Jeffrey's POV
Naririndi na ko dito kay Genesis. Kanina pa siya nagta-tantrums. Tss. Ang arte-arte. Kasi naman sobrang harot. Ayan, natabig tuloy yung lalagyan ng ketchup. Andami pa man din. Kaya eto, sobrang badtrip siya.
"And that stupid crew girl? Nakakaasar siya. Nakita na nga niyang natapunan na ako ng ketchup, inalok pa ko ng more ketchup? Bitch!" Nanggagalaiting sabi ni Genesis na hanggang ngayon ay pinupunasan pa rin ang damit. Para namang matatanggal.
Natawa naman ako bigla. Grabe naman kasing mang-inis itong si Keanne eh. Luku-loko talaga. Lakas mang-inis. Hahahaha.
"Kakairirta sya! She's not even pretty! Tapos napaka-stupid pa nya. I should have talked to her manager. Grr."
Napapangiti na lang ako ng lihim. Umuusok tambutso nitong girlfriend ko pero natatawa ako. Hahaha.
"What the heck are you smiling at?" Iritang tanong niya sa akin.
"Ha? No, babe. I'm not smiling."
Inirapan lang nya ako.
Three years ko ng girlfriend tong si Genesis. Since first year college. She is the most beautiful girl in the campus. While ako, super nerd ko nun. I wore huge glasses at sobrang mahiyain talaga. Kaya nagulat ako nung lumapit sya sa akin at nakipagclose. Until such time, nahulog ang loob ko sa kanya kahit sobrang high maintenance nya at ang hirap iplease. Dahil na rin sa kagustuhan kong maka'adjust sa kanya, binago ko sarili ko. I removed my glasses and changed them to contact lenses. I had my hair cut into a trendy style pati na rin pananamit ko. I did everything for her. And eto, kami pa rin kahit medyo mahirap.
Haaaaaaaaaaay. I miss my old self.
Keanne's POV
7AM
Ang aga ko gumising para samahan tong si Nikki sa candle shop. Grabe! Pati ako dinamay sa kahibangan. Tsss. At eto kami ngayon, hinihintay magbukas ang candle shop.
"Friend, sana umepekto ito noh?"
Inikot ko lang mga mata ko. "talagang naniniwala ka dyan ha? Bahala ka nga. Basta ako moral support lang,"
"Napaka-nega mo naman. Baka di naman umepekto, kontra kakase!" Nagalit pa sa akin ang bruha. Hahahahaha.
7:30AM
Nagbukas na ang candle shop. Whoa! Ang ku-cute ng mga candles! Iba-ibang kulay at may mga designs pa! Hihihi.
Agad namang pinuntahan ni Nikki yung nagtitinda nung kandila at may pinakita syang papel.
Yun siguro yung love spell.
Iniwan ko muna sya dun at nagtingin-tingin.
Totoo kayang effective mga to?
Anong powers meron ang mga kandilang to?
Eh ang kandila alam ko ginagamit lang sa prusisyon, pag november 1 at pag brownout.
-____-
"Keanne! Tara na!"
Ayun at sumunod na ako kay Nikki.
"Ano yan?" Tinignan ko yung supot ng pinamili nya.
May pink na paper na parang heart-shaped, pink na mga ribbon, tatlong pink candles tas parang maliit na bote na parang sa pabango.
"Bakit meron ng mga to?" Usisa ko. "Kala ko candles lang tinda nila dito."
"Meron din sila ng mga kahit ano sa paggawa ng love spells."
Umangat isang kilay ko. "Talaga? Wow ha? Eh pano naman ang gagawin mo sa mga to?"
"Isulat ko daw yung full name ng crush ko dito sa pink na paper. Tapos pahiran ko daw yung buong papel nitong perfume pero make sure daw na di mabubura yung nakausap. Habang pinapahiran ko daw yung papel, kelangan ko daw paulit-ulit sabihing yung pangalan nya. Tapos pag natapos na. Before 12 daw, sindihan ko daw yung mga kandila na pink tas talian ko ng mga ribbon. Hintayin ko daw maupos yung isa bago ako magsindi ng panibago."
Tssss. kalokohan naman to. Eh di napuyat to? Saka ang creepy!
Di na lang ako kumibo. Ayoko siyang madiscourage. Pero sya nga naman, baka totoo. Eh di nagkalovelife sya. In that case, I'll be happy for her. Pero bago yun, good luck muna sa love spell nya.
BINABASA MO ANG
Love Spell
FanficMasama bang gustuhin na gustuhin ka ng taong mahal mo? To the point na, kahit ang pinakaweird na bagay willing mo na gawin. At pag ginawa mo, sasaya ka ba? 100% guaranteed ba na magiging masaya ka. Love spell lang naman, wala namang mawawala.... WA...