🔰🔰🔰🔰 The Most Powerful Gay: Dragon Manipulator and Summoners 🔰🔰🔰🔰
💮💮💮💮 Author: prince_josh💮💮💮💮
👑Kabanata 11: Paglalakbay 6: Panaginip👑
🐉🐉🐉🐉🐉🐉Wave POV🐉🐉🐉🐉🐉🐉
Pagkatapos ng kasalan ay ngayong gabi ay magkakaroon ng isang piging para sa amin ni Hans kasi panauhin kami rito
" Wave , tignan mo yung sumasayaw ang galing nila" sabi ni Hans at tumingin rin ako sa nagsasayaw
" Bakit, maganda ba ang sayaw o tinitigan mo lang ang mga katawan nila" saad ko sa kanya
May nagsasayaw na limang babae na magaganda ang mukha at hubog ng katawan kaya tititig itong mokong nato ito ang hinandang sayaw para sa amin
" Di kaya ko tinitigan ang kanilang katawan, ang tinitigan ko ay ang sayaw nila ang galing" sabi ni Hans
" Tama ka naman ang ganda ng kanilang sayaw , pero alam mo ba kung anong sayaw yan " tanong ko kay Hans
" Di, ko alam parehas lang naman tayo, unang pagkakataon lang nakapunta rito" saad ni Hans
" Ay hahaha tama ka nga naman ngayon pa lang tayo nakapunta rito" sabi ko sa kanya at tumawa lang sya, tangal angas ko ron, wave bakit hindi mo yon naisip
"Mga iho ang sayaw na yan ay ang "summon dance" sa huling sayaw ay magsususummon ng kanilang mga alaga o guardian" sabi ni Tatay Alex
Ng malapit na matapos ang sayaw ay tinawag na nila ang kanilang mga guardian o alaga at sumayaw ng napakaganda,
" Napaganda at napamangha ako sa nakita ko ngayong sayaw " sabi ko kay Hans
"Oo maganda talaga pero iba yung nakikita kong mas maganda" sabi ni Hans habang sa akin parin ang tingin
"Sira ka , bakit parang sa akin kalang nakatitig" sabi ko sa kanya habang niyuyugyug ko sya
"Ano kaba binibiro lang kita pero kinikilig ka" sabi ni Hans habang kinikiliti ako
"Baliw hindi kaya ako kinikilig no, baka gutom labg yan" sabi ko sa kanya at sinubuan ng mansanas
"Mga Panauhin namin nagustohan mo ba ang inihandog naming sayaw para sa inyo" sabi ni Zuma
"Oo naman Pinunong Zuma , napakaganda at napakamangha ang sayaw na inihandog mo para sa amin" saad ko at tumango naman si Hans
"Kung ganon simulan na ang piging" sabi ni Zuma
At kumain na ang lahat , mga bata , matanda , babae o lalaki , mga kawal at mga dama lahat ng taga Summoner Clan ay ngayon ay masayang kumakain
"Wave kumain ka ng marami tignan mo kunti lang yang pagkain mo" sabi ni Hans
"Marami na kaya ito at kung marami pa akong kukuhanin ay baka di ko lang maubos" sabi ko kay Hans
" Okay ,di na kita kukulitin " sabi ni Hans at tumahimik na kumakain ,
ano ba yon mayroon ba yong bipolar, kanina masaya ngayon ay tahimik na sabi ko sa aking isip
"Hans bakit ang tahimik mo ngayon" tanong ko kay Hans
"Wala lang , di pa pwede tumahimik habang kumakin" sabi ni Hans
"Pero ngayon iba ka kasi dati makulit ka at masaya ngayon tahimik lang, may promblema ba" sabi ko sa kanya
"Wala lang to , wag mo na lang akong pansinin" sabi ni Hans sa akin
Kumain na kami ng tahimik at mayroong nagsayaw sila rito sa paligid ng apoy na nagsisilbing liwanag

YOU ARE READING
The Most Powerful Gay Dragon Manipulator and Summoners
FantasyKung ang isang dating mahina ay ngayon ay makapangyarihan na ano kaya ang kanyang gawin dahil nakabalik na sya maghihiganti o magiging bayani