MS. KIM POV.
Pagdating ko sa isla. Walang katao-tao sa daungan. Kaya agad akong nagpunta sa loob ng bahay.
Nakita ko ang ibang mga taohan nagkalat sa buong bahay.
Pagpasok ko, may isang lalaki ang nakatalikod. Habang kumakain ng bubble gum.
Hinugot ko ang aking baril at dahan dahan akong lumapit. At walang ano-ano'y bigla kong pinalo ang likod ng ulo niya. Naka tulog ang loko.
At mabilis na umalis sa lugar na yon. Minadali kong makapasok sa kwarto ni Divina.
Nang makasalubong ako ng dalawang lalaki. Agad kong itinago ang baril kong hawak.
"Hey boys. I heard something choked over there." Turo ko sa may dinaanan ko kanina.
Agad naman silang nagpunta doon.
Ako naman ay dumiritso sa opisina ni Divina. Sakto at walang bantay sa labas ng opisina ni Divina. Agad akong pumasok. Pero nagulat ako ng makita ko ang isang lalaki na printing nakaupo sa upoan ni Divina. Habang nilalaro nito ang ballpen na hawak niya.
"How are you Ms. Kim.." nakangiting turan ng lalaki saakin.
Napakunot ang noo ko sa lalaki. Sino siya. Ah baka kasintahan ni Divina.
"S-sino ka?" Tanong ko.
Natawa ang lalaki. Saka tumayo at lumapit saakin. Habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Hindi ako magtataka kong bakit gustong gusto ka ni Tristan noon. Tama naman siya, maganda ka nga talaga sa personal. Para ka ngang babae.." Sabi niya.
Hinawakan niya ang chin ko. Pero tinabig ko ang kamay niya. Lumayo din ako sa kanya. Naikinatawa nya.
"Sino ka ba. Ngayon lang kita nakita dito ah.." Muling tanong ko sa kanya.
Bumalik ito sa kinauupoan niya kanina. Ininom nito ang kape sa table.
"Sa tagal ng pagt-trabaho mo dito kay Divina. Hindi mo pa pala ako kilala. Akala ko pa naman kilala mo na ako.." sabi nito.
"Kuya?"
Biglang sabi saaking likuran. Kaya napalingon ako.
Si Divina. Kakarating lang at may mga kasama itong tauhan.
Napunta ang tingin ko kay Divina. Ano ang tawag niya sa lalaking nada harap namin. Kuya. Kapatid ni Divina ang lalaking to.
"Kailan ka pa dumating kuya.." Tanong ni Divina
Habang lumalapit sa kapatid niya. Nanlaki ang mata ko sa tinuturan ni Divina.
"Kanina lang. Dito na ako dumiritso para makita ka. Alam ko kasing wala ka sa bahay.." sabi ng lalaki.
Saka nagyakapan sila. Ang akala ko, dalawang magkapatid lang sina Tristan at Divina. May kapatid din pala sila. Bali tatlo silang magkapatid.
"Momma.."
Sabi ng isang boses bata. Kaya napalingon ako.
Nakatayo ang isang bata sa tapat ng pintuan na hawak ng tauhan ni Divina. Sunod na pumasok ang isang babae na may kargang bata.
Gulat din itong napatingin saakin. Na para bang hindi makapaniwala.
Napatingin din saakin si Divina. Na parang may kinikilatis siya saakin.
Sino naman ang mga ito. Parang familiar ang mga ito. Parang nakita ko na ang mga batang to.
"Momma, its you. Your alive.." Sabi ng bata. Habang umiiyak.

YOU ARE READING
MY BOSS/HUSBAND IS A GANGSTER. Book II
Short StoryThis story is a book II of my first story entitled My Boss is a gangster and please dont be so perfectionist reader. This story is dedicated to my family, friends and to my supporters. Who support to make this story published. Thank you so much read...