Prolouge
Hi! Ako si Julia Padilla and nope, hindi po ako anak ni Julia Montes at ni Daniel Padilla. Dati, ako'y isang mahirap na volleyball player lamang hanggang sa makilala ko si Arvin. Hehe! Kilig Much!
Wag na tayong magpatumpiktumpik pa, kara karaka at ikukwento ko na ang storya ng aking buhay mula sa paghihirap at pagdurusa hanggang sa aking pagtatagumpay at pagyaman at pag apak sa mga nangapi sa akin! BUWAHAHAHA! Biro lang.
Kwento ito ng buhay ko mula paghihirap hanggang sa tagumpay kasama ang aking pinakamamahal.
Chapter 1: Ang Umpisa ng Pagbabago
Isa nanamang araw ng kaboringan ito. Wala nanaman akong magawa sa buhay. Wala namang nanliligaw sa akin. Isa lang naman ang kaibigan ko. Ano kayang gagawin ko? Wala naman akong pera. Wee! Nako! Andiyan na si Dave, ang bestfriend at only friend ko.
"Uy! Bat ka nakatulala diyan? Anlalim naman ng iniisip mo!"
"Eh, wala naman akong magawa eh. Wala rin namang laro ngayon. Namumrublema pa ako kasi wala akong pambili ng kahit ano. Libre mo naman ako."
"Eh! Magdodota pa ko mamaya eh."
"Sige na! Para namang wala tayong pinagsamahan!"
"Sige na nga"
Pumunta kami sa bahay niya at nagulat ako na andaming pagkain. Nako po! Birthday ko nga pala ngayon!
"Surprise!" sabi ni dave.
Hindi ako nakapagsalita.
"Uy! Kain na. Mamaya mo na isipin yung problema mo."
Kumain ako at napakasakit ng tiyan ko. Parang ayoko na kumain forever.
"Julia, Happy Birthday!" Sabi ni Dave.
"Dave, salamat ah. Pwede pa FB ^_____^" sabi ko hehehe!
"Psst.. Sige na nga"
Nagbukas ako ng FB at nagulat ako! Gusto ko nang magwala! WAAAHHH!!!! MAY NOTIFICATION AKO!!! Wala naman akong friends sa FB, di naman ako naglalaro ng Farmville at kung anu-anu pang che che bureche diyan. Tinignan ko yung notification at laking gulat ko na may nakasulat! Ang sabi doon:
"You won P1,000,000 and a house and lot. Just claim your money and prize in this specific address: Bul*********,****86,********. Thank you for being a loyal facebook user.
Eto na nga ba ang sagot sa problema kong hinaharap?
"Hoy! Bat anlaki ng buka ng bunganga mo! Ano bang meron diyan?" sabay tinignan ni Dave ang nasa computer.
"Nako. Scam lang yan. Wala ka namang sinalihan diba? Wag kang pupunta diyan. Baka kidnappin ka lang ng mga yan." Babala ni Dave.
"Sa panahon ngayon, kahit gaano pa yan kadelikado, gagawin ko." parang pa action star kong pagkasabi.
"Bahala ka." sabay walkout si Dave.
"Uy Dave"
"Bakit?"
"Pwede makitulog? Penge na rin ng gatas at ng mga basurang pagkain ^__________^ (Junk Foods)
"Haha! Ikaw talaga Julia. Walang araw na hindi mo ako napapatawa."
Chapter 2: Ang Pagharap sa Delikadong Tagumpay
-To be continued soon.......-
BINABASA MO ANG
My Boyfriend Is A Scammer (On- Hold)
Teen FictionA story about a poor volleyball player girl who falsely won P1,000,000 in a facebook scam advertisement but believed that the prize was claimed by a handsome, rich, and unknown guy. When she found the guy, she started to fall in love with him. Surpr...