CHAPTER 15; Seloso

517 18 0
                                    

CHAPTER 15

Apple Point Of View


"Good morning."I greeted Cherry, nagtaka naman ako dahil para siyang nagulat.

"May lagnat kaba?"tanong ko at hinawakan ang noo niya, ang pula-pula niya kasi.

"No, I'm not sick."she said, napatango naman ako.

"Are you coming tomorrow?"she asked me.

"Oo naman, birthday mo'yon. Hindi dapat ako mawala ro'n."ngumiti ako rito pero napawi 'to ng bigla siyang ngumiti.

Parang may flower effect na naman sa paligid dahil sa maganda niyang ngiti, I blinked twice and shook my head. Napasimangot ako, ang daya naman 'to. Ang ganda ng ngiti ni Cherry habang ako parang binagsakan ng bato, may dark clouds effect pa.

"Good morning guys! Sabay na tayo!"napatingin kami sa pinto ng dorm namin, lumabas ang maliwanag na mukha ni Kulog. Napasimangot na naman ako, pati ba naman siya may highlight effect?

"Palagi naman tayong sabay."Cherry mumbled beside me, napatawa naman ako pero agad na napawi ng makita ang mukha ni Kulog.

"Mapple bat ang lungkot ng mukha mo?"tanong niya habang naka ngiti, mas lalo akong sumimangot.

"Wala ako sa mood ngayon Kulog,"sabi ko nalang rito.

Bumukas naman ang pinto at lumuwa ro'n ang hindi maipintang mukha ni Harmony. Pareho kami ngayon, may dark clouds. Pero napatigil ako ng may sumunod sa kanya, parang nasilaw ako bigla ng lumabas si Broccoli ro'n, may shining effect sa paligid niya. Kinusot-kusot ko mona ang mata ko bago umakto na parang okay lang, na para bang hindi ako nasaktan. Chill-chill lang.

"Morning."at the first time nag greet siya samin ng 'morning' walang good. Minsan kasi hindi niya kami binabati, gabi lang siguro.

Napatulala kami dahil kakaiba siya ngayon, mas lalo siyang naging gwapo. Oo aaminin kong nagiging maharot ako pagdating sa kanya, sa kanya lang. Marupok lola niyo.

Hindi ko alam kong bakit ako nasasaktan sa nangyari no'ng isang araw. Gusto ko kasing maalala niya, pero nagpapasalamat rin naman ako na hindi niya naaalala, nakakahiya 'yon.

Hindi ko gets ang self ko.

Iniiwasan ko ang mga mata niya, palagi ko siyang iniiwasan okay para hindi pa lumala 'yong nararamdaman ko. Kahit alam ko na nagtataka siya pero hindi ko nalang pinapansin, baka bumigay na naman ako.

"Let's go na."I said at naunang maglakad sa kanila. I looked at them one more time and they looked really confused.

Ngumiti nalang ako para hindi sila mag-isip ng kong ano, ayaw ko silang mag-alala sa'kin. Nag-eemote lang po ako.

Minutes past at nakarating na kami, naglalakad kami sa corridor ngayon papuntang training room. Magpa-practice lang kami ng combat skills, power skills at iba pa.

"Oh bat kulang kayo?"tanong ko kila Ice ng magkita kami sa training room. Sobrang laki nito at halos parang fighting place na, nandito kami sa pinakadulo dahil walang masyadong students habang 'yong kabila ay sobrang rami na.

May nag ti-training sa gitna at pinapalibutan sila ng barrier para hindi sila maka pinsala.

"Hindi ko alam, kanina pa hindi dumating si Victoria at Elast."sagot niya habang winayway ang kanyang espada.

"Baka nag away nga."komento naman ni Flora pero tumawa lang si Kulog rito.

"Pustahan tayo, lalanggamin tayo rito."napa simangot naman si Ice sa kanyang sinabi.

Suddenly Reincarnated (RS#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon