[ ALYSSA CHRYS MENDOZA's POV ]
"Let's end this relationship. I am breaking up with you."
"What do you mean Carlo? Wag mo nga akong lokohin ng ganiyan. Hindi nakakatuwa yung joke mo ha."
I was on the verge of crying habang kausap ko si Carlo. Hindi ko gets yung mga sinasabi niya. Rather, ayokong intindihin yung mga sinasabi niya.
"Mag-break na tayo Chrys. Nawalan na ako ng amor sayo simula ng..." bigla siyang tumigil sa pagsalita.
"Simula ng ano? May mali ba akong nagawa? May pagkukulang ba ako?" manginig-nginig pa ang boses ko habang nagsasalita.
"Wala kang pagkukulang Chrys, pero may sumobra sayo. At hindi ko na iyon kaya."
"Ano yung sumbra sa akin? Sabihin mo. Babawasan ko kung iyon ang ikagugusto mo!" Gusto ko na talagang maiyak sa mga naririnig ko! Kanina pa ako naiiyak eh, pero pinipigilan ko lang talaga. Ayokong umiyak sa harap niya! Habang tumatagal, mas lalo akong kinakabahan sa mga naririnig ko.
"Sumobra ka sa...." Tumigil ulit siya sa pagsasalita. Mas lalo tuloy akong kinakabahan!
"Saan Carlo? Saan? Sabihin mo na sa akin!"
"Sumobra ka sa weight. Hindi ka naman dating ganiyan."
Natameme ako sa sinabi niya. Weight? Dahil lang ba na tumaba ako, kaya niya ako hihiwalayan? Seryoso ba ito? Hindi maregister sa utak ko yung mga narinig ko!
"Noong nakilala kita, hindi ka naman dating ganiyan. Ang ganda mo noon at ang sexy mo pa. Pero habang tumatagal tayo, lumalaki ka din. At sa tuwing lumalabas tayo, napagkakamalan ng mga tao na nakikipag-date ako sa isang Nanay. At dahil doon, naisipan kong makipaghiwalay na sa iyo."
Para akong nabagsakan ng madaming yelo. Dahil ba from 120, naging 185lbs na ako ngayon, kaya niya ako hihiwalayan? Joke ba ito? Kasi kung oo, hindi ito nakakatuwa!!!
"Carlo, hindi ko.. hindi ko maintindihan. Wala na akong maintindihan sa mga sinasabi mo. Pwede bang ipagpa-bukas na lang natin to? Sumasakit ang ulo ko sa mga sinasabi mo eh. At tsaka, baka gutom lang yan kaya mo nasabi ang mga yan... Kumain na muna tayo. Gutom lang yan." Nauutal-utal pa ako habang kinakausap ko siya. Hindi ko nga sigurado din kung naintindihan pa niya yung mga sinabi ko dahil nakakain ko na mga salita ko.
Maglalakad na ako palabas ng classroom ng bigla niya akong hinawakan sa kamay ko.
"No Chrys. Hindi na natin ito ipagpapabukas. Ngayon na natin tapusin to. I am breaking up with you. We're over. Starting tomorrow, hindi mo na ako boyfriend. And no, I am not telling you this because I am hungry." Then he let go of my hand..
For the first time, siya ang unang bumitaw sa aming dalawa. Medyo blurry na yung mga nakikita ko sa paligid ko. Bigla ko na lang naramdaman na basa na ang magkabilang pisngi ko. Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko.
Bago pa siyang tuluyang lumabas, lumingon ulit siya sa akin at nagsalita.
"For these past 2 years, I was really happy in love with you, Chrys. Really. It's just that as time goes by, people are changing, and so are their feelings.. and I am one of them. Don't you worry, mahahanap mo din ang taong deserving para sayo. Thank you for those happy memories, Chrys. Thank you and goodbye."
Then tuluyan na siyang lumabas ng kwarto. He left me all alone in this secluded room. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang feeling mag-isa. Once again, I'm alone. Hindi pa din tumitigil ang luha ko sa pagtulo.
After 2 years, sa first day ng klase, iniwan na ako ng first love ko.
-:-:-:-
[ REO PATRICK VERACRUZ's POV ]
"...Thank you and goodbye."
Pagkasabi niya nun, dali-dali siyang lumabas ng classroom. Sa pagmamadali niya, hindi niya ako napansin na nasa may pinto lang ng classroom, tahimik na nanonood sa kanila.
But hey, it was an accident! Bumalik ako ng classroom kasi naiwan ko yung notebook ko. Ano bang malay ko na may drama ng nagaganap sa loob?! =_= Eh ang tagal nilang mag-usap. Narinig ko tuloy yung pinaguusapan nila. Ang awkward naman kasi kung bigla na lang ako papasok sa eksena diba? 'Ay excuse me po kukunin ko lang po notebook ko. Ayan nakuha ko na, magiyakan na ulit kayo. Ciao!' -_-
Sa sobrang pagmamadali niyang lumabas, natabig niya ang balikat ko. "Sorry," bigla ko na lang nasabi nung natabig niya ako.
Teka, bakit ako ang nagso-sorry sa aming dalawa?! Diba dapat siya ang mag-sorry dahil siya ang nakabungo sa akin? Amp. At ang hudas na iyon, hindi man lang nag-sorry -_- Dire-diretso lang siya sa paglalakad nya. Hindi man lang ako nilingon. Tsk tsk.
Nang maka-alis na yung mataba niyang lalaki, dali dali akong pumasok ng classroom. Desperado na kasi akong kunin yung notebook ko eh! Nasa labas lang kaya ako ng classroom for almost 15minutes! At hindi ko makuha-kuha yung notebook ko na aabutin lang naman ng wala pang 5seconds, dahil ang tagal nilang mag-usap! Narinig ko na nga yung buong napagusapan nila eh... ng hindi sinasadya. Naku, sa sobrang tagal kong nawala, baka iniwan na ako nga mga kasama kong babae. Pero sa bagay, okay na din yun para makatakas ako sa kanila. Medyo annoying dahil panay ang buntot nila sa akin. Hindi na ako makahinga.
"Hi. Uhh. Excuse me," Nagulat siya ng bigla akong nagsalita. Madali niyang pinunas yung mga luha sa pisngi niya. "Kukunin ko lang yung notebook ko ha."
"Hmm.."
Humihikbi pa din siya. Pinipigilan ba niyang umiyak dahil nandito ako?
"Ayan nakuha ko na. Sige, iyak ka na ulit. Bye!" pagkakuha ko sa notebook, agad agad akong lumabas ng classroom.
Grabe naman yung babaeng yun iyakan yung boyfriend niya. Eh hindi naman kagwapuhan. At isa pa, ang taba kaya niya! Infairness naman doon sa lalaking yun, kahit ganun ang itsura niya, may babaeng umiiyak para sa kaniya. Ano ba naman klaseng rason yung binigay niya sa tao. Nakipag-hiwalay siya dahil lang tumaba na ito? Sobrang babaw.
Sayang nga lang at hindi ko nakita yung itsura nung babae. Nakatakip kasi ng panyo yung mukha niya nung pumasok ako eh.. at nakatalikod siya habang naguusap sila nung mataba niyang Ex ('Ex' na kasi break na sila eh!). Ang naalala ko lang eh yung matinkad na pink ribbon na panali niya sa buhok. Ang laki kasi -_-
Nakauwi na ako sa bahay ng hindi nawawala sa isip ko yung mga nasaksihan kanina. Si Chubby girl, iniiyakan yung Chubby Ex niya na nakipaghiwalay sa kaniya. Hanggang sa nakatulog na ako, yun pa din ang iniisip ko. Hindi pa din nawawala sa isipan ko yung imahe ni Chubby Girl na umiiyak.
I wonder if she's fine now....
BINABASA MO ANG
Finders Keepers
Teen FictionIniwan. Umiyak. Nawasak. Nasaktan. Tinulungan. Sinamahan. Bumangon. Naka-move on. At kung kailan naman nagawa ka na niyang kalimutan, saka ka naman bumabalik sa buhay niya para guluhin ulit ang puso niyang nananahimik. Finders keepers. What's mine...