Nandito ako ngayon sa grocery store ng isang sikat na mall sa may samin.
Nagmamadali.
Eh kasi naman ang magaling kong mommy na super overprotective, saka lang ako pinayagan manuod ng sine nung malapit na mag umpisa.
Hay buhay -___-
Ay oo nga pala hindi niyo pa ko kilala. FC lang eh.
Ako si Gabrielle Marie Yap. Fourth year High School sa St. Alphonse University. Pinagkaitan ako ng height. Yan lang ang kaisa isahang insecurity sa buhay ko. Hanggang sa siko ang buhok ko. Mejo kulot sa baba. Si mommy kasi kulot kaya siguro nakulot na din yung tip ng buhok ko.
RING RING RING*
"Hello?"
Sinagot ko yung tawag
"Hoy Yelle asan ka na ba? Nag uumpisa na ang palabas! Baka nag r-roll na yung credits wala ka parin dito!"
Si Naomi. Bestfriend ko. Pwe.
Pabulong niyang sinasabi sakin yung mga sinabi niya. Bawal kasi ang cell phone sa loob ng sinehan diba?
Ano ba yan baka hindi na nga talaga ako makapasok sa theater. Halos 15 minutes na kasi nung nag simula ang palabas.
Naku. Sayang naman kung hindi ako makakapanuod. Premiere pa naman ngayon nung movie na papanuorin namin. May VIP tickets kasi kami ng mga kaibigan ko galing sa Tito niya. Mehehe :>
"Oo. Papunta na. Magbabayad nalang ako ng mga pinamili kong chips. Sige babay!"
Sabi ko sakanya tapos in-end call ko na.
Tsk ano ba to. Ang daming nakapila sa mga counters.
Hanap hanap.
"Jackpot. Hihi."
Sa wakas may nakita na akong bakanteng counter.
Nag mamadali akong pumunta dun sa counter nang mapansin kong may lalaking papunta din dun.
Takte. Unahan yata to eh.
Nakakainis naman kase mas malapit na siya sa counter kaya chill lang siya lumakad.
Bilis Yelle, biliiiisssssssssss.
Mas binilisan ko pa yung pag lakad ko habang nakatingin dun sa lalaki.
"Miss oh. Pakibilisan lang nagmamadali kasi ako."
Hey selemet nakarating din. Actually sabay lang kami nung lalaki.
Nilalagay ko na yung mga pinamili ko nang mapansin ko na binabalik nung lalaki sa basket ko.
Nilagay ko ulit yung Piattos ko tapos binalik niya ulet.
Aba nakakainis na to ah.
"Excuse me miss but I got here first."
Sabi niya tapos ang yabang ng pagmumukha.
Nilagay na niya sa counter yung Mug rootbeer at Doritos niya na kinuha naman agad nung cashier at halatang inlab na inlab sa mayabang na lalaking nasa may gilid ko.
"Teka lang miss ah."
Sabi ko sa cashier sabay hablot sa Doritos na ipa-punch niya na sana.
"At ikaw namang lalaki ka."
Humarap ako dun sa lalaking nag mukhang stop light sa sobrang tangkad. Hanggang sa chin niya lang ako eh. Takte T_T Pinamukha pang ang liit ko </3
Tumingin din siya sakin. Halos nakayuko na nga siya nung tiningnan niya ko. Pero hindi pa naman yuko talaga. Slight lang.
"O ano na?"
YOU ARE READING
First & Last [UPDATED]
RomanceA story about friendship, love and fate that will change their lives forever. Could it be? His first and her last? Written in Filipino.