Chapter 23

194 4 1
                                    

Hindi mapigil ni Sandy ang kanyang pag-iyak, kahit pa ilang beses ko na siyang iniiwan kay Jane tuwing kailangan kong pumasok sa trabaho bilang flight attendant.

Pero ngayon, tila iba ang sitwasyon, ayaw talaga niyang tumigil sa kakaiyak. Nakakapit siya sa akin, at sa bawat hikbi niya, mas lalo akong nahihirapan iwan siya.

"Shhh... baby, babalik si mama," mahinahon kong sabi, pilit na pinapakalma si Sandy habang hinahaplos ang kanyang likod. Pero kahit anong gawin ko, hindi siya tumitigil.

Napabuntong-hininga ako nang makita kong lumapit ang yaya nila Jane. Dahan-dahan niyang kinuha si Sandy mula sa akin at marahan itong pinat-pat sa likod.

"Ma'am, okay na po 'to, makakaalis ka na. Ako na po bahala kay Sandy, gaya ng lagi," malumanay niyang sabi habang patuloy na tinutulungan si Sandy na kumalma.

Tiningnan ko si Sandy, na kahit paano ay tila humuhupa na ang kanyang pag-iyak. Alam kong maayos siya sa bahay nila Jane at sa yaya nila, pero mahirap pa rin ang bawat pag-alis.

"Sigurado ka?" tanong ko, kahit alam ko na sa loob ko na maaasahan ko talaga siya.

Tumango lang siya at ngumiti. "Opo, Ma'am. Relax ka lang, kakain at maglalaro din po 'yan maya-maya."

Muling sumilip ako kay Sandy, na ngayon ay medyo tahimik na, bago ako nagpaalam ng mabilis at lumabas na ng pinto.

Pagkatapos kong iwan si Sandy, pumasok na ako sa kotse at mabilis na nagmaneho papunta sa trabaho.

Sa totoo lang, mabigat pa rin ang pakiramdam ko dahil sa nangyari kanina. Pero kailangan kong ituloy ang araw ko, may mga pasahero akong aasikasuhin.

Pagdating ko sa opisina, kaagad akong sinalubong ng pormal na mukha ni Jane.

"Ang tagal mo! Akala ko ba sanay ka na sa routine na 'to?" sermon niya agad habang iniayos ang kanyang uniporme.

Napangiti ako ng kaunti.

"Pasensya na, may konting drama lang sa bahay," paliwanag ko habang nagmamadali ring ayusin ang sarili ko.

Sinuot ko ang aking scarf at inayos ang buhok bago namin sinimulan ang pre-flight briefing kasama ang ibang crew.

Dito namin pinaplano ang buong operasyon ng flight-sino ang magiging in-charge sa meals, sino ang magmamando sa emergency exits, at kung sino ang sasagot sa mga VIP passengers.

Matapos ang briefing, diretso na kami sa eroplano. Bago kami magsimula ng boarding, sinigurado naming maayos ang lahat.

Nire-review namin ang safety protocols, chine-check kung kompleto ang mga pagkain, at kung tama ang bilang ng mga life jackets at oxygen masks.

Tinitiyak din namin na malinis ang bawat sulok ng cabin at handa na ang lahat bago pa dumating ang mga pasahero.

Isa ito sa mga hindi napapansin ng karamihan, pero napakahalaga nito sa aming trabaho.

Habang nagsisimula na ang boarding, nakatayo kami ni Jane sa entrance para i-welcome ang mga pasahero.

Nginitian ko ang bawat isa, kahit na marami na akong iniisip. "Welcome aboard," paulit-ulit kong sinasabi, pormal at magalang, tulad ng nakasanayan.

Pero nang makalapit ang isang pasahero, biglang tumigil ang lahat sa isip ko. Para bang bumagal ang oras. Pamilyar na pamilyar ang mukha. Si Prime. Si Prime Cyril Ashford.

Nagkatinginan kami saglit, pero agad kong inayos ang sarili ko. Hindi pwedeng magpatinag.

Nilabanan ko ang kaba at pilit na itinuloy ang ginagawa. "Good afternoon, sir. Please take your seat and enjoy the flight," pormal kong sinabi, kahit na sa loob-loob ko ay gusto ko nang tumakbo palayo.

Ashford Series 1: Loveless VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon