CHAPTER 2

1 1 0
                                    

Princess Amirah was happy when she saw the banana vendor. Kumaway ito sa kanya kaya tumakbo sya patungo ruon.

"Amirah!ikaw pala bakit ngayon ka lang ulit nagpakita saakin?"masayang saad nito na syang kinahagikgik ng prinsesa.

Hindi nito alam na isa sya sa mga prinsesa ng lasarus kaya panatag ang kalooban nya. Ang tanging mga katulong lamang ang nakakaalam sa buong pagkatao nya.

"Wow!pabili ho ako ng bananaque at chips! Gusto ko ulit tikman ang gawa nyo po"masayang saad nito na syang kinatuwa ng lalaki.

"Ama!" Napalingon silang dalawa nang may batang lalaki ang tumatakbo patungo sa  kinaruruunan nila.

Madumi ang kasuotan nito ngunit mababakasan mo na parang may lahi ito.

Tumingin ito sa pwesto nya at nanlaki ang singkit na mata.

"H-hi"bati nito sakanya ngunit agad din naman nagtago sa likuran nang ama.

"Anak ipapakilala ko sayo ang tinutukoy ko na magandang batang nakilala ko! Sya si Amirah mukha syang prinsesa hindi ba?"  Pagpapakilala sa kanya nang matandang lalaki sa anak nito.

Tumingin ito sa kanya "Amirah ito pala ang anak kung si Gunnar. Mahiyain ito pero alam kung magkakasundo kayo"

Ngumiti sya nang sumilip ang batang si gunnar sa kanya kaya kumaway sya dito. "Hi gunnar ako pala si amirah pwede tayo maging friends if you want"nakangiting saad nya dito.

"Hello din ako si gunnar. Bibili ka ba ng bananaque sa papa ko?"napangiti sya dahil dito.

"Oo naman! Masarap kasi ang bananaque nyo eh"

"Ganon ba?edi lagi ka nang bumili dito kung ganon at pwede din tayo maglaro araw araw"masayang saad ni gunnar na biglang nawala ang pagkamahiyain.

"Talaga?"masiglang saad ni amirah kaya napatango ang batang si gunnar.

"Ama pwede po ba kami maglaro doon sa may sapa?"inosenteng tanong nito sa ama.

"Basta't huwag kayong masyadong lumayo sa may sapa okay ba yun?". Tumango silang pareho.

Agad nilang kinuha ang ibinigay na pagkain sa kanila ni Mang Gunnor.

Habang palayo sila sa ama ni gunnar ay agad syang kumain ng bananaque na binili nya sa matanda.

"Matagal kana bang bumibili kay ama?"inosenteng saad ni gunnar na syang kinatango ni amirah. Pansin nyang mas matanda sya ng ilang taon kay gunnar kaya tinanong nya ito.

"Ilang taon kana ba Gunnar?"she asked him with her mild voice.

Ipinakita nito ang limang daliri kaya naunawaan nya agad.

"Mas matanda pala ako sayo ng apat na taon. Ako kasi siyam na"

Tumingin sa kanya si gunnar at parang nagtataka. "Ilan ba ang siyam?"

"Ganito". Pinahawak nya dito ang bananaque at agad niyang ipinakita ang siyam na daliri.

"Ganon pala ang siyam. Turuan mo pa ako ng ibang numero amirah" natutuwang saad ni gunnar.

"Pero dapat tawagin mo akong ate kasi mas matanda ako sayo"

"Kailangan ba yun?eh hindi naman tayo magkapatid"

"Kahit hindi tayo magkapatid dapat tumatawag ka padin ate sa mas nakakatanda sayo. Sabi kasi ni Friend Gia dapat daw maging magalang"

"Ganon ba?sige ate amirah". Ngumiti ito kaya kita ang sirang ngipin. "Halika ate amirah may ipapakita ako sayo"hinawakan nito ang kamay nya at pumunta sila sa tinutukoy nito.

 AMIRAHWhere stories live. Discover now