Chapter 2 pt. 2

6 0 0
                                    

Nang malaman ko ang lahat ay nagpasalamat agad ako na wala pang bumibili sa akin at nalungkot para kay Emerson dahil naisip ko na parehong lalaki ang bumili sa kanila at mukhang wala silang balak maging magulang. Nalaman ko rin kay Itak na maraming gustong bumili sa amin ni Anna pero hindi pumapayag si Boss dahil tingin niya daw ay mas mataas na presyo pa ang kailangan para mabili kami.


Natakot ako na baka hindi magulang gustong kumupkop sa'kin kundi isang pedophile. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha sa mga mata ko. Hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko at sa isang iglap ay niyakap ako ni Anna ng mahigpit. May naramdaman ako na hindi ko pa nararamdaman kahit kalian. Kasabay ng pagpatak ng luha ko ay ang pagpatak ng kanya. Ayokong kumalas mula sa yakap na iyon pero dumating si Boss at napilitan kaming maghiwalay.



"Anong nangyayari dito?"



"Wala po Boss.Naglalaro lang po kami ng mga bata," sagot ni Itak.



"Ang laki mo na, nakikipaglaro ka pa rin sa mga bata," bumaling siya sa amin.



"Bakit kayo umiiyak Anna at Adrian?Nadapa ba kayo? May sugat ba kayo?" 



Nag-aalala siya sa amin. Hindi dahil may pakialam siya sa amin kundi dahil nag-aalala siya na baka walang bumili sa amin kapag nakitang may mga sugat kami sa katawan.



"Okay lang po kami, Boss."



Tumango siya samin at nagpaalam. Nakahinga kaming lahat ng maluwag at inihatid na kami ni Itak sa kwarto namin. Simula ng umalis si Emerson, sa kwarto na namin natutulog si Lia. Sa loob ng tatlong buwan ay sama-sama kaming apat hanggang sa isang araw ay muli kaming binihisan ng magandang damit at pumila para gawing pamilian ng mga gustong bumili sa amin.


Nakita namin ang mag-asawang mukhang mabait naman kaya naman inisip namin na malalagay kami sa mabubuting kamay. Alam namin na kahit anong mangyari, mapili man kami o hindi ay magiging maayos ang buhay namin. Mukhang nawili ang asawa sa pagiging malusog ni James dahil sila din mismo ay halatang malusog. Tama nga ang hinala ko dahil kinuha ni Itak si James at dinala sa kwarto ni Boss. Bago siya tuluyang umalis ay ngumiti siya sa akin na nangangahulugang sa akin niya ipinauubaya si Anna. Tanggap na ni James ang kapalaran niya at hindi na siya umiyak ng tulad ni Emerson. Pero nang umalis na si James ay kitang-kita ko kay Anna ang lungkot na nadarama niya.



"Huwag kang mag-alala Anna.Nandito pa kami ni Lia. Hindi ka namin iiwan," sabi ko sa kanya habang pinupunasan ang luha niya.   



"Iiwan niyo din ako. Magkakahihiwalay din tayo. Alam mo 'yan Adrian. Alam nating lahat 'yan!"



Dito sumagi sa isip ko na ayaw kong mawalay kay Anna o kay Lia, kailangan naming tumakas bago pa kami mapaghiwa-hiwalay ni Boss.


Hindi ko alam kung bakit sa murang edad ay naisip ko na ang magiging kalagayan namin sa hinaharap. Siguro ay natatakot ako sa mga pwedeng mangyari sa amin kapag wala pa akong ginawa. At dahil tatlo na lang kami at ako na lang ang natitirang may lakas ng loob, sinubukan kong gumawa ng paraan.


Tuwing biyernes ng hapon hanggang sabado ng tanghali ay umaalis si Boss sa malaking bahay para dalhin ang ilan sa mga bata sa isang lugar na sinasabing lungga ng mga sindikato. Hindi na sila matatawag na bata dahil lumaki na sila sa malaking bahay dahil walang gusting bumili sa kanila noong maliliit pa lamang sila.


Ayon kay Itak, doon sa lungga na iyon ay  pinahihirapan ang mga ito para malaman kung tatanggapin ba sila sa sindikato, parang initiation lang sa fraternities na nalaman ko noong college ako. Kapag hindi daw pumasa ay papatayin ang mga ito at itatapon sa ilog kung saan walang makakakita sa kanila kailanman.





Isang biyernes, sa tulong ni Itak ay nagsimula na kaming mag-impake ng mga gamit namin. Takot man ay itinuloy pa rin namin ang planong pagtakas. Pagkaalis na pagkaalis pa lang ni boss sakay ng kanyang magarang kotse ay pinuntahan na kami ni Itak sa kwarto at tinulungan kaming bumaba pero sa mga oras na 'yon ay hindi pa tapos mag-impake ng gamit si Lia. Pagkababa ng gamit namin ni Anna ay bumalik kami sa kwarto para tulungan si Lia. Nagmadali kami pero ilang saglit lang ay narinig naming nagbukas ang malaking gate ng malaking bahay. Pagsilip namin sa bintana ay nakita namin ang pulang kotse ni Boss. Napalingon ako sa ibaba at nakita si Itak na sumesenyas na magmadali na kami gamit ang kaliwa niyang kamay at parang may sinasabi ngunit hindi naming marinig.



"Umalis na kayo! Bilisan niyo!"



Nagmadali na kami at iniwan na ang ibang gamit ni Lia. Bumaba kami ng bahay pero hindi namin nagustuhan ang sumalubong sa amin. Nasa loob na ng bahay si Itak at may nakatutok sa kanyang baril. Napatingin ako sa may hawak ng baril at nakita ko ang galit na galit na mukha ni Boss. Nagulat ako dahil ito ang unang beses na nakita ko ang mukha niya na ganun, puno ng galit at parang walang sinumang papatawarin. Sinubukan pala ni Itak na pigilan sa pagpasok ng bahay si Boss pero galit na galit ito at naglabas ng baril. Sinundan sila ng tatlo pang tauhan ni Boss at pumasok sila ng bahay na nakatutok ang lahat ng baril kay Itak. Nang tumigil kaming tatlo nina Anna sa may hagdan, wala kaming nagawa kundi manood na lang sa mga sumunod na nangyari.



"Patawarin nyo ako," ang mga huling salita ni Itak bago siya barilin ni Boss sa ulo.


Hindi ko lubos akalain na nakasaksi ako ng pagpatay. Nakakadumi, nakakasuka, nakakakilabot, nakakatakot ang nangyari. Hindi namin alam kung ano ang dapat naming gawin. Pero isang bagay lang ang alam naming hindi namin mapipigilan, ang pagpatak ng aming mga luha. Sa pagkamatay ni Itak ay kasama niya ang pag-asa na makakatakas pa kami sa impyerno na aming tinutuluyan kung saan ang Boss si Satanas at kami ang kanyang mga bilanggo.  


Ang Marka ng NakaraanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon