Chapter 24

296 6 0
                                    

Mutual



"Masakit pa ba?" tanong niya.

"Ayos naman na, salamat..." ngiting saad ko at gumanti rin ito ng ngiti sa akin. "Gabi na pala, uwi na ako, Havhien..." paalam ko.

"O-okay..." nakakatitig ito sa akin ngunit hindi niya na rin itinuloy 'yon at tumikhim nalang, parang naputulan siya ng dila dahil sa kakatitig niya, feeling ko tuloy ang ganda ganda ko. "Gusto mo hatid na kita?" presinta niya ngunit umiling na lamang ako.

"Ayos naman na ako, hindi rin naman delikado sa apartment dahil may landlord naman," paliwanag ko.

"Are you sure? Wala naman na akong gagawin ngayon gabi, ihahatid na kita..." ngiting sambit nito.

"Hindi na, ayos na ako..."

"Kahit 'yon na lang ang ibayad mo sa akin," napangiwi ako dahil duon. Dapat nga ako pa ang humingi nang utang na loob sa kaniya, dahil ihahatid niya pa ako. Dahil Boss ko 'to, hindi na magrereklamo.

"Sige na nga," sabay kamot sa aking batok. "Pero..."

"Pero ano?"

"Hindi kasi maganda ang apartment na tinutuluyan ko," paliwanag ko sa kaniya na siya namang ikinangiti nito.

"Ayos lang, pakape narin," saad nya.

"Wala kaming kape, magtubig ka nalang." Biro ko na siyang ikinatawa niya, napahagod ito sa kaniyang buhok sabay tingin sa akin, ang malamlam niyang mata ay nakatitig sa akin ngayon kaya nailang ako dahil duon.

Bakit ganun? Kuhang kuha niya talaga ang galaw ni Cutler? Hindi ko alam pero parang may kung anong bumulong sa akin na illegal 'yon.

Mali nga 'yon, pero wala naman ng kami ni Cutler kaya hindi naman siguro masamang magkaroon ng crush, pero hindi ko crush si Havhien. Humahanga lang ako sa kaniya kasi ang sipag niya.

"Ang layo naman pala ng apartment mo," reklamo niya na siyang ikinasimangot ko.

"Kasalanan mo naman, nagpumilit ka pa kasing sumama sa akin at ihatid ako, matagal ko naman na itong ginagawa, ngayon ka pa talaga nag-alala?" tatawa tawang tanong niya.

"Ngayon lang ako humanap ng chance na makipag-usap, ang akala ko kasi meron kang boyfriend," tugon niya.

"Ha? Ano namang connect ng pakikipag-usap mo sa akin, sa may boyfriend ako?" tanong ko ulit, natigil ito.

"Nothing..."

"Ano nga?"

"I just want a closure from you, nahihirapan kasi ako... b-baka maging uncomfortable sa akin," paliwanag niya.

"Hindi mo naman ako hinaharrass," sagot ko.

"Ano?! Hindi ko gagawin 'yun sa 'yo..."

"Kaya nga, naging komportable ako sa 'yo agad dahil hindi mo ginagawa 'yon," paliwanag ko sa kaniya. "Gusto ko narin magkaroon ng friend dito, simula kasi nung lumipat ako, Landlord lang friend ko." Biro ko.

Napangiti ito at napahalakhak.

"And you want to be my friend?" manghang tanong niya sa akin. Wala na sila Azel at Sir Simon matapos kong umalis don, tinapos ko na lahat ng koneksyon ko, kaya wala na akong komunikasyon sa kaniya.

"Oo, syempre. Gusto mo ba?"

"Yes! I want!" nakangiting sambit nito at napatango nalang ako.

"Ayos, huwag kang maiinlove sa akin ha, dahil inlove pa rin ako sa ex ko..." sagot ko na siyang nagpaseryoso sa kaniya.

The Doctor Affection (De Viola #2)Where stories live. Discover now