Simula

18 1 3
                                    

SIMULA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SIMULA


Sabi nila, ang pag-ibig ay parang isang ulan‚ hindi mo malalaman kung kailan darating, saan bubuhos, at gaano kalakas ang mga patak nito. Ang weird ng love‚ noh? Biglaan ito kung dumating at kung darating man‚ ay bubuhos pa sa oras na hindi mo inaasahan.


Ano nga ba ang pag-ibig?


Kapag ba may sinabihan kang I love you? O kapag ba nakaramdam ka ng kakaibang saya o excitement mula sa isang tao?


Hindi ko alam. Never pa naman akong na-inlove kaya wala akong alam sa usapang 'pag-ibig' na 'yan. At wala rin naman akong balak subukan. I can't imagine myself loving someone I barely know.


Pero..


Hindi ko inaakalang nakaharap ako ngayon sa isang notebook. Umuulan sa labas na tila'y nakikisabay sa aking nararamdaman. Sa lakas nito ay halos hindi ko na marinig ang buong paligid ko. Nasa kwarto ako ngayon at tanging lampara lang ang nag-sisilbing ilaw ko. Hindi ko na kasi kaya 'tong ipagpabukas pa. Dahil kung bukas ko pa 'to gagawin ay alam ko sa sarili ko na hindi ko na kailanman pa magagawa ito sa tana ng aking buhay. Ika nga nila‚ "it's now or never". Gusto ko at kailangan ko itong gawin dahil hindi ako makakatulog ngayong gabi kung hindi ko man lang ito magagawa.


Binuklat ko ang notebook na nasa harapan ko at pumilas ng isa do'n. Kinuha ko ang bukas na ballpen na nasa gilid ng lamesa at itinapat ito sa papel. Huminga ako ng malalim. Ito na 'yun.



"Dear my Someone‚

Una sa lahat at hindi sa huli, sumulat ako ngayon dahil may ballpen at papel ako. Hindi kita gaanong kilala‚ pero nagustuhan na kita. I like the way you smile. I like hearing your voice. Oo‚ alam kong ang corny kong pakinggan o ano pa 'yan. Pero hindi ko na kasi kaya. Hindi ko na kasi kaya pang makita kang mahulog sa iba. Hindi ako sigurado sa nararamdaman mo‚ pero kung ano mang tinitibok niyan ay tatanggapin ko. Ang hirap pa lang makita kang masaya sa iba. Nakakairita! Pero hindi ko ito aaminin ng harapan sa'yo. Mamamatay muna ako bago 'ko 'to masasabi ng personal kaya idadaan ko na lang ito sa pagsusulat ng liham para sa'yo.

Hindi man ako si superman‚ pero kaya kitang saluhin kapag nahulog ka sa'kin. Hindi man ako kasing-ganda ni Pia Wurtzbach pero kaya kitang alagaan‚ with a heart. Sabi nga rin sa kanta ni Tootsie Guevarra,"Bakit ba ganito ang nararamdaman ng puso ko?" Same, Tootsie. Same. This feeling ain't familiar anymore. This is not the way it used to be. I felt some kind of relief and frightening, yet somewhat bizarre!

Wala akong alam sa ganito, sa totoo lang. Pero iisa lang ang alam ko ngayon—ito ang unang pag-buhos ng malakas na ulan sa buhay ko. Alam kong hindi mo naiintindihan ang ibig kong sabihin pero sana maintindihan mo. Hindi ko naman inaakalang bubuhos ito sa oras na 'yun. Oo. Gusto kita. Gustong-gusto kita. Ang cheesy ko pero ito talaga ang nararamdaman ko para sa'yo. Mas mataas pa nga sa height mo itong nararamdaman ko, e—siguro. Ilang beses kong din-eny ang nararamdaman ko sa'yo. Pero hindi talaga‚ e. Ramdam na ramdam ko at hindi ako makatulog ng maayos kakaisip rito. Pero ito na nga.

I like you, my someone. Kung sa tagalog pa, gusto kita.

Nagmamahal
No one.




I signed my name, or rather, my pen name—"No one." It felt so weird and so right at the same time. I can't believe I just wrote a love letter. To someone I barely know. But this is me, pouring my heart into something I can't even say out loud. The words I never thought I'd say. It's so cheesy! So embarrassing, but it's the truth! Ugh!


I placed the pen down beside the notebook, and for a moment, I just stared at what I had written. My heart was racing, my face burning in embarrassment. Should I give this to him? Or should I just keep it to myself?


I don't know. Tomorrow will be another day, and maybe it will be a new beginning. But it's up to him now. To my someone.


Someone, I've said everything I needed to say. And now, all I can do is wait. But I know one thing for sure: I won't forget how you made me feel, even if you never get to read this letter.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 10 hours ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LUNOMBRA: Year 2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon