Guilt
Sumakit ang aking ulo pagkagising ko, para akong sinampal sa sobrang sakit. Ang lala talaga ng hang-over ko ngayon. Ngayon lang naman ako nagkaganito dahil ang tagal tagal ko ng hindi nakakainom ng alak.
Pilit ko nalang binuksan ang aking dalawang mata hanggang sa gumising na ang aking diwa, nagtimpla ako ng kape at masakit parin ang aking ulo. Napangiwi ako dahil parang gusto ko nalang talaga tanggalin ang ulo ko.
Nagulat ako nang pumunta si Havhien dito para dalhan ako ng hang-over reliever, ininom ko na agad 'yon at guminhawa naman ang pakiramdam ko.
"Ayos ka na?" tanong niya sa akin.
"Ayos na ako, medyo masakit lang talaga ang ulo ko... ikaw ba ang nagdala sa akin kagabi?" tanong ko sa kaniya.
"Yes, and daldal mo nga kagabi?" sagot niya na kaagad kong kinunotan.
"May sinabi ba ako sa 'yo?" tanong ko agad.
"Meron naman, pero hindi naman na importante 'yon," sagot nito sa akin na siyang ikinabahala ko, kinakabahan kasi ako dahil baka mamaya ay kung ano nang nasabi ko sa kaniya. Masama pa naman ang tabil ng dila ko kapag nakainom at lalo na pag may tama.
"Kung ano ano bang sinabi ko kagabi?" tanong ko ulit.
"Yup, baliw na baliw ka talaga sa kaibigan ko hano?" natatawang tanong niya. Tatawa na sana ako dahil sa sinabi niya pero alam ko kung sinong kaibigan ang tinutukoy niya.
Napasapo na lamang ako sa aking ulo at napasintido, siraulo ka Lesha! Buti nalang tinatawan tawanan kalang ni Havhien? Paano kung maniwala sa 'yo 'yun?!
"Sorry... k-kung ano ano pa tuloy nasasabi ko," paghingi ko agad ng tawad.
"It's okay, nakakatawa ka nga kagabi dahil umiiyak ka dahil sa kaibigan ko, alam ko talagang fangirl ka..." sagot niya sa akin.
Natahimik ako.
Bigla akong natamaan sa sinabi niya, ewan ko ba! Bwisit kasi ang sarili ko, naiinis ako dahil natatamaan parin ako sa sinasabi niya kahit walang wala na talagang pag-asa ang relasyon namin. Aminin ko na kaya sa kaniya?
Hindi pwede! Baka mas lalo lang akong hindi paniwalaan! Baka mamaya gawin pa akong baliw eh!
"Ayos ka lang ba? Namumula ka?" alalang tanong niya sa akin, napakagat nalang ako sa aking labi para pigilan ang pagsagot.
Nang mapansin niya akong tahimik ay bigla niyang pinisil ang aking pisngi, lumipad ang tingin ko duon, naamoy ko tuloy ang mabango niyang kamay. Nang magsimulang maging awkward dahil sa pananahimik ko ay itinigil niya na ito.
Hinawi ko rin naman ang kaniyang kamay sa matambok kong pisngi dahil naglagi siya ron, napaiwas siya ng tingin at humigop nalang ng kape.
Nang mayari kaming magkape ay nagpaalam na siya sa akin dahil kailangan pa siya sa kaniyang trabaho, nagpumilit pa nga akong huwag niya na akong ipaleave pero mas nanalo siya, gusto niya raw akong pagpahingahin for one week dahil busy siya at hindi siya makakapunta sa restau.
Dahil Boss ko siya wala na rin akong ginawa at hindi na siya pinigilan, sino pa bang magiging choosy sa pagiging free ko sa isang linggo?
"May balak ka pa bang saguti si Papi Havhien?" tanong ni Vincent sa akin, napaguso ako at walang maisagot. Hindi ko alam kung nananadya siya sa tanong niya.
"Hindi ko pa alam, Vincent... h-hindi ko kasi kayang sagutin siya ng hindi ko siya gusto, gusto ko pa muna siyang makilala bago ko siya sagutin," paliwanag ko.
YOU ARE READING
The Doctor Affection (De Viola #2)
RomanceDoctor Hudson Cutler De Viola is the second son of the rich and wealthy family of Nueva Ecija; he's opposite his brother, who collects all girls, while Hudson Cutler is the one who has no interest in other girls. Until he met Lesha Liesiah, who had...