Chapter 1

102 8 2
                                    

"Hi Vee!" bati sakin ng kaklase kong si Trixia.

"Ikaw na naman? Nakakasawa na talaga muka mo." Pang-aasar ko rito.

"Ay wow ha. Nagsalita, hahaha!" singit naman nitong si Alice.

"Sige lang, magkampihan kayo para wala ng manglibre sa inyo." Pang-iinsulto ko sa mga ito sabay alis ng room.

"Wag ka magwalk out uy!" sabi nilang dalawa at hinabol ako.

"Ms. Villa, Falcon, and Ms. Villaluna, bakit kayo naghaharutan dito sa labas ng room?" pagtatanong ni Ma'am at halatang medyo galit.

"Hm sorry po." Paghingi ko ng paumanhin sabay pasok na sa room.

Sina Trixia at Alice kasi e, bakit kasi sila sumunod? Hays.

Napangiti naman si Alice ng mamura kami, napatawa rin tuloy ako.

"Oh yan, bati- bati na tayo hahaha" bulong sakin ni Trixia.

"Good morning everyone!" bati sa amin ni Ma'am.

"Good morning Mrs. Rosa" bati rin namin dito.

"Get your notebook and we will start our lesson." Sabi nito at nagsimulang magsulat sa blackboard.

May ipinasulat siya at sinulat na namin iyon. Pagkatapos namin yon isulat ay nagpaalam na rin agad siya.

"Sorry class, ipinapatawag lang ako ni Mr. Chan." Sabi ni Ma'am sabay labas ng room.

Naghiyawan naman ang lahat, 30 minutes pa kasi ang natitira sa oras niya.

"Hm? Naiisip niyo ba naiisip ko?" sabi ni Alice habang nanglalaki ang mga mata.

"Girl, remember? Wala kang isip." Banat ko naman rito.

"Hoy grabe ka! Ni trash talk mo naman tong beshy natin! Hahahaha!" sabi ni Trixia sabay tawa.

"Grabe ka! Uy, di natin bati si Trixia." Sabi ko sabay kulbit kay Alice.

"Bumabawi ka lang kanina e hahaha!" pagsagot naman sakin ni Alice.

Nagtawanan naman kaming tatlo, ganito talaga kami pag magkakasama. May sari-sarili kaming mundo.

"Vee, tara sa canteen. Nagugutom na kasi ako e." aya sakin ni Ben, isa ko pang kaibigan.

Si Ben lang yata rito ang nag iisa kong kaibigan na lalaki, di kasi ako nakikipagkaibigan sa iba.

"Late ka yata?" pagtatanong ko rito.

"Oo nga Ben, bakit?" pag-uusisa naman ni Trixia.

Buti pa talaga tong si Alice, behave lang.

"Ah oo, nagkaproblema ang sasakyan." Pagpapaliwanag naman ni Ben samin.

"Pero bakit si Vee lang inaaya mo sa canteen? Grabe ka, paano kami?" sabat naman ni Trixia.

"Siya lang kasi medyo tino sa inyo e." natatawang sabi ni Ben kay Trixia.

"Ay excuse me?" sabi ni Alice sabay tayo sa kinauupuan niya, nag-pose pa ito sabay sabing "Ano ang tingin mo sakin? Chismosa? Wag mo nga ko gaya dito!" sabi nito sabay turo kay Trixia.

"Huy wag mo nga ko i-expose! Baka malaman nila!" sabi ni Trixia sabay takip sa bibig ni Alice.

Napahiyaw naman si Alice sa ginawa nito, hay kaibigan ko ba talaga sila?

"Siya magkagulo na muna kayo diyan, alis muna kami ni Vee. Vee, tara." Sabi ni Ben sabay hila sa braso ko.

"Girls, diyan muna kayo." Sabi ko sa kanila at napatingin lang naman sila.

Meet me in ParisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon