Empress' POV
"Jc! Bilisan mo naman maglakad!" Sabi ko kay jc.
Ang tagal kasi niyang maglakad. First day of school pa naman at hindi pa namin alam kung anong section kami. Kaya, papunta kami sa bulletin board ng school.
"Ano ba naman yan! Em! Bakit ka ba nagmamadali pang maglakad? Eh alam naman natin na for sure section 1 padin tayo!" Reklamo ni jc.
"Tss.. Maka section 1 padin tayo parang sigurado ka padin na section 1 ka ah!" Pang-aasar ko sa kanya.
Bagsak kasi siya sa math.
"Grabe! Em! Makapang-asar! Isang subject lang naman eh.. tyaka, given naman yun kasi math kaya yun. hindi lang ako ang taong nahihirapan dun" paliwanag niya.
"Failed is Failed. Jc." Prente kong sagot sa kanya.
"Aist.. Tara na nga dun sa bulletin board!" Sabi niya sakin sabay kaladkad sakin.
Btw, I'm Empress Kirra Garcia they use to call me "Em"anyway, I'm 4th year highschool.. Studying here at Neutron High...
"Em! Ano na? Tulaley?" And those words bring me back to reality.
Nasa harap kami ng napaka daming tao mga nagsisiksikan... Halos Hindi ko na nga makita yung bulletin board eh.
"Masama?" Sarcastic kong tanong.
"Hehe. Hindi naman. Pero em? Paano naman natin makikita yung pangalan natin sa bulletin? Eh napaka daming tao?" Nagaalinlangan niya tanong.
"Akong bahala jc" sabi ko sa kanya.
"Ahh.. Okay" sabi ni jc.
"Excuse us!" Sabi ko sabay hawi sa mga tao.
"Ay! Ano bayan!"
"Aray! Grabe!"
"sino ba yun?!"
Mga reklamo ng hinawi ko.
"Tss.. Andami pang reklamo! Di na lang tumabi!" Sabi ko sabay irap.
"Hey! Empress Calm down. First day of school ngayon siguro naman ayaw mo mapunta sa guidance office or principal's office today" bulong ni jc.
"I don't care jc" sabi ko sa kanya.
"Maldita ka talaga!" Sabi niya.
"I know right" sabi ko.
"Excuse lang!!" Sabi ko sa mga babaeng nasa harap ng bulletin board.
"Aray ang sakit naman sa tenga!" Reklamo nung isang babae.
"Diba nakita niyo naman na yung pangalan na hinahanap niyo dyan sa board?!!" Sigaw ko sa kanila.
"O-opo m-miss n-nakita n-na p-po n-namin." Nabubulol na sabi nung isang babae habang nakayuko.
Hayss, lahat sila nakayuko. Mga duwag.
"Yun naman pala eh! Edi umalis na kayo dito!! Ano pa bang ginagawa niyo dito?!" Bulyaw ko sa kanila.
Napapalibutan na kami ng mga tao.
"S-sorry p-po m-miss" sabi naman nung isang babae bago sila umalis.
"Oh?! Anong tinitingin-tingin niyo diyan?! The show is already done!" Sigaw ko sa mga taong nakapalibot.
They just left.
"Too great em. Tayo na lang dito sa bulletin board" sabi ni jc habang naka-ngiti.
"You look crazy with that smile jc" sabi ko sa kanya.