Sa lagkit ng tingin mo
Aba! Matutunaw talaga ako!
Balat ko ba'y masyadong mahalay?
Easy lang men, pakisahod ng iyong laway.
Sige hawakan mo ako
Balatan hangga't gusto mo
Alam ko naman ang kailangan mo
Yun ay matikman ang laman ko.
Titig na titig ang mga mata nya
Sa katawan kong hubad na hubad na
Ang sarap na aking tinataglay
Tanging sa bibig nya lang nagpahalay.
Nahihiya man akong aminin
Pero ayaw ko syang mabitin
Kaya ayan! Sya'y nangangain na naman
Maya-maya ay muli akong babanatan.
Ganito na ba ako kalinamnam?
Kaya pagkasabik ay kanyang ramdam
Ba't di nya maibalik ang aking damit?
Pagkatapos nya akong iwanang punit-punit.
Damit ko pala'y itinapon sa basurahan
Matapos pagsamantalahan ang aking kahinaan
Nakamit ang sarap na kanyang hiling
Iba't ibang posisyon ng pagkain kanyang daing.
Saplot ko'y iniwang gutay-gutay
Habang sya'y sarap na sarap na humihimlay
Nais nya muli saakin maglambing
Oo naman! Tatanggi ba naman ang isang SAGING? :D
----------
Haha. Tabi-tabi po. Pakilinis ng utak ko please.Nagdidileryo na ata ako kaya ganito ang naisip ko. Haha.