CHAPTER 33
3:00pm
Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay nila Fhane, pagkauwi ko galing ng school ay tinapos ko agad ang mga gagawin ko para lang makapunta dito
Sa tingin ko eto na ang tamang panahon para kausapin ko si Fhane pero para lang akong tanga na palakad lakad lang sa harapan ng bahay nila
Sabi ko sa sarili ko na kakayanin ko to pero urong sulong naman ako kung kakatukin ko nga ba ang nakasaradong bahay nila Fhane o uuwi na lang ako
"Asar! Ba't ganito, kinakabahan ako," bulong ko sa sarili
Habang palakad lakad ako sa tapat ng bahay nila Fhane di ko namalayan na may nakakita pala sa akin dun sa labas at isang kalabit nya ang umagaw ng atensyon ko
"Dark ikaw pala yan, anong ginagawa mo dito?" tanong nya
"Crissy, ikaw pala!" sabi ko ng makilala sya
Si Crissy, sya yung isa pa naming kapitbahay ni Fhane, mas closed nga lang sya kay Fhane kaysa sakin dahil pareho silang babae, di na ako nagtatakang makita sya dahil malapit lang din ang bahay nya dito
"Nandito ba si Fhane sa loob, nakasarado kasi bahay nila eh?" tanong ko sa kanya
"Naku Dark, kung anuman kaylangan mo sa kanya ngayon eh pagpaliban mo muna, bumalik ka nalang sa ibang araw," sagot ni Crissy
"Ba-baket wala ba sya ngayon dito?"
"Ahm nandyan naman sila sa loob pero di mo ba nararamdaman ang masamang aura dito," sagot ni Crissy na pinagtaka ko
"Masamang aura?" tanong ko
"Ah, wala ka pala dito kanina, alam mo kasi nag-away sila Fhane at ng parents nya, tutol kasi sila na basta nalang magdrop si Fhane, kaya ayan galit-galit sila ngayon sa loob," paliwanag nya
Medyo naawa ako kay Fhane ng marinig ko ang sinabing yon ni Crissy sa akin, wala akong nagawa kundi ang tingalain ang bintana ng kwarto ni Fhane, umaasa na makita sya roon
"Oy diba classmate kayo nun ni Fhane?" biglang tanong ni Crissy
"Ah oo," sagot ko
"I'm sure alam mo kung bakit gusto nya magdrop, at kung sino nagpapaiyak sa kanya ngayon," sabi nya
Lumapit pa sa akin Crissy at nararamdaman kong pinagpapawisan ako sa mga sinasabi nya
"Nung nag-usap kasi kami ni Fhane, umiyak talaga sya eh, di nya sinabi sa'ken kung sino gumawa sa kanya nun, pero pag nalaman ko kung sino, tsk! ako mismo uupak dun, kahit sabihin mong boyfriend nya pa yun," sabi nya
"Kilala mo ba kung sino?" muling tanong ni Crissy
"Ah eh, di ko alam kung sino yun eh pero..." pagsisinungaling ko
"Geh wag kang matakot, sabihin mo na,"
"Kasi... Ano..." bigkas ko habang nag-iisip ng palusot "Kelangan ko lang magbanyo, bye!"
Mabilis akong lumakad palayo kay Crissy, aminado akong nagi-guilty ako sa mga nangyayari, pero naroon ang takot na malaman nilang may kinalaman ako sa nangyayari kay Fhane
Isa pa, natatakot din akong malaman ni Crissy lalo't nagbanta pa sya at sa pagkakaalam ko, may dalawa pa syang kuya tapos mga barako pa (T_T)
Dahil doon pinili ko nalang umuwi ng bahay na medyo praning, alam kong hindi dapat laging ganito, kaylangan may gawin din ako
Tuesday
7:40am
Dalawampung minuto pa bago mag-start ang class, masyado pang maaga pero wala na akong time na tumambay sa dating tambayan ko sa front desk, mas pipiliin kong sa loob na lang ng room tumambay dahil kaylangan ko ng mas tahimik na lugar para makapag-isip
Pagpasok ko sa room iyon namang paglabas sana ng room ni Jilted, nagkasalubong kami sa pinto kaya natigilan sya
"Jilted? Saan ka pupunta," tanong ko
"Dark?" sagot ni Jilted
Pagkatapos ay yumuko sya, mukang di nya gustong sagutin ang tanong ko pero bakas sa mukha nya ang takot
( umiiwas lang ako sa kanila Dark ) >>> Jilted
Kanila? Meaning may mga classmate pa kami sa loob, kaya naman mula sa labas, di ko naiwasang silipin kung sino na ang mga nasa loob
Well katulad ng dati, yung apat na buraot boys nanaman ang nakita ko, pinaglalaruan nanaman nila yung mga nakapatay na mga pc sa computer lab, hindi ko alam kung bakit ang aga nila laging pumasok
Natatakot nanaman siguro si Jilted na mabully nitong apat kaya umiiwas sya, ganunpaman hindi ko na sya hinayaang umalis ng room, sinamahan ko sya pabalik sa loob at isa pa nakikita kong di pa nya natutunan ang mga sinabi ko sa kanya nuon na wag magpapakita ng takot dahil lalo lang syang bubullyhin
Naupo ako sa tabi ng upuan ni Jilted, habang naruon naman sa sulok malapit sa pinto yung apat na kanina pa nagke-kwentuhan ng mga dota expirience nila
Anim kami lahat sa loob ng room, hindi naman nila kami pinapansin ni Jilted yun nga lang kulob na kulob ang ingay nilang apat sa loob ng room dahil walang bintana ang naturang lab kundi yung mga glass na pader lang, medyo masama lang loob ko dahil akala ko tahimik ang madadatnan ko dito
Then nagulat ako ng magsisisigaw yung isa sa kanilang apat "Uy tange labas na tayo! Nakita ko nandyan na si Chell!" sigaw ni onyoll
"Putcha ang aga nya namang pumasok!" sagot ni khenji
ITUTULOY . . .
BINABASA MO ANG
Mystery Life: Hidden Story
FantasyAng kwento tungkol sa misteryong pagkatao ni Dark na nagkaroon ng ability na makabasa ng iniisip ng ibang tao sa pamamagitan lang ng pagtingin sa kanilang mga mata. Maganda nga ba ang idudulot nito sa kanya? Handa na rin kaya syang mabunyag ang mga...