Author's Note:
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
All rights reserved. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the Author.
PLAGIARISM IS A CRIME!!
© 2023 by 2ruekajan
-- ———— --
Ayala Celestial Sy Maude the girl who caught the attention of this boy named Vaughn Reic C. Miller.
Ayala's POV
"Aying!!" rinig kong tawag sakin ni mama.
Agad din akong bumaba at pumunta sa likod bahay dahil doon ko siya narinig.
"Ano po yon ma?" tanong ko agad sakanya pag dating ko. Nadatnan ko syang nagwawalis sa likod bahay namin.
"May ginagawa kaba?" tanong nya rin sakin pabalik. Hay! nako nga naman si mama oh, sinagot niya rin yung tanong ko ng tanong.
"Wala po" sagot ko naman sakanya. Alangan naman na tatanongin ko siya, ano yon puro nalang kami tanongan?
"Paki hatid nung durian na nasa lamesa kela Mareng Sol" utos niya sakin.
Ito na yung routine namin araw-araw, wla ng bago kaya minsan gusto ko nalang gumawa ng kalokohan para naman may thrill yung buhay, pero kahit na boring na yung buhay palagi ko paring iniisip ang kabutihan at hindi gumawa ng kalokohan, tumulong kela nanay sa araw-araw, para mataguyod ang aming buhay. Hindi naman kami mahirap at hindi rin kami mayaman, kumbaga average lang yung life status namin.
Tapos na akong mag aral kaya tumutulong na ako kela nanay at tatay, yung tatay ko may sakit na pero kaya pa namang mag trabaho, palagi ko ngang sinasabi sakanila e na ako nalang mag taguyod sa kanila kasi napalaki naman nila ako ng maayos at walang problema. Tapos na naman sila sa kanilang tungkulin na palakihin at ipag tapos ako ng pag-aaral, kaya dapat ako naman yung magtaguyod at alagaan sila.
