Day Four
May 20, 20**
Dear Ma and Pa,
My apologies. I've been here in Manila for four days yet I wasn't able to give you some information regarding my progress here. Ms. Pablo, Pedro and I would be finally starting today. Ms. Pablo was able to find some leads regarding to where could be Andrew's biological parents. I hope we can find Andrew's parents before his birthday.
Pray for me.
Your Son,
Marcus
***
"So, saan kamo tayo pupunta?" tanong ko ng maka-upo na ako.
Nasa restaurant kami ng hotel. Kumakain na ng agahan sina Pedro at Ms Pablo. Linapag ko ang coffee mug ko sa mesa. Huminto muna si Ms. Pablo sa pagkain at hinarap ako. Di ata ito sanay na may kinakausap habang may kinakain.
"Base sa impormasyon na binigay ni Mr. Enrico, ang pangalan ng nanay ni Andrew ay Isa Inigo. Walang nakasulat kung saan siya nakatira o ano. Kaya may kinausap ako sa opisina para ipahanap siya. Binigay ko sa kanila lahat ang mga impormasyon niya na meron sa atin. At yun, mayroong dalawang Isa Inigo kaming nakita. Ang isa nandito lang sa Manila. Ang isa naman ay nasa Cagayan," mahaba nitong sabi sabay inom ng orange juice.
Tumingin muna ako saglit sa kanya, "Ganoon ba? Puntahan muna natin kung ganun yung Isa Inigo na nandito sa Manila." Inubos ko ang kape ko bago sumagot si Ms. Pablo.
Medyo malungkot ang mga mata niya, "Patay na yung Isa Inigo na nandito sa Manila."
Natahimik ako. Di ko yun inasahan. Napahinto naman si Pedro sa pagtapos ng pagkain niya. Halatang kanina pa siya nakikinig.
"Kung ganun, Sir," si Pedro naman ang nagsalita, "Pupunta ba tayo ng Cagayan?"
"Parang ganun na nga," sagot ko sabay tayo mula sa pagkakaupo ko, "Taas muna ako sa kwarto ko. Kukunin ko lang ang phone ko."
Sa totoo lang, hindi naman yun ang rason ko. For some reason, gusto ko lang muna huminga. Huminga dahil baka makikita ko na ang nanay ni Andrew. Ano nga ba ang sasabihin ko pag nagkita na kami? Sasang-ayon ba siyang makita ang sanggol na iniwan niya sa orphanage? Malapit ng bumaba ang elevator ng may mapansin akong babaeng nakatayo malapit sa entrance ng hotel. Black overall coat ang suot niya at may malaki siyang sombrero na nakatakip sa taas na bahagi ng mukha niya. Mukang kanina pa niya ako pasimpleng pinagmamasdan base na rin sa galaw ng mukha niya. Lalapitan ko na sana ng biglang nagbukas ang elevator door kaya't nakuha nito ang atensyon ko. Paglingon ko para tignan ang babaeng iyon, wala na ito. Naalala ko tuloy noong unang araw ko dito kung saan binigay sa akin ng hotel officer ang isang note mula sa di kilalang babaeng nakaitim. Kung nagkataon, siya kaya iyon?
BINABASA MO ANG
10 Days with Ms. Preggy [Completed]
Non-Fiction"Mas pipiliin kong magpalaki ng mga aso kaysa magpalaki ng sanggol na ang alam lang gawin ay umiyak, kumain, tumae at sirain ang buhay mo." Ito ang mga salitang lumabas sa bunganga ni Marcus ng makasabay sa elevator ang buntis na si Annie. Ngunit di...