PROLOGUE

2 0 0
                                    


"yska anak" tawag ng ama sa batang babae na  busy sa pag lalaro

" Tayyyyyy" nakabuka  ang dalawa nitong kamay habang nag tatakbo sa kanyang tatay upang bigyan ito ng mahigpit na yakap

" May pasalubong po ako tay" masayang tanong nito sa kanyang ama

" Abay oo nmaan ikaw pa ba anak" nakangiti nitong ipinakita ang plastic na bitbit nya " ito oh"

" Isaw po ba yan tay" masaya naman inabot ng batang bbaae ang plastic na nasa kanyang ama " wow  ang dami po nito tatay"

______________

"tay mag iingat po kayo doon sa maynila" masayang sabi ng batang babae sa tatay niya

" Oo anak mag iingat ang tatay sa maynila para sayo" binigyan naman ng matamis na ngiti ng ama ang kanyang anak na babae

" Pasalubong ko po ha yung maraming maraming isaw paborito ko po yun ee hehe" naka ngiti ring sambit ng batang babae sa kanyang ama

" Ikaw talaga yska Hindi pa nga nakaka alis  ang tatay nag bilin kana agad ng pasalubong pero sige basta mag iingat ka palagi  dito pasasalubungan kita ng maraming isaw pag uwe ko payakap nga muna ang tatay" binigyan naman ng batang babae ang kanyang ama ng isang   mahigpit na yakap

"Ate kayo na po muna ang bahala kay yska haa tatawag ako palagi ingat kayo dito haa" nakangiting sabe nito sa kanyang kapatid

" Oo ako na ang bahala sa pamangkin kong ito mag iingat ka rin doon haa" sambit naman ng nakakatandang kapatid nito

Sa lumipas ang limang taon ay hindi pa rin nakakauwe ang kanyang ama gayun pa man ay palagi naman itong tumatawag sa kanyang ate para makausap ang kanyang anak

" Hello anak kamusta kana" saad ng kabilang linya

" Ayus lang po tay kayo po ba kamusta na dyan" tanong ni yska sa kanyang ama

" Ito ayus lang din miss kana ng tatay" nakangiti nitong sabe kahit na alam nyang hindi naman iyon makikita ng knyang anak sa telepono

" Miss ko na din po kayo tay"

"Malapit na ang ika labing walo mong kaawaran anak ano bang gusto mong matanggap na regalo pasensya na at hindi na naman makakauwe ang tatay hayaan mo ilang buwan na lang pauwe na ako dyan magkakasama na rin tayo babawe na lang ang tatay sa iyo pag uwe ko dyan"

"Ayus lang po yun tay aantayin ko po ang inyong pag babalik dito"

"Intoyyyyy" isang malakas na sigaw ang narinig ng babae sa telepono

"Hala anak tinatawag na ako ni boss ingat ka dyan haa miss na kita mahal na mahal kita anak yan ang lagi mong tatandaan haa" mabilis na sabe ng kanyang ama  hindi na nito inantay pang sumagot si yska sa kanya dahil pinutol nya na agad ang linya

Sumapit ang ika labing walo niyang kaarawan  na isa dapat sa pinaka masayang araw sa buong buhay nya dahil tutungtong na siya sa legal age . Ngunit isang kagimbal gimbal na pangyayari ang hindi nya lubusang maisip na maaring mangyari at sa mismong kaarawan pa niya ito nangyari. Isa sa pinakamahalagang tao ang nawala sa kanya. Limang taon nyang inantay na ito ay muling nyang makasama ngunit sa pag kakataong ito  ay panghabang buhay niya ng hindi makakasama ang kanyang  pinakamamahal na ama. Masakit sa kanya sapagkat ang kanyang ama na lang ang natitirang pamilya dahil solong anak siya at namatay na rin ang kanyang ina pagkapanganak nito sa kanya

" Blythe ija" nabalik ako sa reyalidad ng tawagin at tapikin ko ni manang linda "Kanina ka pa tulala riyan ano ba ang iyong iniisip"

" Wala po manang" nginitian ko naman siya para hindi na sya mag tanong pa

"Oh syay sige na tara na sa kusina at mag hahain na at para makakain na sina klyif at si sir klyufer" sunod na sagot nito tumango na lamang ako rito bilang sagot at sumunod sa kanya patungo s kusina

Halos dalawang linggo na akong nag tatrabaho dito sa mga mansyon ng  fiertero paano nga ba ako na padpad dito? Ahh basta kapag may time ako ikukwento ko sa inyo para hindi kayo maguluhan pero sa ngayun kailan ko na munang gisingin  ang aking among tulog mantika dahil alas dyes na ng umaga hindi pa din bumababa para mag almusal.

Nang makarating na ako sa harap ng pinto ng kwarto ng aking amo ay kumatok na ako ngunit wala man lang akong marinig na tinig sa loob siguroy natutulog pa ito

"Sir  kanina pa pong ready ang breakfast sa baba at kanina pa rin po kayong hinahanap ng daddy nyo" sigaw ko mula rito sa labas ng kwarto nya ngunit wala pa ring sumasagot kakatok na sana akong muli ng mag bukas na ang pinto at bumungad saaken ang isang lalaking wala man lang damit pang itaas napadako naman ang aking mga mata sa kanyang mga abs

"Ang macho" sambit ko

"One, two, three, four, five, six, seven, eight packs ang abs nya pandesal pedeng ng pang umagahan oh my ghad" nakangiti kong sambit habang sinusundot sundot pa ang kanyang mga abs

"Are you done staring at my body? If you're done you may go" Nabalik ako sa reyalidad ng mag salita ito, huh ano daw nakatitig ba ako sa kanya wala naman akong pakialam sa kawatan nyang macho at may eight abs like duhh,eww

"Go" pag ulit pa nito sabay sarado ng pintuan nya okey guyz meet klyif clevion fiertero ang nag iisang anak ni Sir klyufer fiertero na amo ko rin sadyang napaka yaman ng fiertero family dahil kilala sila bilang isang pinakamahusay na mamalakad sa negosyo hindi lang sa buong pilipinas pati na rin sa ibang bansa tulad ng U.S. , North and south Korea, Canada and so on.

"Manang" isang tinig ang papasok sa kusina ang aming narinig ni manang

"Oh kliyf ijo bakit? Kumain ka muna ng almusal naka alis n aang iyong daddy hindi kana naantay pa"sunod sunod na sambit ni manang linda

" Hindi na po manang mamaya na lang po susunduin ko pa po si ruze sa airport ngayun ee"

" Ganon ba sige ingat ka" tumango na lang ito kay manang linda bago umalis

" Ahh manang" tawag ko kay manang habang tinutulungan ko siyang ligpitin ang mga  pagkain sa lamesa "masungit po ba talaga si sir klyif"

"Naku! Hindi Blythe ganyan lang talaga sya pero mabait sya kapag naka close mo na mula pagkabata nyan ay ako na ang nag aalag dyan kaya kilalang kilala ko na ng batang iyan" mahabang sambit nya na ikinatango ko naman

"Eh si sir klyufer po" tanong ko pa dito

"Hindi ko siya masyadong nakakausap o nakikita dito sa bahay nitong buwan lamang siya umuwe ng sunod sunod dito sa bahay Mabait din naman siguro siya" kibit balikat na sabi ni manang linda. "bakit mo nga pala na tanong ija"

"Wala lang po" pailing iling na sagot ko " sige manang ako na po ang mang huhugas ng mga platong ito"

"Syay sige ija at akoy may gagawin pa din" pagkasabi nya noon ay lumabas na siya sa kusina sinumulan ko na namang hugasan ang mga plato

Ako si yska blythe morgan 21 years old, isang babae mula sa mahirap na pamilya isang babaeng walang hinangad kundi makasamang muli ang kanyang pinakamamahal na ama ngunit pinag kaitan ng tadhana isang babae na  umangat mula sa kahirapan ngunit nag tatrabaho bilang isang katulong ni mr. Fiertero isang napakabait at mabuting katulong subalit may tinatago palang sekreto.

Paano kaya sya napadpad sa mansion ng fiertero?

Bakit nya kaya gustong mag trabaho at makapasok sa buhay ng mga fiertero? 

Isa ba isang kaaway o kakampi?

Ano kaya ang sekreto ni yska?

THE MAID OF MR FIERTERO HAS A SECRET Where stories live. Discover now