Delusyon

216 6 0
                                    

Kay saya ng ating pag iibigan
Ako'y sayo ikay akin
Yung tipong sagana ako saiyong lambing
At May salitang tayo na maituturing

Masaya ako dahil ako ang iyong pinili
Nangangahulugsng nais mo akong manatili
At iyong maging ka halili
Sa mga desisyon mapatama man o mali

Kay gandang pakinggan ng tulang iyan
Subalit ito ay delusyon lamang
Kathang isip na nabuo sa aking isip
Dahil sa katotohanang ang salitang Tayo ay hindi ginamit upang ilarawan ang katagang  ikaw at ako
Dahil sa una palang "kayo" ang dapat na salita
Ang aking ginamit sa ikaapat na parirala

-ᜂᜎᜈ᜔-

Mga Tula Para Sa BinibiniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon