Chapter 1 :D

4.5K 40 4
                                    

"Kim sana pumayag kang maging asawa ng apo ko. Please gagawin ko ang lahat para lang pumayag ka. Kailangan ka talaga namin. Kailangan ka niya." nagmamakaawang sabi sakin ng isang lola

Asawa? Ako? Hindi ko nga kilala yung apo ni lola na kumausap sakin e. Tapos gusto niyang maging asawa ko? Ano 'to joke? Tsaka may responsibilidad pa ako sa pamilya ko. Papa-aralin ko pa mga kapatid ko no! Wala pa sa isip ko ang mag-asawa. kakagraduate ko lang tapos asawa kaagad? Excited lang?

  "Sorry po pero baka nagkamali po kayo ng pinuntahan. Hindi ko po kilala yung apo niyo e." sagot ko naman na nagtataka pa rin sa mga pangyayari  

"No. You're the right one, Kim Chiu. Alam ko na nakakabigla ang mga sinabi ko pero nung una pa lang kitang nakita alam ko na ikaw ang babaeng makakapagpabago sa apo ako. Tulungan mo kami Kim please. We want Xian back."  

"Ah... eh.. Sino pong Xian?"  

"Siya ang apo ko Kim at ang magiging asawa mo."   Niloloko yata ako ni lola eh! Hindi pa nga ako pumapayag tapos sasabihin niya magiging asawa ko. Wow ha!  

"hehe. Itatanong ko lang po a. Ano po bang nangyari sakanya? Bakit kailangan niya ng tulong ko?"

"Wala namang nangyari sakanya. Pero 3 years na kasi siyang hindi nagpapakita samin. Gusto niya kasi bumukod at maging independent kaya nagpunta siya ng States pagkatapos nun hindi na siya bumalik o tumawag man lang. huhuhu" HALA! Bakit umiiyak si lola! Nako! Patay! Baka akalain nila pinaiyak ko si lola.  

(A/N: huhuhu is iyak. senxa na po sa mga sound effects. I'm trying my best. hehehe)

"Wag po kayo umiyak. Sorry po.."  

"Ok lang *sob yun iha. *sob" sabay hawak niya sa braso ko "Basta ang *sob gusto ko lang *sob ay bumalik *sob na si *sob Xian. Miss na miss *sob na namin siya *sob ng lolo niya *sob at ng kapatid *sob niyang si Clarence." umiiyak pa rin si lola at nahihirapan ako sakanya ha! Umiiyak kasi siya habang nagsasalita. Hindi ko gaanong maintindihan yung sinasabi niya.   

"Ma'am siguro po kailangan niyo na muna magpahinga. Sa susunod na lang po ulit tayo mag-usap." NAKU! patay! Bakit ko sinabi na sa susunod na lang kami mag-uusap. Nako naman Kim! Di ka nag-iisip.   

"Salamat iha." sa wakas ay tumahan na rin siya  

Ok na sana e kaya lang... "Puwede ko bang makuha ang cellphone number mo? Para macontact kita sa susunod nating pagkikita?" napasubo talaga ako dito... tsk tsk tsk...  

"Akina po itatype ko sa cellphone niyo."   

"Ito iha." no choice kaya tinype ko na yung cellphone number ko. Alangan namang lokohin ko si lola. Di ako ganung klaseng tao no! :P hehehe

"Sige po. Umuwi na po muna kayo."  

"Salamat sa oras mo ha. At sorry.. naiyak ako. hehe"  ^__^ nakakatuwa naman si lola. Kahit matanda na siya ang ganda ganda niya pa rin lalo na kapag tumatawa siya. Ang swerte nung apo niya. Si lola pa talaga mismo ang gumagawa ng paraan para lang balikan sila nung Xian na yun. Grabe wala man lang siyang pakialam sa pamilya niya...  

Pakasal Na TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon