Kabanata 2

5.9K 182 12
                                    

"Halika na, Anne!" anyaya sa akin ni Julie.

Lumabas kami ng classroom dahil nagpapasama siya sa faculty office para mag-file for candidacy bilang Grade 11 representative. Sa susunod na linggo magaganap ang SSG election kaya abala ang mga ibang estudyante na gustong tumakbo. 

Halos dalawang buwan na nang lapitan niya ako para kaibiganin at hanggang ngayon ay sinasama niya ako sa mga trip niya. Muntik na niyang akong makumbinsi na tumakbo pero alam kong hindi para sa akin ang mga gano'ng trabaho.

"May partido ka na ba?" tanong ko habang pababa kami ng hagdan.

"Oo, nag-approach sa akin ang running for president ng HIRAYA partylist kaya sumali na ako."

Abot langit ang ngiti niya na tila may iba pa siyang iniisip. Tumango lang ako habang nakatingin sa kan'ya dahil hindi ako sigurado kung sino ang tinutukoy niya. Napansin niya yata ang nalilito kong mukha nang bigla siyang nagpaliwanag.

"Si Phillip! Iyong Top 1 ng STEM strand at senior natin..." aniya habang humahagikhik. "Na nakasalamin, gwapo, matangkad, at chinito!" bulong pa niya.

Tumango ako kahit hindi pa rin ako sigurado kung sino iyon. Mahina ako sa pangalan kaya kahit nakakasalubong ko sa building namin ay hindi ko malalaman kung siya ba talaga iyon.

"Alam mo bang may kapatid siyang nag-aaral din dito? Grade 10 na yata iyon. Baka tatakbo rin bilang SSG president ng junior highschool."

Nakarating na kami ng faculty office kaya pumasok na si Julie. Nagpaiwan ako sa labas dahil nakasulat sa pinto na isang estudyante lang ang pwedeng pumunta sa bawat teacher. Habang naghihintay ay may dumating na lalaki na tila papasok rin sa office. 

Palihim akong sumulyap sa kan'ya nang mapagtanto kong pamilyar siya sa akin. Kilala ko ba 'to? Napatingala ako nang kaunti upang makita nang maayos ang mukha niya. Nakasuot siya ng uniform ng senior high at nakasalamin.

Sandali.

Siya ba ang tinutukoy ni Julie kanina?

Napatingin ako sa ID na suot niya.

Phillip A. Chavez.

Siya nga.

"Kay Ma'am Eunice ka rin pupunta?" biglang tanong niya sa akin kaya mabilis akong napaiwas ng tingin sa ID niya.

Umiling ako. "Hindi, may hinihintay lang ako sa loob."

Tumango siya at sumilip sa loob ng faculty office. Pagkalabas ni Julie ay sinalubong niya ito at kinausap.

"Nakapag-file ka na?" tanong ni Phillip.

"Ah... oo. Ikaw?"

"Magpa-file pa lang," sagot niya at itinaas ang papel na hawak niya.

Tumango si Julie. "Sige, good luck!"

"Pasok na ako. I'll see you at the meeting later," sabi niya at nagpaalam sa amin.

Nang makapasok ito, marahas akong hinila ni Julie pabalik ng classroom namin.

"Grabe talaga. Nakakatunaw!" mahina niyang tili. 

Bigla niya akong hinampas sa braso at tinakpan ang labi niyang may ngiti na hindi mabura-bura. Ilang beses pa siyang pumadyak habang paakyat kami sa hagdan. May iilang estudyanteng nagtitinginan sa amin ngunit mukhang walang pakialam doon si Julie, o hindi lang talaga niya napansin.

"Crush mo?" panunukso ko.

"Hala, obvious ba?"

Hinaplos ko ang braso ko. "Oo. Ramdam ko iyong hampas mo eh, with feelings."

"OMG, sorry!"

"Naku, okay lang."

Ngunit kahit nakarating na kami sa classroom ay iniisip ko pa rin kung saan ko nakita ang lalaking iyon. 

Bakit napakapamilyar niya?

MarahuyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon