Chapter 42 - Date

36 6 0
                                    

06/16/15
--------

Magdadalawang oras na ata kaming nasa kotse pero wala pa atang naiisip si Lei kong saan niya ako dadalhin.

"Hoy saan mo ba ako balak dalhin?"

Siko ko kay Lei,yong driver kasi nila yong nagdridrive.

"Hoy Lei"

"Teka lang wala pa akong naiisip"

"Ano wala pa ! Magaaya ka ng date tapos wala ka naman palang plano"

"Kinakausap mo na ako?"

"Ano pa ba sa tingin m---"

Napatigil ako sa pagsasalita ng marealized ko na pinapansin ko na pala siya ! Shemss kainiis talaga tong lalaking ito

"Haha alam ko na naman talaga kong saan kita dadalhin.Sa lugar na siguradong magugustuhan mo.Hinihintay ko lang na kausapin mo ako"

Tsk ! Siguraduhin niya lang na magugustuhan ko.After ng ilang minutes tumigil din ang sasakyan

"Bakit sa MOA mo ako dinala?"

Tanong ko sa kanya pagbaba namin ng kotse

"Gusto kong manuod ng fireworks"

"Fireworks?"

Naexcite tuloy ako sa sinabi niya.Honestly matagal na akong hindi nakakakita ng firework.Siguro bata palang ako noong huli akong nanood ng firework display.

Gustong gusto ko ulit makapanuod ng fireworks

"4:30 PM palang mamayang 8 pa yong fireworks.Saan mo gustong pumunta?" Lei

"Nagugutom ako"

Hindi na kami pumunta sa loob ng Mall.Sa mga restuarant nalang dito sa labas kami kumain.

Pagkatapos naming kumain naglakad lakad muna kami.

One word BORING

Grabe date na ba tong matatawag?Yong mga karaniwang date kasi may Romantic scene diba? Itong amin ni Lei,parang wala lang.

Kung hindi lang dahil sa fireworks kanina pa ako umuwi.

"Bored ka na ba?" Lei

Wow buti naman nakaramdam

"Ah h---"

"Tara"

Tsk,nagpahila nalang ako sa kanya.Hindi ko alam kong saan niya ako dadalhin.Basta hinila lang niya ako.

"Nasubukan mo na ba yan?"

Napatingin ako sa tinuro niya.Zip line.

"Ah oo"

Sa totoo lang hindi pa.Ayokong sumakay diyan

"Haha try natin?"

Hihilain na naman niya sana ako pero hindi ako nagpahila.

"W-wag nalang"

"Trust me,masaya yon"

Ilang ulit na ba akong napatigil sa ngiti niya? Wala na akong nagawa kong hindi sumunod nalang sa gusto niya.

"Ready ka na ba?"

Since dalawa yong Zip line pwede kaming magsabay ni Lei.

"O-oo naman,ikaw?"

"Oo daw pero kinakabahan naman"

"HINDI AH !"

Hinawakan ni Lei yong kamay ko.

You're lucky,I'm inlove with you(ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon