(Renz <3 Caren)
Author: Love makes you happy nga naman , Pero sa kabila ng lahat ay isang matinding kalungkutan Paano nga kung talagang tuluyan na siyang mawala At nagsisisi kang sana matagal mo ng sinabi ang nararamdaman mo
Story of Renz Tulad ng dati tatambay nanaman dito sa labas ng bahay malapit sa bahay nina Caren, hahawak sa cellphone kunwari may tinetext yun pala sound trip lang...
Malapit na graduation mag cocollege na ako, malapit na akong maging engineer yes
Habang nakaupo ako, lumapit sa akin si Caren
Caren: Uy aalis na ako
Renz: Samahan kita?
Caren: Renz punta ako ng ibang bansa dun ako mag cocollege ,..
Renz: Eh di umalis ka
Caren: Ano ka ba naman Renz
Di ko bestfriend si Caren classmate lang, kapitbahay at wala lang, pero nagsasabihan kami ng problema
Caren; Seryoso ka di mo ba ako pipigilan?
Renz: Wow bakit naman kita pipigilan
Caren: Ummm Renz mahal kita...
Nagulat ako nung sinabi niya yun ang masasabi ko lang talaga
Renz: Ano ??
Caren: Sabi ko bingi ka..
Renz: Hindi nga ano nga yun
Caren: Mahal kita Renz.
Pagtapos ko siya tingnan sa mata, naisipan kong mag walk out...
Bakit ba ano bang pumasok sa isip ko't nag walk out ako??
Nung lumingon ako para puntahan sana siya
Nakita ko siyang papasok sa gate, umiiyak..
Parang mali nga talagang nag walk out ako sana nag isip ako muna ako bago ko gawin yun
Ang ayaw ko pa naman ay may sinasaktan
Mahal ko rin naman siya
Ako lang talaga ang tanga dahil sa ayaw kong masaktan
Kinabukasan
Graduation na...
Pagtapos kong makuha ang diploma... Niyakap ko ang kuya ko dahil sa kanya nakapagtapos ako.
Renz: Kuya Salamat kuya!!! (Mangiyakngiyak ako sa balikat ni kuya niyon)
Kuya Simon: Bro I'm so proud of you
Renz: Salamat talaga..
Kuya Simon: Hanapin mo na si Caren magconfess ka na sa kanya dali
Renz: Kuya...
Kuya Simon: Oo ayun siya o
Nakita ko si Caren niyayakap lahat ng mga kaibigan niya, Npag-isip isip ko din na lumapit ...
Mga Tropa ko: Dre!!! Mamimiss kita Renz
Renz: Ahahaha ako din mamimiss ko kayo!!
Rupert: Renz lapitan mo na si Caren
Renz: Oo lalpitan ko na nga ehh
Eto na handa na akong lapitan siya , nung malapit na ako sa kanya , Lumingon siya at tumingin sa akin,
Nagulat na lang ako nung bigla niya akong niyakap
Caren: Congrats, I wish you that you will find your true love someday