"Bes, tingnan mo ang sweet nila oh!" Josh pointed to the couple a few paces away.
I winced. Parang lahat ng tao dito sa park na ito, may ka-date. And if they don't, maiinggit sila sa mga merong ka-date tulad na lang nitong si Josh.
Nakita niya siguro akong umiirap kaya nakaangil na naman siya. "It's been five years, di ka pa ba nakaka-move on? Ang hilig mo kasi sa dark chocolate, ayan yung budhi mo naging dark na rin."
Nakapamaywang pa siya habang nangangaral. "Concerned lang ako, Lia. 30 ka na this year. Kung ayaw mong tumanda mag-isa, maghanap-hanap ka na."
Hindi naman sa naapektuhan ako pero inisip ko iyon hanggang sa makauwi. Do I really need a man? Why can't people live without romance?
Kulay kahel na ang langit bago ako lubayan ni Josh. May booking na naman siguro. For some reason, hindi crowded ngayon sa LRT. Medyo nakakatawa lang kasi mukha akong nasa music video habang nakatulala.
Nagmumuni-muni pa rin ako sa kahalagahan ng pag-ibig. Parang lahat ng tao humaling na humaling sa ideya na magmahal.
What's so charming about falling in love?
"Paparating na sa D. Jose station. Arriving at D. Jose station."
Napabaling ako ng tingin nakalantad na advertisement sa nalalapit na train station. Tila huminto ang mundo ng isang segundo, sabay balik lahat sa dati.
Isang segundo lang.
Iyon lang ang kailangan para maalala ko lahat.
"Are you in a bad mood again? Eat, I bought your favorite." He held a bag of chocolates and strawberries in front of my face.
Oo nga pala... Ang linaw pa ng boses niya sa alaala ko.
Hindi ko alam pero dinala ako ng mga paa ko sa pababa ng LRT, papunta sa convenience store.
'Lintik na commercial na 'yan,' sabi ko sa isip ko habang pinipigilan ang mga luhang nagbabadya.
"Oo na, bad mood ako. Bibili na 'ko." I tried whispering but I sounded so broken.
Bibili ako kasi wala nang bibili para sa akin.
Hindi ko na nga napigilan ang luha nang icheck-out sa counter. Isang Hershey's dark chocolate at isang pack ng strawberries.
My favorite combo. I haven't eaten it since he left.
Five years.
Limang taon na siyang wala pero lahat ng alaala bumabalik sa akin na parang kahapon lang.
Habang naglalakad pabalik sa apartment, para akong siraulong ngumunguya pero hindi maipinta ang mukha.
Naghahalo ang pait ng tsokolate sa tamis at kaunting asim ng strawberry. He's right, kahit ilaang taon nang nakakalipas, gumagaan pa rin ang pakiramdam ko kapag kumakain ako nito.
Napa-buntong hininga na lang ako.
Yes, I don't need a man. Because I've already had the best man five years ago.
I've had my best love and he had me. Those were the happiest moments of my life.
Kung maibabalik man ang oras, siya pa rin ang pipiliin ko kahit alam kong mawawala siya sa mundo.
"I love you, Hailey." Kahit wala ka na, binibigyan mo pa rin ako ng lakas ng loob.
Tulad ng mga oras na nasa tabi pa kita, napangiti na lang ako.
YOU ARE READING
Moving Forward
Short StorySa mundong kakulangan ang kawalan ng romansa, ipapakita ng ating bida kung paano sumulong sa tulong ng mga alaala. An entry to Hershey's 'A Piece of You' Writing Contest