Chapter 71: Thoughts

25 1 1
                                    

Mhica


Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko ngayon at kung paano ko na naman siya haharapin sa mismong bahay niya mamaya pag-uwi. Nakarating na ako sa school sa Diamond University hindi muna ako pumunta ng classroom sa halip dumeretso ako sa garden ng school umupo ako sa isang bench maaga pa naman at hindi pa naman nagsisimula ang class hanggang ngayon walang tigil ang pag-iyak ko ang pagbuhos ng luha ko sa mga mata ko.

Ang sakit sakit ng dibdib ko kapag iniisip ko ang pinag-uusapan namin kanina at ngayon lang ulit kami nag-usap ng mahaba at ganun pa ang pinag-usapan namin. Hinayaan niya lang ako sa ginagawa ko at hinintay niya ako na ako ang unang kumausap sa kanya. Two weeks kaming hindi nag-usap na dalawa iwas ako ng iwas at siya naman hindi niya naman ako kinakausap kapag hindi tungkol sa rules tapos ngayon magagalit siya dahil hindi ko sinabi sa kanya ang dahilan ko kung bakit ganito ang kinikilos ko? Okay, lang ba siya? Dapat bang sabihin yun? Hindi.

Ngayong umaga ay hindi niya na napigilan ang mainis sa akin kaya kinausap niya ako at galit na galit siya dahil inubos ko ang pasensya niya dapat wala na siyang pakialam sa akin eh. Bakit kasi ganun pa ang naging reaksyon niya kanina? Sana hindi niya na lang ako tinanong pa at pinansin para walang problema pero hindi ko naman hawak ang pag-iisip niya.

Wala pa nga. Hindi pa nga ako umaamin sa nararamdaman ko sa kanya at wala naman akong balak gawin yun pero ngayon lang na friend zone ako. Ang sakit ng tumutusok sa dibdib ko nakaupo lang ako at patuloy sa pag-iyak habang tinatakpan ko ang mukha ko ng mga palad mo para hindi ako makita ng ibang estudyante kagaya ko.

Wala naman talaga akong karapatan dahil dalawa na ang babaeng nakapalibot sa kanya una si Chloe na ex-girlfriend niya tapos ang fiancee niya na hindi pa namin nakikilala kung sino. Kapag dumating na ang panahon na ipakilala sa lahat kung sino ang fiancee niya hindi ko gustong makilala at makita dahil patuloy lang akong masasaktan napangiti ako ng mapait kapag darating siya sa tamang edad wala na siyang problema pa dahil nakatali na siya at hihintayin na lang ang kasalan na magaganap.

Iniisip ko pa lang nsasaktan na ako kahit wala pa pero alam kung doon din naman yun patungo humikbi na ako ng malakas napahagulhol na ako ng todo dahil Ang sakit ng dibdib ko parang pinipiga at sumisikip sa sakit. Bakit pa ba ako nasasaktan ng sobra? Hindi ko pa talaga siya nakakalimutan kahit konti? Nakakainis naman to'ng puso ko hindi siya umaayon sa kagustuhan ko.

Bakit hanggang ngayon siya pa rin? Bakit ba ako parating naiipit ako sa sitwasyon na to? Bakit hindi ako makaramdam ng saya sa pag-ibig na to? Bakit parati akong sinasaktan? Bakit dalawang beses na akong nabigo dito? Wala na ba talaga akong karapatan na maging masaya at mahalin pabalik?

Bakit parang may nararamdaman akong nakatingin sa akin? Binaba ko ang mga kamay ko at pinunasan ko ang mga luha kong patuloy na tumutulo at lumingon-lingon sa buong paligid ng garden pero wala naman akong nakita at isa pa ako lang naman ang mag-isang nakaupo dito sa bench ng garden at wala akong ibang kasama napailing na lang ako baka guni-guni lang yun.

Hindi na ako humagulhol pa pero patuloy pa din sa pagtulo ang mga luha ko hindi pa rin tumitigil dahil ang sakit pa rin ng nararamdaman ko. Umaapaw na siguro sa balde ang mga luha ko kapag tinipon ko napabuntong hininga na lang ako napahawak ako sa dibdib ko at hinampas ng malakas dahil naiinis na ako ayaw pang tumigil sa sakit.

Pinahid ko na ang mga luha ko sa mukha gamit ang mga palad ko dahil wala akong dalang panyo. Hindi ko naman alam na iiyak ako ngayong araw kung alam ko lang tissue na ang dadalhin ko.

Humiga ako sa mesa kaharap ng bench na inuupuan ko at pinagpatong ang mga mga braso ko at pinatong ang ulo ko at sumubsob payuko at umiyak ng umiyak at napapikit ako ng mata.

100 Days with My Badboy Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon