Chapter 15: The Bracelet
"What are you doing here, Avrielle?" masungit na tanong nito sa pumasok. Namangha pa ako dahil sobrang ganda nito.
She has this pale-tan skin. Parang barbie 'yong mukha niya. Nakaleather jacket siya at sobrang cool niya.
"Fetching my wife." Cool na sabi nito bago nabaling ang tingin saakin. " Oh am I interrupting something?" Tanong nito.
I heard Ma'am Rayhana scoff at umirap na ikinatawa nong babae.
"Sorry naman. " Natatawang sabi nito. "Nice to see you again."
Kumunot ang noo ko. Again? Have we meet before?
Ma'am Rayhana cleared her throat. "Anyway what are you doing here in my office? Dito ba ang classroom ng asawa mo?"
Ang sungit talaga.
Tumayo ito at hinila ang kamay ko paupo sa swivel chair niya. Nakita kong nakasunod ang tingin nong Avrielle saamin kaya umiwas ako ng tingin.
"Wala naman. Masama bang bisitahin ang pinsan ko? Ayaw mo bang nandito ako ha?" Cool na umupo ito sa couch and cross her legs. Ang ganda niya. Sabagay ay wala namang pangit sa angkan nila.
"Yes so please get out." Inirapan niya ang pinsan.
"Ma'am." Saway ko dito. Badtrip na badtrip na naman ito. Tiningnan niya ako saglit saka napabuntong hininga. Narinig ko ang mahinang tawa nang pinsan nito.
"Ma'am aalis na po ako. May pupuntahan pa ako." Paalam ko.
"Where? " Tanong niya agad.
"Bibisitahin ko 'yong sikat na bakeshop na nakita ko online. " I said.
"Ngayon?"
Tumango ako. "Yes po. "
"Sinong kasama mo?"
"Hello? I'm still here." Pareho kaming napalingon sa pinsan nito na nakatingin saaming dalawa.
"Akala ko umalis kana. Alis na! Sunduin mo na ang maldita mong asawa."
"Isusumbong kita kay Madison."
"The hell I care. Ewan ko ba't pareho kayong obsessed ni Sevrianna sa mga maldita. Buti at buhay pa kayong dalawa."
"That's love. Palibhasa wala kang love life. " Inirapan naman siya ng isa. Naglakad na ito palabas pero bago tuluyang lumabas ay may sinabi pa ito. "Tumanda ka sanang dalaga!"
Natawa nalang ako dahil para silang batang nag-aaway.
"Hindi siya invited sa kasal ko." Masungit na sabi niya. Napailing nalang ako at tumayo. Kukunin ko pa pala 'yong folder sa USC office para deretso uwi na ako mamaya.
"Sasama ako." Agad na sabi nito.
"Ha? Bakit po?"
"Wala naman akong gagawin and I just want to make sure na safe ka. What if may killer sa bakeshop na 'yon? what if—"
"Oo na po. Bahala kayo sa buhay niyo." Sabi ko nalang at lumabas na. Naramdaman ko namang sumunod siya saakin.
Hinintay niya nalang ako sa labas kahit na nagpumilit itong sumama sa loob. Sabi ko naman na kukuha lang ako ng folder.
"Seatbelt." Sabi nito pagsakay ko dala ang brown folder na kinuha ko. Sinunod ko naman ito. Tinanong niya kung saan ba daw kami pupunta.
"Sa ZALM building. Sa first floor lang yong bakeshop nila may nakalagay na 'Overdose'. " sagot ko
Tumango siya at nagdrive na paalis. Hindi tumagal ay dumating na rin kami since hindi naman sobrang layo.
"Here?" She asked as she stopped the car.
"Opo." Sagot ko kaya nag-park ito ng maayos bago kami bumaba.
"Why are we here ba?" She asked habang nakatingin sa building.
"Ita-try ko 'yong best seller nila. Trending po kasi online." I answered. Tumango naman siya at sabay na kaming pumasok.
Pagpasok pa lang ay sinalubong na agad kami ng warm and inviting na ambiance with the rich aroma of freshly brewed coffee mingling with the sweet scent of baked goods. Yong atmosphere cozy and relaxing. Tapos may mga comfortable na seating, soft lightning, and a touch of rustic charm from the baked treats on display. Ang soft pa ng music nila. Napakagaan sa pakiramdam. Kaya siguro trending ito.
Pagkatapos naming umorder ay pumunta kami sa pinakadulo na table. Pinaghila ako ni Ma'am ng upuan kaya nag-thank you naman ako. Siya naman ay umupo sa kaharap kong upuan.
Kinuha ko ang phone ko at kumuha ng picture sa paligid. Then after that ay binaba ko na ang cellphone ko.
"Bakit po?" Tanong ko sa kasama ko dahil nakatitig ito saakin. Umiling siya at napakunot noo ako dahil tumayo ito at binuhat ang upuan at nilagay sa tabi ko tapos umupo.
"Ang layo mo." Tanging sabi niya lang at kinuha ang cellphone ko kaya mas lalong napakunot ang noo ko. Inopen nito ang camera at nagselfie. Nilapit nito ang camera saakin para makita kaming dalawa. "Let's take a picture." She said habang nakangiti. "Smile, Gorgeous."
Napangiti nalang din ako at hinayaan siya. Nag-picture din kami sa cellphone niya.
Dumating na rin ang order namin. Akala ko babalik ito sa pwesto niya pero hindi. Nanatili lang siya sa tabi ko kaya hinayaan ko na.
"Hmm." Napatango ako nang matikman ko ang cake na inorder ko. "Masarap pala talaga."
"Really?" She asked kaya tumango ako.
Kumuha ako ulit at nilapit sa bibig nito para subuan siya. Napatingin ito sa tinidor na hawak ko at saakin. Nang marealized ko ang ginawa ko ay mabilis na umiwas ako at ibababa na sana pero pinigilan nito ang kamay ko at sinubo sa bibig nito at kinain. Ewan ko ba ba't ko ginawa 'yon. Para bang nakasanayan ko ng gawin. Muscle memory? Pero imposible naman.
"Masarap nga. Magtake out tayo later?" She asked pero hindi nito binitawan ang kamay ko.
Tumango nalang ako dahil bigla ata akong nahiya at binaba ang kamay ko sa table pero hawak niya pa rin.
"Ma'am.." tawag ko sakanya.
"Why?" She asked at umangat ang tingin saakin. Saglit pa kaming nagkatitigan.
"Yong kamay niyo po." Paalala ko.
Agad na bumaba ang tingin niya sa kamay niyang nakahawak pa rin sa wrist ko. Akala ko bibitawan na niya ako pero marahang hinaplos nito ang pala-pulsuhan ko gamit ang thumb niya kaya parang biglang gumaan ang kaninang mabilis na pagtibok ng puso ko. Na para bang sa simpleng haplos nito ay pinapakalma niya ang buong sistema ko.
"I want you to remember me by the way I hold your wrist, because I will be your bracelet." Sabi nito kasabay ng malamyos na tingin niya saakin.
Those stares...it was familiar.
Napatingin ako sa paghaplos nito sa kamay ko.
I will always recognize you by the warmth of your touch, because it feels like home to me.