"Carol, gising kana ba?"tanong ni inay.
"Opo inay"sagot ko.
Niligpit ko naman ang hinigaan ko. Pagkatapos ay pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig. Nauuhaw na kasi ako. Pagkatapos kong uminom ay pumunta ako sa cr namin.
Hindi kalakihan ang bahay namin sakto lang sa aming lima. Si inay, itay, andeng,hulyo at ako. Pangarap kong magkaroon ng magandang bahay yung may sarili kaming kwartong lahat.
Kaya ipinagiigihan kong magbenta ng paninda namin. Naglalako kasi ako ng kakanin sa umaga na kinukuha ko sa tiyahin ko. Sa hapon naman ay turon.
Si inay naman ay naglalabada lang. Si itay ay may sakit pero nagtatrabaho parin bilang konstraksyon worker. Ang dalawa ko namang kapatid ay nag-aaral pa. Si andeng na grade 3 at hulyo na kinder. Huminto ako sa pag-aaral para makatulong kila inay at itay. Nasa ika-walong baitang na sana ako kung hindi ako huminto.
Kung hindi naman ako tutulong hindi kami makakakain sa araw-araw dahil kulang ang sweldo nila inay at itay para sa pang araw-araw namin. Tapos nag-aaral pa ang dalawa kaya kailangan ng baon.
"Aalis na ako, Carol. Isarado mo ang bahay, ha?"habilin ni Inay.
"Opo inay"sagot ko.
Nang umalis si Inay ay naligo na ako. Maagang umaalis si itay. Ang dalawa ko namang kapatid ay pumasok na. Si Inay naman ay maglalaba na sa kabilang bayan pa. Kaya ako na lang ang naiwan.
Pupunta na ako kila tiya Beth dahil maglalako na ako ng kakainin na ititinda ko.
Pagkatapos kong maisarado ang bahay ay lumakad na ako. Malapit lang naman ang bahay nila tiya Beth kaya lalakarin ko na lang.
Nang makarating na ako sa kanila ay nakahanda ang ilalako ko.
"Oh, andyan kana pala. Heto na yung mga ibebenta mo. Biko yan, ibenta mo ng sampung piso."sambit ni tiya. Si tiya ay kapatid ni inay.
"Sige po"
Kinuha ko naman ang box kung saan nakalagay ang biko.
"Sige na umalis kana nang makabenta ka na agad at makauwi ka ng maaga. Mag-ingat ka, Carol"habilin ni tiya.
"Opo"
Nagsimula na akong maglakad at mag-sisigaw.
"Biko kayo dyan! Sampu lang!"
"Uy Carol, pabili nga"napatingin ako kay aling malu.
Lumapit ako sa kaniya.
"Ilan po?"tanong ko.
"Dalawa lang"
Nang maibigay ko ay nagbayad na rin siya. Naglako na rin ako sa kalapit naming bayan.
"Biko kayo dyan! Sampu--"
Napatigil ako nang may tumawag sa akin.
"Hey kid, pabili ako"
Napatingin ako sa magandang babae. Ang ganda niya. Mukhang mayaman din siya. Grabe ang kinis din niya.
"S-Sige po"nauutal na sabi ko.
Nahihiya pa akong lumapit sa kaniya dahil sa postura niya. Nang makalapit ako naamoy ko kaagad siya at napakabango. Nahiya ako sa sarili kong maasim na dahil nabibilad sa araw.
"How much?"pati ang kaniyang pananalita ay kakaiba.
"Sampung piso po"magalang na sagot ko.
"Sige, I'll buy five"wika niya.
"P-Po?"nagugulat kong tanong. Hindi kasi ako masyadong alam sa Ingles. Five lang ang naintindihan ko sa kaniya.
"Bibili ako ng lima"natatawang sambit niya.
Napayuko naman ako sa hiya. Natatarantang kumuha ako ng plastic at nilagay ang limang biko.
"E-eto po"abot ko sa kaniya.
"Here"inabot niya sa akin ang bayad.
Aalis na sana ako bigla naman niya akong tinawag uli.
"Hey, wait... Here"abot niya sa akin.
Nanlaki naman ang mata ko dahil sa binigay niya. Isa iyong stokolate at mukhang mamahalin.
Hershey's chocolate iyon.
"P-Po?"
"Yup, sa iyo na 'yan. Hindi ko makakain niyan dahil diet ako ngayon sa sweets"nakangiti niyang sabi.
Ang ganda niya.
Kinuha ko naman iyon na nanginginig ang kamay.
"S-Salamat po"pasalamat ko.
Grabe ngayon palang ako nakahawak ng ganitong tsokolate. At unang beses makakatikim. Mamahalin pa.
"Welcome, sige alis na ako"paalam nito at sumakay sa sasakyan.
Napatingin naman ako sa hawak kong tsokolate. Napangiti ako. Ang bait naman niya. Sana makita ko pa siya.
Nang maubos ang paninda ko ay bumalik na ako kila tiya para ibigay ang nabenta ko. Binigyan ako ni tiya ng dalawang daan na sapat na para sa amin. Ibibigay ko lamang iyon kay inay upang pambili namin ng makakain.
Dali -dali naman akong umuwi sa amin dahil tiyak na masisiyahan ang mga kapatid ko sa dala kong tsokolate.
"Inay, Itay, Andeng, Hulyo! Tignan niyo may nagbigay sa akin"sigaw ko at ipinakita ko ang hawak kong tsokolate.
"Wow, ate. Tsokolate"manghang sabi ni Andeng.
"Oo at mamahalin pa"sabi ko.
"Saan galing yan?"tanong ni Inay.
"May nagbigay po sa akin na mayaman. Bumili po kasi siya ng biko sa akin. Ang ganda nga po niya, Inay"paliwanag ko.
"Aba, ang bait naman niyan"sambit ni Inay.
"Oo nga po eh"
"Ate penge na, oh"
Natatawang binuksan ko ang hawak kong Hershey's chocolate.
Pinaghati -hatian namin ang dala kong tsokolate.
"Grabe ate ang sarap neto"sambit ni Andeng.
"Oo nga, ate"dagdag ni Hulyo.
Napangiti naman ako sa naging reaksyon nila gayon din kila inay at itay nagkikislapan ang kanilang mata habang kinakain nila iyon. Dahil alam kong hindi pa rin sila nakakakain ng ganoong kamahal na tsokolate. Masaya ako dahil kahit papaano ay napasaya ko ang pamilya ko.
Sa tanang buhay namin ngayon palang kami nakakain ng Hershey's chocolate. Hindi ko inaasahan na may magbibigay sa akin ng ganon dahil mahal nga iyon. Dati pinapangarap ko lang iyon na matikman ngayon natikman ko na. Hindi ko talaga makakalimutan ang ateng mayaman na nagbigay sa akin no'n.
Maraming salamat sa ateng mayaman na nagbigay noon sa akin dahil kundi dahil sa kaniya hindi namin naranasan na makakain noon at mapasaya ang pamilya ko. Sayang nga lang at hindi ko nahingi ang kaniyang pangalan.