Kinaumagahan wala ng kitkit sa tabi ko kaya agad akong pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos bumaba na ako at agad nakita si Lukas na naglalaro mag isa sa sala, tapos nagluluto naman si Keith. Agad kong tinignan ang oras sabay kunot noong tumingin sa kanilang dalawa..
"Wala ba kayong balak pumasok? Lukas 7:47 na dika pa nakaligo malelete kana sa school." Ani ko sabay turo sa kanya. "Ikaw naman Kieth dika ba papasok sa work mo?"
Agad namang nagtinginan ang dalawa na saka nagtawanan.
"What?"
"Daddy, Saturday po ngayon." Ani ni Lukas saka tumawa pa.
Agad ko namang tinignan ang relo ko saka napakamot nalang ako sa ulo ng makita kong Saturday nga today.
"Ano bang iniisip mo bat parang wala ka sa pag iisip?" Ani ni Kitkit..
"Ikaw kasi." Ani ko saka umupo sa table at nagtempla ng kape.
"What! Why me?" Ani nito..
"Kung dika ba naman nagpasuyo kagabi."
"Oh tapos?"
"Anong tapos,tapos ka jan. Alam mo bang tinakot moko kagabi." Ani ko.
"Sinong may kasalanan."
"Ewan. Eh ikaw nagseselos ka sa babaeng nakatalik ko kahit sinabing once ko lang ginawa yun eh.."
"Once million ganon." Ano nito..
"Balaka jan, ayaw maniwala di wag." Ani ko..
"Talaga , saka may pupuntahan pala ako ngayon. Alagaan mo si Lukas, wag nanamang iinom ang gagawin mo." Ani nito na akala mo katulong ako, kung makapag utos eh.
"Saan kaba pupunta?"
"Makiki pagdate why."
"Date?" Inis kong ani.
"Oh bakit galit ka, tigilan mo nga ako Tan."
"Walang lalabas ng bahay date mo mukha mo." Sagot ko.
"Reunion namin ng batch ko." Ani nito..
"Reunion? Eh bat ka pupunta dito kaba grumaduate?"
"Hinde, bakit porket hindi dito nag graduate bawal ng pupunta?"
"Bawal, makikipaglandian ka lang sa mga lalake eh.."
"Eh ano ngayon." Ani nito na mas lalong nagpainit ng ulo ko.
"Sabing walang pupunta eh!" Galit kong ani.
"Ano bang problema mo, nagseselos kaba sa mga kaklase ko.."
"Oo"
"Why? Eh wala naman akong ginagawang masama ah."
"Kahit na. Ang dami mo kayang kaklaseng lalake, pano kung--- haysss wag kang magpapahawak sa kanila ah." Inis kong ani saka tumayo at agad akong pupunta sa likod kung saan ang pool.
Habang nagkakape ako at nakaupo sa gilid ng pool habang nakasawsaw ang mga paa ko sa tubig biglang lumabas si Lukas at niyakap ako sa likuran.
"Daddy i want to swim." Ani nito.
Agad ko naman itong pinaupo sa mga hita ko at hinalikan ito sa noo. "Want to swim?"
"Yes, Daddy."
"Go, tanggalin mo na yang damit mo. Dito ka lang sa gilid ah."
"Opo Daddy."
Agad naman nitong tinanggal ang mga damit nito at agad tumalon sa pool.
"Oh Baby wag pupunta sa gitna."
