🥀BITIWAN n'yo, ako!" Sigaw niya habang hinihila siya ng mga ito sa kamay at itulak papasok sa isang sasakyan. Pauwi na siya galing sa company nila na pinamamahalaan niya na isa sa mga kumpanya ng kanyang ama. Nang bigla na lamang siyang harangan ng van na kulay itim kaya naihinto niya bigla ang kanyang sinasakyang kotse.
Nang maipasok siya ng tuluyan ay na amoy niya ang amoy ng tabako at alak sa loob ng sasakyan kaya parang masusuka siya sa amoy na 'yon.
Hindi niya kasi makita ang paligid, dahil sa telang nakapiring sa kaniyang mga mata. Nakatali rin nang mahigpit ang kaniyang mga kamay."Manahimik ka! Kung hindi ka tatahimik, ihuhulog kita rito sa van habang umaandar!" Natakot naman siya kaya hindi na siya pumalag dahil sa takot na baka totohanin nito ang banta. Ayaw niyang mabalian ng buto kapag nagkataon kaya nanginig siya kaya wala siyang nagawa.
Hindi rin siya nakaupo nang maayos kaya napasubsob at nahulog siya sa upuan ng sasakyan nang umandar na ito. Dahil nakatali ang kaniyang mga kamay ay hindi niya magawang makahawak upang umupong muli.
Bukod sa nakatali ay masakit din ang kanyang mga kamay, kaya hindi niya alam kung ano ang gagawin bukod sa pag-iyak."Sumandal ka para hindi ka mahulog!" May narinig siyang kalmadong boses sa kaniyang tabi at itinatayo siya habang inalalayan siyang umupong muli.
"Bakit n'yo ito ginagawa sa kin?" tanung niya sa umalalay sa kanya.
"Gun, 'wag mong sagutin ang tanong niyan. At ikaw, tigilan mo na ang pag-arte mo," Muling wika ng lalaki kanina na may makapal at mabangis na tinig. Narinig niya ang lalaking tumulong sa kaniya kanina na lumayo nang kaunti.
Napa-isip siya kung bakit siya nalagay sa ganitong sitwasyon?
Siya naman ay walang kaaway at hindi naman siya gumagawa ng gulo para kaninuman.Palakaibigan naman siya at walang araw na hindi siya nakakatagpo ng magiging kaibigan; matulungin at higit sa lahat ay masunurin naman siyang anak. Kaya sino ang mag-iisip na gawin ito sa kaniya?
"Magkano ba ang kailangan n'yo ? Magbabayad ako kahit magkano, pakawalan n'yo lang ako!" Sigaw niya sa mga ito pero tinawan lang siya.
"Hindi lahat ng kidnapper ay pera ang hangad, gaga!" sagot ulit ng lalaking may nakakatakot na boses.
"Hindi n'yo ba ako kilala? Anak ako ni Senator Morales at mayaman ako. You are all doomed!" Umiiyak na siya sa galit pero itong mga ito ay pinagtatawan pa siya.
"Kita mo, kung sino ang mayabang sa atin ngayon? Narinig kong sweet at mapagmahal kang anak at kaibigan. Pero parang sobrang kabaliktaran mo naman ngayon!" Nanunudyo nitong sambit.
"Bakit hindi mo alisin ang blindfold ko at pagkakatali ko para mas malaman mo pa ang iba ko pang mga masamang ugali?" Pagtatapang-tapangan na hayag niya.
"Ano ako? Bobo? Tumigil ka dahil hindi mo ako magogoyo!" asik nito sa kaniya kaya napasinghap siya.
"Tandaan ninyo ito! Kapag nahanap ako ng aking ama, magsisisi kayong pinanganak pa kayo sa mundong ito. "banta niya sa mga ito na nagtawanan lang. Ngayon niya lang nalaman na apat ang kumidnap sa kaniya base sa mga boses nagsasalita at nakikitawa sa kanila. Suddenly someone grabbed her hair so she looked up. He could not feel the pain because it was lightly holding his hair.
"Huwag ka na lang magsalita dahil lalo ka lang nilang pagtatawanan. Hindi nila pakikinggan kahit ano pa ang sabihin mo. Huwag kang gagawa ng paraan para tumakas dahil hindi 'yan uubra," bulong sa kaniya ng lalaking tumulong sa kaniya kanina. Ito lang naman ang may maganda at mahinahong boses na siyang nagpapakalma sa kaniyang sistema. Kaya sa huli ay nanahimik na lamang siya. Ilang oras din ang kanilang ibyenahi maya-maya lang ay huminto na ang sasakyan sa pag-andar.
BINABASA MO ANG
LOVE IN DANGER oneshot complete
Short StoryROSES and GUN story 'Hindi ako natatakot mamatay na kasama ka. Mas natatakot akong makaligtas nang hindi kita kasama.' Start writing: August 21, 2023-August 23, 2023