CHAPTER 2

3 1 0
                                    

"Pasok mga suki presyong dibesorya, sampu sampu, bente bente at iba pa!" Kanta ko na kumekembot habang naghahanda ng pagkain.

"Bente bente ba talaga 'yon? Saka divesorya, dibe ka diyan." Pumasok si Ate sa kusina habang nakasuot ng nurse uniform niya. Malapit na mag graduate si ate sa college kaya sobrang saya ko kasi kapag nagkapag trabaho na siya solo ko na ang bahay!

Wala ng mag sesermon sa'kin at lalong lalo na wala ng panay utos. Nakakairita kaya, as a bunso nagiging utusan ako.

"Ewan, bobo ako, eh." Sagot ko. Kinuha ko ang ulam namin. Naghain na rin ako ng kanin. Naglagay na rin ako sa mga baonan namin. Hindi kasi uso sa'kin ang umuwi kahit walking distance lang naman ang school ko pero kapag urgent tapos late ako sumasakay na ako ng tricycle.

Si ate naman malayo kaya nagbabaon talaga siya para na raw makatipid din. Pumunta na ako sa kwarto ni mama para gisingin at kumain ng agahan.

Nakita ko naman siyang nag ce-cellphone. Kita mo 'to, kapag ako nag ce-cellphone ' pag bagong gising nagagalit tapos siya ayos lang?

Magalit kaya ako? Charot! Biro lang baka sa kalsada na ako pulutin.

"Ma, kakain na po." Tumayo naman si mama at nag ready na bago pumunta sa kusina. After kumain ang maghuhugas edi si Mama.

"Hoy! Happy! Bilisan mo kilos mo mag fla-flag ceremony pa." Oo nga pala Monday ngayon.

Malapit na kami sa gate ng tumugtog ang Bayang magiliw ay Lupang Hinirang pala. Late na ako. Kapag kasi tumugtog ang National Anthem na hindi pa kami nakakapasok sa gate ay considered late na 'yon.

"Malas si Happy kasi ang bagal." Reklamo ni Giselle. Tinignan ko siya ng masama.

"Sinabi ko bang hintayin niyo ko?" Ngumiti siya sabay peace sign.

"Happy, late ka naman. Dinamay mo pa mga kaibigan mo." Comment ni manong guard. Kilala ako sa school dahil sa pagiging late comers ko. Gusto kong baguhin ang ugali kong 'to pero ang hirap pala lalo na't nakasanayan na rin.

"Tama ka manong." Pagsang-ayon ni Giselle at Clark na sabay pang tumatango.

I mimicked my expression in front of them. Nag action naman na parang sasabunutan ako ni Giselle.

"Bleh!" Pinapasok na kami after flag ceremony at pinaglinya para kami naman ang magkaroon ng sariling flag ceremony. Sanay ako ganito kaya keri na rin.

Nasa public high school ako kaya pagka pasok ko sa room naglilinis sila. Napaubo pa ako sa alikabok na sinaboy sa'kin ni Jerome.

"Ano ba! Alam mo namang may Asthma ako!" Buti may dala dala akong panyo kaya natakpan ko agad ang ilong at bibig ko.

Binatukan naman siya nila Clark at Henry.

"Siraulo!" Hindi nila sabay na sabi.

"Sorry, Happy nakalimutan ko." Sincere naman si Jerome kaya pinatawad ko na. With it comes sa asthma ko talagang hindi nila ginagawang biro 'yon pero dahil sa energetic daw ako kaya nakakalimutan nila na may sakit ako.

"Happy, alam mo ba may gwapo sa Stem kanina." Bulong sa'kin ni Bella na kakarating lang. Lumapit pa ako sa kaniya.

"Saan mo nakita?" Bulong na tanong ko baka may makirinig sa'min.

"Kanina no'ng dumaan ako sa room nila. Alam mo naman na may crush ako don tapos ayon ibang gwapo nakita ko." Kuminang ang mukha niya kaya sure ako na gwapo nga.

Huling Hiling na Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon