Plagiarism is DANGEROUS! (One Shot)

483 32 23
                                    

If you plagiarize my story,

I will haunt you

Visit you

And

Kill you

BRUTALLY!

 --------------------------------------

Masaya gumawa ng storya dito sa wattpad lalo na't maraming readers , comment at vote. Isa ako sa pinaka kilalang author dito sa wattpad. Hanggang sa dumating ang isang araw ..

Nabasa ko , nakita ko sa message ..

"MAY NAGPLAGIARIZE PO NUNG STORY NIYO, ITO PO YUNG LINK, ITO RIN PO YUNG INFORMATION TUNGKOL SA KANYA" – Sabi nang number one fan ko raw. Pasalamat ako at lahat ng information ay nandito.

Hindi pa nakuntento ang nag plagiarize ng story ko at ..

"BOO ! PINLAGRIAZE NYO LANG PALA YUNG STORY DUN SA ISANG AUTHOR" Sabi nung isang reader. Kumirot bigla ang puso ko. Nanghihina ako, di ako makagalaw sa sunod sunod na comment ng mga readers ko.

Kinlick ko yung link na binigay sa akin nung fan ko. Grabe at nakuha pang manira. Magaling siguro siya sa computer at ikinagulat ko na nabago niya ang date kung kalian ko ginawa ang storya .Hindi na siya nahiya, napakasama niya. Feeling ko , nanakaw lahat ng pinaghirapan ko, PINAGPAGURAN.

Tinignan ko yung isang link na naglalaman ng information sa nag plagiarize. Araw araw akong umiiyak, walang gana at medyo hindi na nag uupdate. Sinabi ko na rin sa isang update ko na hindi ko iyon pinlagiarize o kinopya.

Hanggang isang araw .. Hindi ko kinaya na kutyain at lahat ng storya ko ay naplagiarize na niya. Siguro'y masaya na siya. Hindi ko na kinaya at nagpatiwakal ako. Bago ako nagpatiwakal ay isa lang ang sumpang sinabi ko.

"ISINUSUMPA KO ! LAHAT NG KUMOKOPYA NG STORYA AY MAGBABAYAD ! LALO NA ANG NANIRA AT KUMOPYA NG MGA STORYA KO!!"  Agad akong tumalon sa napakataas na building.

Ngayon , MAGHANDA na ang manggagaya !

Nakita ko siya, nakangiti at patalon talon pa tuwing nakikita niya na tumataas lalo ang view, vote at comments. Masaya rin siya nung malaman na nagpakamatay ako. Hindi niya alam ..

NAGHAHANDA NA AKO !

Gabi na at parang lumalakas ang pwersa ko. Nakakaya kong humawak ng bagay at pagbabayarin siya sa ginawa niya. Ang kapalit ng pangongopya niya ay BRUTAL na pagkamatay. Pahihirapan at magmakaawa na wakasan na ang buhay niya.

"MABUTI NGA SAYO, MABUTI NAMAN AT NAGPAKAMATAY KA HAHAHA" pabulong man ay rinig ko parin ang winika niya . Galit na galit na ako kaya ..

Pumasok na ako sa kwarto niya. Natanaw niya ako sa bintana at halatang natakot siya. Sa mukha ko naman na naagnas at nanlilisik ang mga mata sa kanya'y sino pa ang hindi matatakot. Nilapitan ko siya at bigla siyang nahimatay.

Tila umaayon sa akin ang tadhana. Agad ko siyang dinala sa iasng madilim na abandonadong lugar. Kahit anong sigaw niya'y siguradong hindi siya maririnig.

"NASAAN AKO?" Tanong niya. Nagising napala siya.

"DADALHIN KITA PATUNGONG IMPYERNO HAHAHAHA" Nagulat ulit siya at nag sisigaw

"MAAWA KA PLEASE MAAWA KA!" Pagmamakaawa niya sa akin ngunit hinding hindi ko siya mapapatawad.

"PAANO NAMAN AKO MAAWA SAYO? EH NAAWA KABA SA AKIN? KAHIT PATAY NA AKO'Y NAGPAPASALAMAT KA PA" Sabi ko sa kanya at sinumulan ko na ang gagawin ko.

Plagiarism is DANGEROUS! (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon