Revelation

7 1 0
                                    

*Andrei's VP*

"Aaaaaahhhhhhh" Hindi ko mapigilang hindi mapasigaw dahil sa sobrang tuwa ng bigla kong malampasan ang sa tingin ko ay pinakamahirap na level sa Digger Saga. Ilang linggo na kaya ako dito.

"Yes, yes- iiiiinnnnnkkkkwwww" pero naputol ang pagsasaya ko ng bigla kong marinig ang pag-ugong ng gitara na nakakasakit sa tenga.

*awkward*

Hala oo nga pala, nandito ako sa studio daw nila Rein. At nakalimutan kong nagrerecord pala sila.

Ngumiti nalang ako ng alanganin kay Matt nga ba pangalan nito.

"Anong nangyari Andrei? Grabe ang lakas ng sigaw mo. Hahaha" natatawang sabi ni Gian.

"Hahaha oo nga akala ko nga mababasak na eardrums ko eh." Dugtong ni Matt

"May nangyari ba?" Nag-aalala namang tanong ni Kier ata.

"Ahhh eeehhhh" hindi ko alam ang sasabihin ko. Nakakahiya. Ano bang sasabihin ko? Ang pangit naman kung sasabihin kong naboringan ako sa tugtugan nila kasi rock masyado kaya naglaro nalang ako at nakalipat na ako ng level kaya ako napasigaw.

"Ano Andrei. Hahaha" si Andy naman yan.

Ano ba Andrei magsalita ka. Mag-isio ka ng magandang palusot.

"Ah ano kasi ano" ano nga ba Andrei?

"Ano?" Rein

"Yung pusa namin at daga nag-away daw. Kailangan ko ng awatin sabi ng aso namin kaya bye. Aalis na kami." Sabay hila ko kay Rein pababa at paalis sa studio. Buti at hindi siya nagmatigas at sumama naman sa akin ng maayos.

"Hahaha referee ka na pala ng Pusa at Daga ngayon. Hahahaha" pang-aasar sa akin ni Rein. Siguro pambasag niya sa katahimikan namin dito sa kotse. Wala kasing umiimik pagkasakay namin.

Kung bakit naman kasi may nakita pa akong daga kanina doon sa studio nila kaya iyon tuloy ang naging palusot ko. Nakakahiya talaga. Rinig ko pa nga yung tawanan nila paglabas namin ng studio ni Rein eh.

Sinamaan ko ng tingin si Rein. Hindi ko rin kasi alam ang sasabihin ko.

"Aw antalim nakakasugat." Sunod pa niyang sabi.

"Ay naman eh, pang-asar." Nakasimangot kong sabi.

"Hahahaha ano nga kasing nangyari? May pa yes yes ka pa tapos ang dahilan mo nag-away ang pusa at daga sabi ng aso. Hahahaha" pang-aasar parin niya.

Oh, Chinito! (Untitled LoveStory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon