Chapter 7- ang balot...bow

31 0 0
                                    

sa totoo lang po...pagkatapos kong basahin muli ang story na ito...napag-isip ko kung love story ba ito o storya ng ka-clumsihan ni Levin...

hahaha peace tayo BUDDY...hahaha

sana muli po kayong mapasaya ng chapter na ito...

--------------------------

"Teacher Levin! Ayaw ko na po...can we continue this tomorrow?? please??"

kasalukuyan ako ngayong nasa bahay ni Mr. Cruz para syempre mag-tutor...

"Ok. Basta bukas tatapusin natin yan, ok??"

"Yehey!! thank you, teacher Levin!! Tito Dave!!! Tito Dave!!! Tapos na po kame ni teacher Levin!!  We can go out na po with her!!!"

napadako ang tingin ko kay Dave...

aba...mukang kinontsaba pa ang bata ah...

mas pinili ko nga pala si sir Bryan na samahan kesa sa kanya nung isang araw...

medyo nailang ako nung magtama yung mga mata namin...sa totoo lang kanina pa ako naiilang dahil pakiramdam ko kanina pa sya nakatitig sakin...

"Teacher Levin.., lets go out with tito Dave, please??"

"Sige na teacher Levin...sama ka na samin..." epal to...nagboses bata pa at nagpa-cute pa...buti na lang cute talaga sya...

"hmmm...sige na nga...san ba tayo pupunta??" pumayag na ako..nakonsensya ako na tinaggihan ko sya nung isang beses kahit sya naman ung unang nag-aya sakin.

"Sa Park po!!! yung maraming rides!!"

"Eh? Gabi na eh..mag-MOA na lang tayo...may rides na rin naman dun diba?" suggestion ko

"Ok. MOA...lets go?" aya ni Dave tapos binuhat na nya si Maxenne.

excited na excited si Maxenne...ako din... at least kahit papano makakapag release din ng stress...di na ata ako masyadong nakakapag-gala ah...

sumunod na ako sa kanilang dalawa...

sa may likod ako sumakay...

"Hey...si maxenne dyan...dito ka sa tabi ko..."nag-smile sya tapos kinindatan ako..

aba't...talagang....pacute ah...

lumipat na ako ng pwesto sa harap ayaw ko ng makipagtalo...

.........

"So..."

nagulat ako ng biglang magsalita si Dave sa tabi ko...sinakay namin si Maxenne sa carousel...

"hmm?"

"Di mo ko sinipot sa date dapat natin..." sumandal sa bakod ng carousel tapos ipinatong nya yung magkabilang siko nya dun...

"Date ka dyan..."

tumawa sya...

"I'm serious... I was really asking you out that night...kaso di mo naman ako sinipot..."

nilingon ko sya...

"Ahmm..kasi, sinama ako ni Mr. Cruz, which is ang kuya mo sa isang business meeting...ayun...saka eto na oh, di pa ba ako bawi sayo nito??" paliwanag ko

"Hmmm...hindi pa...kung hindi ko pa kinontsaba si Maxenne baka hindi ka pa papayag eh..."

"Grabe ka! sabi na nga ba...ginamit mo pa yang pamangkin mo ha!" pinalo ko sya sa braso

"Aww...nakakailan ka na ha! bigla bigla ka na lang nanakit..." hawak hawak nya yung braso nya tapos nakasmile sya...

"ewan ko sayo..." tapos inirapan ko sya...

Clumsy in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon