CHAPTER 3
“But I'm a ghost!” Umiwas ako ng tingin matapos sabihin ang katotohanan. Hindi pa man lumipas ang isang segundo ay bigla siyang napabitaw sa akin at umatras. Kahit hindi man niya sabihin, alam kong natatakot siya sa akin. Sino nga bang tao ang hindi matatakot sa akin kapag nakita ako? E, isa na lamang akong hamak na multo.
“Y-you... what?” Ramdam ko ang takot sa kanyang pananalita. Tinanggap ko na ang katotohanang isa na akong multo, ngunit hindi ko maitatanggi na nasasaktan ako sa nakikita kung paano siya natatakot sa akin.
Tumawa ako ng peke para itago ang sakit na nararamdaman ko, “Do I have to say it again?” tumungo ako, ngunit hindi ako tumingin sa mga mata niya, “I said I am now a ghost because I died two years ago.”
He shook his head, “Sh*t. This can't be happening.”
Tumalikod siya mula sa akin, “Wala akong nakita. Tama. Wala.” pagkatapos niyang sabihin ang mga iyon naglakad na siya palayo sa akin.I smiled as I tasted the bitterness in my throat. I have to ask Manang Matilda about what happened earlier. Kung paano ako nahawakan ng lalaki, at bakit hindi magawa iyon ni Manang Matilda sa akin.
Tahimik akong umalis, ngunit hindi pa man ako tuluyang naglaho ay narinig ko ang huli niyang sinabi “Panaginip lang ito.”
“Nahanap mo na siya?”
Hindi ko napansing nasa loob na pala ako ng bahay ni Manang Matilda. Kung hindi siya nagsalita, siguro inaanod na ako ng tubig sa dami ng iniisip ko.
Pinagmasdan ko si Manang Matilda na ngayo'y nag-aayos ng kanyang higaan. Dito na lang kaya ako? Tutal si Manang lang naman ang nag-iisang tao na nakakaintindi sa akin.
“Hindi mo man sagutin ang tanong ko... nararamdaman ko namang nahanap mo na siya.” patuloy ni Manang.
Humiga na si Manang sa kanyang higaan, na ngayo'y nasa akin na ang atensyon.“Bakit ka umalis?”
Nanatili akong nakatayo sa harap niya. Tila gusto kong maiyak habang nakatitig sa mga mata ni Manang.
Is this my fate? Ano ba ang naging kasalanan ko 'nong buhay pa ako at bakit ako pinapahirapan ng ganito? I've already found him, ngunit natatakot akong lapitan siya sapagkat alam kong iiwas siya.
“May dahilan kung bakit nangyari ito sayo, Hija. Ikaw lang ang may alam ng rason na 'yon. Maaring hindi pa ngayon ngunit dadating din ang takdang panahon.”
Lumapit ako, inabot ko ang aking palad kay Manang. “Hawakan mo ako, Manang. Pakiusap.” Walang reaksyon ang mukha ni Manang habang nakatitig sa kamay kong nakaabot sakanya. Hindi niya ginawa ang hiningi ko, samantalang nanatili pa rin ang kamay ko sa hangin.
“Matutulog na ako!” usal ni Manang. Umiiwas siya. Alam ko.
“Isa lang, Manang. Isang beses lang talaga.”
“O sige.”
Dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang kamay, tumigil siya sandali nang kaunti nalang sana ay magdidikit na ang aming daliri. Bahagya siyang tumingin sa akin kapagkuwan ay ibinalik ang atensyon sa kamay naming dalawa.
Ginawa niya ang hiningi ko, hinawakan niya ako... ngunit tumagos lamang ang kamay niya sa kamay ko. Umayos na ng higa si Manang.
Pagak akong natawa, “What's happening? Bakit hindi mo ako kayang hawakan tulad ng ginawa ng lalaki kanina, Manang?” sambit ko, umaasang makakuha ng matinong sagot.
“Hindi kita kayang hawakan sapagkat hindi ako ang taong makakatulong sa'yo.” simpleng sagot ni Manang sa akin.
“Kahit na! Nakikita mo ako! Pero bakit paghawak man lang hindi mo magawa?!”
“Tsk” she tsked, “Big deal ba 'yon sa'yo?” kinumpas niya ang kamay niya sa hangin, sinyales na pinapaalis na niya ako. “Alis na! Matutulog na ako.”
Umupo ako sa sahig ng kwarto ni Manang at sumandal sa kanyang higaan nang may dala-dalang bigat ng loob. Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng isang multo. Ang pakiramdam na walang kakayahan tulad ng mga buhay.
In-off na ni Manang ang natitirang ilaw sa loob ng kanyang kwarto. Hindi naman madilim sa loob dahil sa liwanag ng buwan na tumatagos sa bintana.
Hindi ko tuloy mapigilang hindi balikan ang lumipas ng dalawang taon kong pagiging multo, noong hindi pa nag-krus ang landas namin ni Manang Matilda. Ganito ako noon. Nag-iisa, nagmumukmok at pilit inaalala ang nakaraan na ayaw namang magpaalala.
Sino ba ako?
Sino ba ang mga magulang ko? Naalala pa ba kaya nila ako?
Yung pagkamat*y ko... may kinalaman ba 'yon sa misyon ko? Nakita ko na ang taong makakatulong sa kin na bumalik, ngunit hindi ko alam kung saan mag-umpisa gayong hindi ko kilala ang sarili ko.
Umalis na ako sa bahay ni Manang at pumunta sa kwarto na napuntahan ko kaninang umaga. Pagkarating ko roon, tulog na tulog ang lalaki nang maabutan ko. Umupo ako sa tabi niya at pinagkatitigan siya. Gwapo pero suplado.
Tinanggal niya ang puting kumot niya na nakatakip sa buo niyang katawan kaya nakita ng inosento kong mata ang mga abs niya.
Oh sh*t! May anim na pandesal mga bhie!
Kung wala siyang damit pan-itaas, don't tell me hub*d din ang pang ibaba niya? Napangisi ako sa aking iniisip.
Wanna take a look with me? Kidding. Baka hindi na pagmumura ang gagawin niya kundi papat*yin na niya ako tutal pat*y naman na ako.Tumayo ako, lumabas ng kwarto niya at naglibot-libot sa loob ng bahay nila. Hanep. Ang laki ng bahay. Ang dami ring katulong. Pumunta ako sa veranda ng bahay. I stayed there for two hours. At muling pumunta sa kwarto niya nang mag-umaga na.
Wala siya sa higaan niya. Pero alam kong nandito pa siya sapagkat pumapasok sa tenga ko ang lagaslas ng tubig sa loob ng paliguan niya. Mga ilang minuto lang lumipas bago siya lumabas ng C.r. Dumaan siya sa harap ko na parang hindi ako nakikita.
“Hoy!” tawag ko ngunit dedma lang. “Tao po? May multo po sa kwarto niyo.”
“Akala mo naman hindi ako nakita. Sus.”
Pumunta siya sa closet niya at kumuha ng damit. Pansin ko ang pag-aalinlangan niyang magbihis sa harap ko nang makapili na siya ng damit. Naglakad siya pabalik sa CR ngunit bago niya mapihit ang pinto ay nagsalita ako na siyang ikinahinto niya.
“Nakita ko na 'yan habang natutulog ka. Ang liit nga ng—”
Napatigil ako sa pagsasalita nang ibato niya sa akin ang damit niya. As usual, tumagos lang din sa akin. Pinihit niya ang pinto at nang makapasok ay malakas na sinarado. Narinig ko pa siyang nagmura sa galit at pagkabwesit sa akin.
“Damn it! How to get rid of a perv*rt ghost?!”
BINABASA MO ANG
60 DAYS OF FINDING MR. PERFECT [COMPLETED]
FantasíaPaano kung isang araw magising ka nalang na akala mo buhay ka pa ngunit hindi mo alam na multo ka na pala?