CHAPTER 2: Found Him.

15 1 0
                                    

CHAPTER 2

“AHHHHHHHH!!!!” napasigaw ako kasabay ng pagtakip ko ng mukha. Pero huli na kasi nakita ko na 'yung pwet niya.

“Holy sht! GET OUT OF HERE!” Hindi ko alam kung anong expression ng mukha ng lalaki pero mababakas sa boses niya ang gulat at pagkainis.

Mas lalo tuloy akong nagtakip ng mukha. Buong buhay ko hindi ako nakakita ng pwet ng iba except sa bata. Ngayon lang talaga!

“Sorry! I didn't mean to interrupt you, but I swear I didn't see anything!” I said out of fear. May pakiramdam ako na kaya niya akong pat*yin kapag nalaman niyang may nakita talaga ako.

“GET OUT!”

Napapitlag ako nang marinig ang malakas nitong sigaw.
Boses pa lang, nakakakaba na. Pano kaya kapag mukha niya ang kaharap ko?

“Fine,” tumalikod ako, tinanggal ko na ang kamay kong nakatakip sa mukha at naglaho. Napunta agad ako sa isang kwarto. Masasabi ko agad na lalaki ang may-ari nitong kwarto dahil sa designs at amoy.

Nalibot ko na ang buong sulok ng kwarto. Parang ako tuloy ang may-ari nitong kwarto dahil sa mga pansamantalang ginagawa ko, tulad ng paghiga sa kama at pagsingot sa amoy.

Ilang segundo ang lumipas nang bigla akong mapatigil sa ginagawa ko nang may mapansin sa amoy ng kama. Paulit-ulit ko itong inamoy, inaalala kung saan at kailan ko ito naamoy. The scent is really familiar.

“Is this my perfume?”

No— panlalaki naman ito. Hindi naman ako tomboy para gumamit ng panlalaking perfumes. Maybe that guy from the shower room is the owner of this room. Grabe. Hindi ko parin makalimutan yung galit niya sakin kanina. Hindi ko sinadyang mapasok habang naliligo siya. Hay. Kasalanan talaga 'to nang pangit na multo. Kung nilubayan sana ako 'non nang maaga 'di hindi ako makakakita ng pwet ng isang gwapo pero supladong lalaki.

“Anyway, I'm a ghost—”

Napatigil ako sa pagsasalita nang mapagtanto ang isang malaking bagay. That guy saw me. Hindi ako pwedeng magkamali. Sinisigawan pa nga niya ako!

Para masigurado ay bumalik ako sa pinanggalingan ko kanina. Ang tanging tunog ng pagsarado ng pinto lamang ang narinig ko. Kakalabas lang niya.  Agad akong sumunod.

Nakita ko agad siya. Nakatayo siya sa likod ng pinto habang sinusuri ang kanyang kwarto. Nakatalikod siya sa akin at may kausap.

“I don't care. Find that girl no matter what and bring her to me.” sambit nito, mababakas pa rin ang pagkainis sa boses nito. Wait— ako ba ang tinutukoy niya? Pinapahanap niya ako?

“Psh. Call me once you find that perv*rt intruder.”

“WHAT? ME? PERV*RT INTRUDER?! HA!” Biglang napalingon ang lalaki sa akin. Binaba niya muna ang tawag bago ako pagtuunan ng pansin.

Umatras ako nang humakbang siya papalapit sa akin. Patuloy ako sa pag-atras at patuloy naman siya sa paghakbang kung kaya't napahinto ako nang maramdaman ko sa likod ko  ang matigas na pinto.

Gusto kong batukan ang sarili ko. Kahit kailan pahamak talaga 'tong bibig ko e.

“Who are you?” He asked in a serious tone. Bumaba ang tingin nito sa kamay ko, inspecting me if I was carrying something sharp that could hurt him.

“I don't have a name.” diresto kong sagot sa kanya. What's the point of lying? E wala naman talaga akong pangalan. Alangan naman na mag-imbento ako di'ba?

He smirked, “I know that tactic. Now, tell me who you are and how you got in here.”

“I don't really have a name!”

“Stop making excuses.” sambit nito, halatang hindi talaga naniniwala sa akin. Sabihin ko kayang multo ako? 

“Then give me a name. Sasabihin ko sa'yo.”

Hinablot niya ang kamay ko at kinaladkad. “Ang hirap mong kausap kaya sa presinto ka na lang magpaliwanag.” sabi nito ngunit wala roon ang atensyon ko. Kundi nasa kamay niyang nakahawak sa wrist ko. Nahahawakan niya ako na hindi kailanman nagawa ni Manang Matilda.

“S-sandali” napatigil siya sa pagbukas ng pinto nang magsalita ako. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa akin. Hanggang ngayon gulat pa rin ako.

Sa mga sandaling ito, hindi ko naramdamang isa akong multo because this guy in front of me just touched me nang walang kahirap-hirap.

Ipinakita ko ang kamay niyang nakahawak sa akin, “Paano mo ito nagawa?” tanong ko.

Kumunot ang noo niya. “What?”

“Bakit mo ako nahahawakan?” puno ng pagkalito kong tanong. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanya at sa kamay namin.

“Malamang tao ako! Baliw ka ba?” bulyaw niya sa akin. Tumalikod siya at pinihit ang pinto saka hinila ako palabas.

Hindi niya dapat ako nahahawakan. Si Manang Matilda nga na may kakayahang makakita ng multo, wala namang kakayahang mahawakan kami.

“But I'm a ghost!”
















60 DAYS OF FINDING MR. PERFECT [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon