CHAPTER 1: Her One Mission As a Ghost

45 1 0
                                    

CHAPTER 1

"Alis na." Lumukot ang aking mukha nang itaboy na ako ni Manang Matilda. Kung aalis ako, wala na akong ibang lugar na matitirahan bukod sa bahay ni Manang. Kung aalis din ako, wala nang makakakita pa sa akin. Si Manang lamang kasi ang nag-iisang tao na nakakakita sa akin, sa kadahilanang pat*y na ako.

"Pero,"

"Tama na ang reklamo." nababagot nitong usal, "Kung hindi ka aalis... mabuti pang pumunta ka na lang sa langit."

Nanlaki ang aking mata sa sinabi nito. Grabe talaga si Manang. Gusto niya talaga akong papuntahin na sa langit para mamayapa na.

"Manang!"

"O ano? Ready ka na?"

"No way! Aalis na ho ako!"

"O ba't nakaupo ka pa d'yan?"

Bumuntong hininga ako at hinilot ang sentido. "Wala akong mapupuntahan."

Napaismid si Manang, "Aba't bob* naman ng multong 'to." tugon nito, tumayo siya at kinuha ang tungkod niya pagkatapos ay itinuro sa akin. Umatras ako baka kasi masapak pa ako nang tungkod niya. "Ikaw! Kahit wala kang mapuntahan, wala kang makain, hindi ka pa magpalit ng damit o ano pa! Never ka nang mamat*y! Kasi MULTO ka!"

I got hurt by what she said. Kahit kailan ang sakit magsalita ng matandang 'to. Oo multo ako, pero hindi pa naman sigurado na pat*y na talaga ako. Hindi ko pa naman nakikita ang katawan ko.

"Oo na ho. Ako na ang multo. Pero manang, give me 3 days para makapagplano. Hindi ko alam kung saan ako pupunta at walang makakakita sa akin kundi ikaw lang " paliwanag ko umaasang maawa pa sa akin si Manang at hindi muna ako paalisin.

"Ngayong araw ka dapat magsimula. Hindi mo dapat sayangin ang 60 days na ibinigay sa'yo. Kahit isang minuto hindi maaari." Umupo muli si Manang sa kanyang upuan. Tina,-tap niya ang kanyang tungkod sa sahig. "Hanapin mo siya kahit anong mangyari. Siya lang ang makakatulong sayo para makabalik ka sa katawan mo."

"Pero paano kapag hindi ko pa rin siya mahanap?"

"Hindi natin alam kung anong mangyayari. Maaaring makukulong ka o aalis na sa mundo nang walang katahimikan. Ngunit kahit anong mangyari hanapin mo ang taong iyon."

"Umalis ka na. Huwag mong hayaang ako pa ang magkaladkad sa'yo." banta nito sa akin.

Sandaling natahimik si Manang Matilda, maya-maya pa ay nagsalita siya. "Huwag kang babalik dito kung hindi mo mahanap ang taong kailangan mong hanapin. Libutin mo ang mundo kung kinakailangan, hija."

"May isa akong kahilingan, hija." ( Bumalik ka sa akin ng buhay at hindi na multo)

"What is it, manang?"

Naglaho na ako sa hangin matapos masabi ni Manang sa akin ang kanyang kahilingan. Isa lang ang masasabi ko sa sitwasyon ko. Ang hirap maging multo, multong may isang misyon na kailangang gawin para sa buhay ko. Hindi ko nga alam kung nasaan ang katawan ko at ang background ng buhay. Hindi ko nga rin alam ang tunay kong pangalan at hanggang ngayon nanatili pa rin akong walang pangalan.

Bahagya akong nakaramdam ng lungkot nang mapunta ako sa isang park. Tanging panonood sa mga batang naglalaro ang aking ginagawa habang nadadaan ang katawan ko ng mga tao.

Umalis ako sa park at naglibot-libot kahit hindi ako pamilyar sa mga lugar na napuntahan ko. Halos tatlong oras akong gumala para hanapin ang taong makakatulong sa akin. Ngunit sa loob ng tatlong oras hindi ko siya mahanap. Niloloko ko pa ang sarili ko sa pamamagitan ng pagtawag, paghawak, at pagkausap sa mga tao. Kahit pagtumbing sa harap nila ginawa ko, pero wala pa rin. Humiga na lang ako sa isang waiting shed para magpahinga. Napagod ang multo e.

"Umakyat na lang kaya ako sa langit?" tanong ko sa sarili ko.

Ang hirap kasing hanapin ng taong tinutukoy ni Manang Matilda. Saan ba kasing lupalop ng mundo siya nakatira?

"Naknampucha. Gusto ko pang mabuhay." binatukon ko ang sarili ko, ang tanga kasi. "Hindi pa nga ako nakakasal e aakyat na ako. Gusto kong makita ng mga tao at hindi dinadaanan lang. Ang boring talaga maging ghost." usal ko, "Wala pa akong kausap!"

"Ganun ba? Edi sumama ka nalang sa'kin. Tutulungan kitang magpakita sa mga tao. Tutulungan pa kitang makahawak ng mga bagay." napabangon ako nang may magsalita.

Sino 'yon? Siya na ba ang tinutukoy ni Manang?

"Anong desisyon mo?"

Napakurap-kurap ako at hindi makapagsalita sa aking nakasalamuha. Isang multong lalaki na napapalibutan ng itim na usok. G-gag*. What should I do?

Ang sabi ni Manang Matilda bago ako umalis ay umiwas daw ako sa mga masasamang multo. Mahirap na baka magaya pa ako sa kanila. Kung maging isa ako sakanila, edi boom tapos na.

Inabot niya sa akin ang kanyang kamay, seryoso siyang nakatitig sa akin kaya labis talaga ang kabang nararamdaman ko ngayon. "Sumama ka sa akin." Pati boses ng multong lalaki ay nakakakilabot.

"Huwag kang lumapit!" bakas ang pagkatakot sa boses ko.

Ngumisi siya. Isang hakbang lang ang layo niya sa akin. Kaya with his one step, pat*y ako. Napalunok ako. "Ang hina mo pa pala," ngisi niya.

Bawal nga palang ipabakas ang takot sa mga multong tulad nila.

"Ibigay mo sa akin ang katawan mo!" sigaw nito at tumawa. Nawala siya bigla sa paningin ko at sa isang iglap nasa harap ko na siya habang hawak hawak ako.

Napasigaw ako sa takot, sinubukan kong bawiin ang katawan ko ngunit hindi ko magawa. Masyado siyang malakas.

"AAAAAAAHHHHHHHH!" patuloy ako sa pagsigaw nang may parang isang enerhiya na gustong humigop. Pumikit ako, inipon ang lakas, at sinuntok ang pangit na multo sa mukha nito. Ngunit walang nangyari. Mas lumaki tuloy ang ngisi niya habang hawak-hawak ang balikat ko.

Ah, wala pala ah.

Malakas kong sinipa ang bay*g ng multo. Napasigaw ito sa sakit kasabay ng pagbitiw nito sa akin. Nanlilisik ang kanyang mata habang nakatingin sa akin.

"Fvck you!" tugon ko at tumakbo palayo sa kanya. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin. Ahhhhh, Manang Matilda, help!

"Hindi mo ako matatakasan! HAHAHAHHAAHA" sigaw nito.

"Talaga!" kahit natatakot na ako, nagawa ko pa siyang sagutin.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!"

Sa takot ko nang makita ko siyang nakatayo na sa harap ko ay malakas akong napasigaw. Putang*na. Lubayan mo ako! Dahan-dahan siyang lumapit sa akin.

Napapikit ako sa takot. Ayoko na! Sana pala umakyat na lang ako!

"LUBAYAN MO NA AKO!" inis na inis kong sigaw. Ang bob* talaga. Sabi nang lubayan na ako.

Wala akong magawa kahit anong gawin ko. Nag-iisa lang ako at malayo ako kay Manang. Kaya inaasahan ko na lang ang paglapit niya sa akin at kunin ang kaluluwa ko.

"AHHHHHHHHHHHHHH!" patuloy kong sigaw sa takot. Pero iba naman ang nangyari sa inaasahan ko. Bigla kasi akong naglaho.

Lagaslas ng tubig ang naririnig ko ngunit hindi naman ako nabasa. Nasaan ako? Dumilat ako at bumungad sa akin isang glass wall. Wait-

Bigla akong lumingon sa likod ko, at nagulantang sa nakita.

Isang binatang lalaki ang naliligo habang hub*d ang buong katawan habang nakatalikod sa akin. Naknampucha mas nakakatakot pa 'tong napuntahan ko!

"AHHHHHHHH!!!!" napasigaw ako kasabay ng pagtakip ko ng mukha. Pero huli na kasi nakita ko na 'yung pwet niya.

"Holy sht! GET OUT OF HERE!"





















60 DAYS OF FINDING MR. PERFECT [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon