Hawak ko ngayon ang aking pluma habang lipos-linggatong kong pinagmasdan ang nilalabas nitong tinta. Umurong ang aking dila sapagkat humantong na naman ako sa yugto ko bilang isang manunula - na wala nang halos maihahabing mga salita. Kusa na lamang naparam ang galak na akin no'ng natamasa sa una kong natagpuan ang pagsusulat at paglikha ng obra maestra. Tila ba'y nakalimutan ko bigla ang ganyak nitong dala. 'Di ko alam kung bakit gan'to... sa kahapisang dama kailan kaya ako makawala?
Maihahalintulad ang aking karanasan sa pagpasok sa isang batalya. 'Di ko nasalag ang dagok na hatid ng aking pagkawalang-gana. Ako'y hinandulong at 'di ako nakailag. Nawa'y bilang isang manunulat makaawas sa pasan kong sakit na nag-iiwan sa akin ngayon ng matinding kamandag. Anupa't natapos ang yaong katuwaan. Sana'y sa kahuli-hulihan, 'di ko maambil ang mga katagang, "pagsusulat...tuluyan ko nang iiwan".
BINABASA MO ANG
Scribbled
De Todopinagtagpi-tagping mga letra upang makabuo ng mga salitang magiging obra. ito'y kompilasyon ng mga tula, sanaysay, at maiikling kuwento simula nang ako'y bumalik sa aking pagsusulat. [ Contains 50 random pieces] Date Started: July 20, 2023 Thu Date...