Want You
Bago pa ako makasagot, may dumaan sa gilid namin. Nakita ko rin na may iilang nakatanaw sa amin. Maging si Mauve Arguelles ay nakatingin.
Sa totoo lang, wala akong pakealam sa mga kaibigan niya... o kahit kay Mauve Arguelles. It is very clear Russel Hermedilla is attracted to me, and their feelings are not my problem. Sa mga kaibigan ko lang ako natataranta. Ayaw kong malaman nila.
"Russel, magtatrabaho na ako. Nakatingin ang manager ko," marahan kong sinabi.
He looked at me warningly. I sighed and faced him.
"Nagsex tayo, oo. Anong gusto mong pag-usapan natin tungkol doon?"
Ngayon, hindi naman siya nagsasalita. Nanatili siyang nakatingin sa akin, naninimbang.
"H'wag kang mag-alala. Kung iniisip mo na hindi kita tatantanan dahil may nangyari sa atin, hindi ako ganoon."
"So this is just a one night stand for you?"
Umawang ang labi ko. "Hindi ba?"
I was slightly surprised that he even asked that. Wasn't that a given? Yes, he might be attracted to me. But is he attracted enough to... want to continue seeing me?
Natutop niya ang kaniyang labi. Pabalik-balik ang tingin niya sa magkabila kong mata. Habang tumatagal ang tingin ko sa kaniya, at naaalala ang nangyari sa aming dalawa, kumakalabog ang puso ko. I can still feel him inside me. At oo, gusto kong magtagal pa sa kwarto niya kanina. Pero kahit masarap sa pakiramdam, parang may mali.
Hindi siya makasagot. Ngumiti ako at kinuha na lang ang ibang bote kung ayaw niyang ibigay sa akin ang case. Aalis na sana ako nang hinawakan niya ako sa palapulsuhan. Nanindig ang balahibo ko, naaalala ang paghawak niya sa akin kanina.
Nagkatinginan kami. Seryoso ang kaniyang mukha.
"It's not for me."
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa gulat.
"I'm still going to see you after this."
Agad kong binawi ang palapulsuhan ko mula sa kaniya. Kumakalabog ng husto ang puso ko. Hindi ko pa kailanman naramdaman ito, kaya hindi ko alam kung paano umakto.
"Babalik na ako sa trabaho," sambit ko at iniwan siya roon.
Hindi na niya ako ginambala. Iniiwasan kong magbuhat ng mabibigat dahil alam kong nakatingin siya, at lalapitan niya ako para tumulong. May mga lalaki naman akong kasamahan kaya kaya na nila iyon.
Halos dalawang oras din kaming naglinis. Nasa kaniya-kaniyang suite na ang mga bisita, pero ang grupo nila Mauve Arguelles, nasa loob pa. Naroon din si Russel, walang imik at madalas ang sulyap sa akin.
Habang nagpupunas ng lamesa, sinulyapan ko ang banda niya. Saktong nakita kong lumapit sa kaniya si Mauve Arguelles. Kinakausap siya pero patango-tango lang siya.
For a moment, I eyed them curiously. Miss Marielle said Mauve Arguelles is critical of the Hermedillas? Hindi ko 'yon nakikita ngayon sa pakikitungo niya kay Russel. If anything, she shouldn't want anything to do with Russel Hermedilla, given that he holds one of the highest positions in their conglomerate, and also in their family. Pero siya ang lapit nang lapit.
Baka nakikisama lang? Hindi naman 'yon imposible. Makapangyarihan ang mga Hermedilla kaya kahit siguro kritikal siya sa mga ito, pinapakitunguhan niya pa rin nang maayos.
Napansin ko rin na hindi tinatago ni Russel na ayaw niyang kausapin si Mauve Arguelles. His face is blank, almost snob. If he wasn't nodding every now and then, one could tell he's completely ignoring her. Bakit ganito ang pakikitungo niya kay Mauve Arguelles, gayung kailangan nila ang mga Arguelles ngayon?