Asymptote

36 0 0
                                    

Naranasan mo na bang malagay sa isang relasyong sa simula palang ay alanganin na? Yung tipong lahat nalang ng taong nakapaligid sa inyo ay against sa pagiibigan nyo. Maraming sagabal, at higit sa lahat ay may iba nang naka-sentro sa buhay niya. Ikaw naman, pangalawa nalang.

Ansakit diba?

Alin nga ba'ng masakit? Yung malaman mong hindi na siya maaaring maging sayo ng buo? O yung nalaman mong may nauna na pala bago pa naging kayo? Or both.

Sadya nga talagang napakalupit ng tadhana, kung kaya't itong si kupido naduling at sa maling tao ka pa pinana. Sinubukan mong di ma-inlove pero wala eh, natalo ka parin. Kaya ayan nga't isinugal mo nang lahat alang-alang sa tinatawag mong "PAGMAMAHAL".

Wala kang pakialam sa kung ano bang ihahatol sa'yo ng mga tao sa paligid nyo. Basura ka man sa tingin ng iba, pero para sayo ang lahat ng iyon ay wala lang. Kahit nga pagsisinungaling ay nagawa mo na, para lang walang makaalam. Pero " walang lihim na hindi nabubunyag".

Ganoon nga ba ang tinatawag na LOVE? Kahit gaano ka pa kamuhian ng mga tao sa paligid niyo ay wala kanang pakialam. Kumbaga, manhid ka na.

Ibinigay mo nang lahat ng pagmamahal na meron ka sa taong iyon dahil ang alam mo'y ikaw lang at wala nang iba. Buong puso mo siyang tinanggap ng walang hinihingi o hinihintay na kapalit. Sinuportahan at pinagtanggol sa kahit kanino man at kahit saan. At ang pinakamasarap na ibinalik niya sa'yo ay ang buo rin niyang pagmamahal.

Buo nga ba?

Mas naging intimate pa ang pagmamahal mo sa kanya nang lumaon, lalo na't nalaman mong malabo nang balikan pa niya ang taong una niyang minahal. Mas naging understanding ka dahil sa paniniwalang lahat ng ginagawa niya ay tama at walang halong biro, although inakala mong sa umpisa ay niloko ka lang niya. Naging tahimik at maayos naman ang inyong pagsasama.

Ngunit paano kung bumalik siya? At kunin ang taong unang naging kanya?

Matanggap mo kaya?

Marahil hindi. Paano ka makakaget-over kung sobrang lalim na ng pagmamahal mo sa kanya? Yung tipong ang mundong ginagalawan mo ay tanging siya lang. Na paggising mo sa umaga at bago matulog ang tanging laman ng utak mo ay walang iba kundi siya lang. Nagiging inspirasyon mo para magsimula ng panibagong araw, at hindi ka napapagod dahil nga alam mong nandyan lang siya para sayo. Siya ang iyong lakas sa mga hamong haharapin mo at gabay na labis na nagpapatatag sa iyo.

Gugunaw nalang bigla ang mundo mo kung ang kaisa-isang taong naging sandalan mo ay kusa naring bumigay. Gagawa ka ng paraan para lang bumalik siya.

Sinubukan mong wasakin ang buhay mo nang dahil sa " Pagmamahal" na yan. Halos hindi ka na kumain at di narin natutulog. Nagbalak ka ring di pumasok sa school at mas ninais pa'ng mag-cutting classes. Ni hindi mo nga kinakausap ang mga magulang at kaibigan mo tungkol doon. Kumbaga sinasarili mo lang ang lahat dahil ayaw mong pati sila ay madamay pa roon. Pakiramdam mo ay inalisan ka ng isang mahalang parte sa buhay mo. Nang dahil do'n ay nagpasya kang magpakamatay.

At dahil sa katangahang ginawa mo ay muli siyang bumalik. Naawa nga lang ba siya o talaga ngang mahal ka niya? Kung ano man iyon ay binalewala mo iyon. At sa muli, ikaw at siya ay iisa.

Ika nga nila, hindi sa lahat ng pagkakataon ay magiging masaya ka. Pagbaliktarin man ang mundo, malabo nang magsama kayo ng walang gulo. Oo, posibleng maitago niyo pa ang relasyon niyo. Pero ang tanong, hanggang kailan?

Kaya mo bang mabuhay na may itinatagong lihim?

Kaya mo bang magsinungaling hanggang sa huli makasama lang ang taong minamahal mo?

Kakayanin mo kayang manatiling pangalawa lang sa buhay niya? Na may mas mahalaga pa siyang priorities na higit sayo?

Alam kong hindi mo kaya, unless nalang kung sobrang martir ka na.

Hindi pa naman huli ang lahat para sayo. Kung alam mong hindi mo naman talaga kaya, magpakumbaba ka na. Set him/her free. Kung mahal mo talaga siya ay iiwanan mo siya alang-alang sa ibang tao na mas higit na kailangan siya kaysa kailangan mo siya. Masakit talaga sa umpisa, pero wala eh. Hindi naman natin talaga kailangang ipagpilitan ang mga bagay na imposible. Ang upuan para lang sa lamesa. Ang punda para lang sa unan. At siya para lang sa kanya. Siguro naman gets nyo ang punto ko.

Maiintindihan ka naman niya, malabong hindi. Makakalimutan mo din siya. Oo, hindi madali pero unti-unti ay makaka move-on ka rin. Hindi naman kasi yan isang araw lang na paggising mo nagkamemory loss ka agad. It takes time to heal, ika nga nila.

As I've said, hindi lahat ng bagay ay compatible sa isa't isa. Hindi lahat posible. At hindi lahat ng naaayon sa kung anong pinlano at ginusto mo ay masusunod.

We have to let go of something that isn't for us to keep. We have to accept the fact that not everything will fits for us.

And maybe someday, you'll find that perfect piece that may complete your puzzle.

Asymptote (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon