“Now I know why you seem familiar to me...” biglang sambit ni Jay, nagtama ang aming mata nang lumingon ako sakanya. Nakikita ko sa mga mata niya ang pagsisisi.
Pagsisisi saan? Nakita na ba niya ang katawan ko?Nagsisisi na ba siyang pumunta pa kami rito tapos napunta sa wala ang lahat ng mga ginawa.
“Gaella...”
Sandali akong napatigil sa huli niyang sinabi. May diin ang boses niya nang sabihin ito. Napakurap-kurap ako. Pamilyar sa akin. Tila ba tinatawag ako.
“I-Is that my name?”
Hindi siya sumagot. Nanatili siyang nakatitig sa akin samantalang kanina ko pa hinihintay ang sagot niya. Oo at hindi lang naman ang isasagot niya, pero bakit ayaw niyang sumagot?
Umiwas ako ng tingin sakanya. Ayokong makita ang pagsisisi sa mga mata niya. Ewan ko ba. Kahit hindi ko alam ang dahilan, may pakiramdam akong malaki ang magiging epekto nito sa akin kapag nalaman ko.
“Jay...” pagtawag ko sa kanya. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pag-iwas niya ng tingin. Mababakas ang pagdadalawang isip sa kanyang mukha.
I want to know the truth. Pero 'yong taong inaasahan kong magsasabi ng totoo, ayaw sabihin sa akin. Magkakilala na ba kami dati? May nagawa ba akong mali kay Jay 'noong nabubuhay pa ako?
'Naknampucha! Bakit hindi ko mabasa ang isip n'ya?!'
“Umuwi na tayo.” malamig nitong sambit. Pansin ko ang pag-iwas nito sa tanong ko. May mali ba sa tinatanong ko? Wala naman di'ba? Pero bakit para sakanya ang hirap sabihin ang totoo?
“Mauna ka na. May kailangan pa akong alamin na hindi masabi ng isa diyan.” pagalit kong sabi saka naglaho. Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya, wala rin naman kasi akong makukuha sa kanya.
Matapos niyang maghanap sa 3rd floor, nagbago ang timpla ng mukha niya. Posible kayang nakita niya roon ang katawan ko? Tama. Imposibleng hindi. Ganun kasi ang lalaking 'yon. Kapag may malaman nagbabago ang timpla ng ugali.
Napunta ako sa isang kwarto. Walang masyadong gamit sa loob. Tanging iba’t ibang klase ng bulaklak ang nakapatong sa isang table malapit sa bintana, at ilang mga litrato at notes ang nakadikit sa puting dingding ng kwarto. Mga bago at luma na.
Lumapit ako sa dingding, gayon na lamang ang pagkatigil ko nang mamukhaan ko ang nasa pictures. K-kamukha ko. Pinasadahan ko ng tingin ang mga notes, at nabasa roon ang kani-kanina lang na binanggit ni Jay.
'Get well soon, Ge!'
'Pagaling ka. I miss you so much!'
'Gising na, Ge.'
'Our classroom is no longer a classroom without you, Gaella.'
'I don't wanna lose you. Please wake up, love.'
Sumikip bigla ang dibdib ko sa mga nabasa. Everyone's waiting for me to wake up. Dalawang taon. Dalawang taon na nila akong hinihintay. Napatungo ako nang maramdaman ko ang mainit na likod sa gilid ng mata ko.
Sorry kung pinaghintay ko kayo ng matagal.
Sumikip ang dibdib ko when I heard the beeping of the machine. Lumingon ako sa gilid ko at nakita ang isang puting kurtina na hinahangin ng hangin. Lumapit ako, ngunit hindi pa pumasok. Nakikita ko sa loob ang isang kama at may taong natutulog. Napalunok ako bago ko dinahan-dahan na buksan ang kurtina.
Mytears suddenly flowed when I saw myself sleeping peacefully. May benda sa aking ulo. Mahaba na rin ang buhok ko. May nakakabit sa akin na life machine. Lumapit ako at pinasadahan ng kamay ang katawan ko.
BINABASA MO ANG
60 DAYS OF FINDING MR. PERFECT [COMPLETED]
FantasíaPaano kung isang araw magising ka nalang na akala mo buhay ka pa ngunit hindi mo alam na multo ka na pala?