ay napilitan silang dalawa ng Papung Bot niya na doon matulog sa kwarto ng namatay niyang Lola.


Mapayapa naman ang pagtulog nila ng Papung Bot niya hanggang sa magising siya ng madaling araw. Nagtaka siya dahil wala namang dahilan kung bakit siya nagising. Kusa lang na nagmulat ang mga mata niya na para bang may nag-uutos sa mga yun na bumuka.


Sa pagkagising nga niya ay agad niyang inilibot ang paningin niya hanggang sa mapako ito sa kabinet ng kanyang Lola. Nangilabot siya nang dahan dahan itong bumukas at makita niya ang anino ng lalake na nasa loob ng kabinet. Nakatayo at kahit na hindi niya makita ang mukha nito ay alam niyang nakatitig ito sa kanya.


Sa takot ay akmang gagalaw sana si @ayjen21 para gisingin ang Papung Bot niya pero hindi na siya makagalaw. Ni makapagsalita at makasigaw ay hindi niya magawa kaya pumikit na lamang siya at nagdasal at sa muling pagdilat niya, wala na ang anino ng lalake sa kabinet. Nakasarado na din ang kabinet at nakakagalaw na siya.


Kinabukasan nun ay ikinuwento niya sa Mama niya at sa mga kapatid ng kanyang Lola ang nangyari sa kanya. Nagkatinginan pa ang mga ito na parang takot na takot. Ang Mama niya ang unang nakabawi at nakasagot sa tanong niya.


Noon pa man daw ay may namamalagi na talaga sa kabinet ng Lola niya. Hindi daw ito anino kundi tao ito na napaka-itim na tinatawag sa lugar nila na LAGTAW. Ito daw ang nagsisilbing bantay sa bahay ng Lola niya.



Taong Itim 2


Year 2010 nung mamatay ang Mama ni @ayjen21. Pagkatapos nga na ma-ilibing ang Mama niya ay napagpasyahan niyang magpakalayo layo muna para mag-isip dahil parang gumuho ang mundo niya. Nakarating siya sa lugar ng dalawa niyang kaibigan kaya naman nagpatulong siya sa mga itong humanap ng pansamantalang ma-uupahan na bahay. Agad naman silang nakakita. Maliit lang naman ang bahay na yun pero tama na sa kanya.


Ika-15 na araw niya nun sa bahay na yun nang mapadalaw ang dalawa niyang kaibigan na si Beng at si Pie na nasa kabilang kanto lang din ang mga bahay. Nagkwentuhan lang sila hanggang sa hindi na nila napansin ang oras na gabing gabi na pala kaya naman nagpaalam na ang dalawa na uuwi na.


Pagka-uwi na pagka-uwi ng mga kaibigan ni @ayjen21 ay agad na siyang pumasok sa bahay at naghanda na sa pagtulog nang marinig niya na gumalaw ang bangkong nasa harap ng kwarto niya. Inilalagay niya doon ang bangko sa kadahilanang walang pintuan ang kwarto niya. Isa pa, lumilikha din ng ingay ang bangko kapag nasasagi kaya ginawa niya iyong pangharang sa kwarto niya para magising siya kung sakaling may magtangkang pumasok sa kwarto niya.


Sa narinig nga ay agad siyang sumilip sa labas ng kwarto pero wala naman doong tao. Imposible din na may makapasok dahil nakakandado ang main door ng inuupahan niyang bahay. Pero ipinagsawalang bahala nalang niya iyon at nahiga na.


Nakatitig lang si @ayjen21 nun sa kisame ng kwarto niya habang hinihintay na tuluyan siyang lamunin ng antok nang bigla na namang tumunog ang bangko na nakaatang sa pintuan niya. Agad siyang napasulyap sa bangko pero nanigas nalang siya nang may makitang nilalang doon na nakita na niya noon sa bahay ng Lola niya. Ang taong itim. Patuloy nitong niyuyugyog ang bangkong naka-atang sa pintuan niya habang nakatitig sa kanya.


Naalala niya noon ang ginawa niya para mawala ang taong itim. Kaya pumikit siya at nagdasal at mayamaya pa, nawala na ang tunog ng bangko. Dahan dahan din niyang tinignan kung saan nakatayo ang taong itim kanina at tama siya, wala na nga yun doon.


Kinabukasan ay ikinuwento niya sa dalawa niyang kaibigan na si Beng at Pie ang nangyari sa kanya kagabi matapos magsi-uwian ang mga ito pero may ikinuwento din si Pie sa kanya. Hindi lang pala sa kanya nagparamdam at nagpakita ang taong itim kagabi. Pati din pala kay Pie.


Nahuli daw nun na lumabas si Pie sa inuupahang bahay ni @ayjen21. Nasa labas na nun si Beng at si @ayjen21 at patuloy na nagkukwentuhan. Papalabas na daw si Pie nun nang ma-isipan nitong uminom muna ng tubig. Agad nga itong kumuha ng baso sa lalagyan at ipinatong ito sa mesang kahoy pagkatapos ay kinuha na nito ang pitsel at akmang lalagyan na ang baso ng tubig nang bigla nalang daw gumalaw ang baso palayo. Sa takot ni Pie ay agad niyang naibalik ang pitsel at nagtatatakbong lumabas. Pero hindi lang yun dahil nung mapasulyap si Pie kay @ayjen21 na nakatayo sa pintuan nito para magpaalam ay nakita niya sa likod ni @ayjen21 ang taong itim. Kumakaway ito sa kanya.



_END_

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KILABOT part 3! [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon