this one is for amareader10 . Hope you'll like this. Muawh... XD
-River Ehren Crusveda's POV -
" Sigurado ka bang ayos ka na? " sabi ko kay Yuwi na kumakain kasama ko. Papasok palang kami ng school. Monday sucks _ _
" Yeah. " sabi niya tsaka sinubo yung toasted bread. Hulaan niyo kung anong nilagay niya sa toasted bread?
ASIN. Weird taste
" Hindi mo nga ininom yung gamot mo tapos di mo pa nililinisan. Yun ba ang magaling? " tanong ko. Pagkagising kasi niya nun tumayo agad siya tapos sabi niya ok na siya.
Pshhh... Hindi man lang nagalaw yung mga gamot.
" Hey na-o-OP ako sa sarili kong pamamahay " sabi ni mama na nakanguso.
" Andyan ka pala ma " pang-aasar ko kay mama.
" Salbahe! You want me to cut your allowance ? " tanong ni mama. Syempre nanahimik na ko. Ibang usapan na pag Allowance.
" Good. Anyway Yuwi ayos na yung kwarto mo. Pwede ka na lumipat mamayang gabi. Papalipat ko nalang kay Lolly yung gamit mo " sabi ni mama. So ayos na pala yung kwarto niya. Tapat lang naman yun ng kwarto ko. Si Lolly nga pala yung head ng maintenance team ng Crusveda Coorporation.
Maya maya umalis na kami. Ok lang naman sakin malate kaso itong si Yuwi ayaw magpalate.
" oh my gosh magkasama na naman sila "
" Oo nga eh. "
" Malamang girls, girlfriend nga daw siya ni River babes "
" Tsk. If I know sinisiksik lang niya ang sarili niya kay River loves "
Yun yung bulong bulungan ng mga bubuyog sa tabi tabi. Tinignan ko naman si Yuwi na parang di naman naririnig yung pinagsasabi nila. Malamang focus siya sa kanta namin. Lagi tuloy na nasa kanya yung cellphone ko. Dadaan nalang kaming mall mamaya para mabilhan siya ng cellphone. Hassle kaya kasi lagi niyang gamit yung cellphone ko. Para tuloy ako yung nawalan.
" Hi babe " sabi ni sabrina.
" Oh hi babe " sabi ko tsaka ngumiti. Sabrina is one of my favorite girl." Long time no see " sabi ko. Ang sabi kasi nagbakasyon siya sa Korea kaya wala siya ng isang buong linggo.
" I miss you " sabi niya tsaka lumapit sa upuan ni Yuwi. Dyan kasi siya dati nakaupo. Hindi ko siya sinagot at tinignan yung natutulog na si Yuwi sa tabi ko. Parang nung una ako yung natutulog sa klase. Anyway, wala pa naman si ma'am.
" Uhmmm... excuse me." sabi ni Sabrina na ginigising si Yuwi. Inangat naman ni Yuwi yung ulo niya. Ang babaw talaga nito matulog.
" What? " emotionless na sabi na naman niya.
" That's my seat " malambing na sabi ni Sabrina. Lumingon lingon naman si Yuwi sa upuan niya. Anong hinahanap nito?" You don't have your name here, Sabrina " sabi ni Yuwi. Magkakilala sila?
" What? How did you know my name? " tanong ni sabrina. Tinuro naman ni Yuwi yung I.D. ni Sab. Ok pahiya ng unti.
" Originally, that's my chair " sabi ni Sab.
" I don't care " sabi ni Yuwi tsaka sinubsob yung ulo niya sa lamesa. Bakit ba parang antok na antok to?" Ahmmm... Babe, just let her " sabi ko kay Sab.
" Bakit? Who is she? " tanong ni Sab.
" Hmmm... That's her seat and she's my Gi-girlfriend " sabi ko. I don't know why but it's awkward to say that.
" Girlfriend? " tanong ni Sab. Buti nalang dumating na si Ma'am Riza, wala na kasi akong masasagot sa kanya. Inangat naman ni Yuwi yung ulo niya. Siguro narinig niya yung pagpasok ni Ma'am.

BINABASA MO ANG
My Doll like Guardian
Science FictionRiver Ehren Crusveda is the only heir of Crusveda Coorporation. A successful institution which is considered as the biggest coorporation in Asia. For that reason, he always received death threats from different people and assassins. His Mother, Reev...