Chapter 61: Important Patient

320 9 3
                                    

"Daddy, thank you for granting my wish."

Napatingin kaagad si Kaiden sa anak nito matapos marinig ang inusal nito. Abala sila sa pag-kain ng kanilang dinner, silang dalawa lang ang magkasabay dahil wala pa ang ina nito. Mayamaya siguro ay darating na rin iyon galing sa trabaho.

Nakaupo si Zach sa medyo may kataasang upuan na pangbata, sa gilid nito ay may nakaalalay na yaya. Hindi pa ito ganon karunong kumain ng mag-isa kaya inaalalayan nila ito. Makalat ito sa pagkain kapag hinahayaan lang, minsan pa nga ay nilalaro ang pagkain o hindi kaya naman ay tinatapon.

"What wish?" Nakakunot noo na tanong ni Kaiden.

Hindi kaagad siya nasagot ni Zach dahil abala siya sa pagnguya sa pagkain na kakasubo sa kaniya ng kanyang yaya. Halos maningkit ang kaniyang mata sa gulat. Wala siyang ideya kung ano ang wish na sinasabi ni Zach na tinupad nito. Lahat naman kasi ng gusto ng kaniyang anak ay hindi siya nagdadalawang-isip na ibigay. Mapamateryal man ito na bagay o hindi.

"Mommy!"

Sa tulong ng yaya ni Zach ay nakababa ito sa kaniyang kinauupuan upang salubungin ang bagong dating na ina. Kung gaano kasabik si Zach kay Kaiden ay ganoon rin sa Mommy nito. Kaagad siyang nagpabuhat at pinaulanan ng halik sa pisngi ang ina. Laking tuwa pa ni Zach nang may matanggap siyang pasalubong galing sa ina.

Napahilot si Kaiden sa sentido nang mapansin na chocolate ang natanggap niyang pasalubong sa ina. Paparoon na sa gawi niya ang mag-ina. Iyong yaya ni Zach ay kinuha iyong dala-dalang gamit ng ina at inihatid ito sa kwarto nilang mag-asawa.

"Daddy, look, Mommy gave me a lot of chocolates." Masiglang usal ni Zach at iwinawagayway niya pa sa ere iyong paperbag ng chocolate na kaniyang natanggap. Sa tuwa ay nakatanggap siya ng mapanggigil na halik sa ina saka siya nito inupo pabalik sa kaniyang pwesto kanina.

"Ang aga mo yatang umuwi, Daddy." Ani ng babae saka humalik sa pisngi ni Kaiden saka ito naupo sa tapat nito.

"How many times do I have to tell you na huwag mong bibigyan ng chocolates si Zach?" Prangka nito sa babae pagkaupo. Pinag-taasan lamang siya nito ng kilay sa inasta niya.

"Daddy, kahit minsan naman pagbigyan natin 'yang anak natin na makatikim ng matatamis especially, chocolates. Bata iyang anak natin, normal sa kanila ang mabaliw sa matatamis." Depensa nito ay kumuha ng kanin saka nito inilagay sa kaniyang plato pagkatapos ay naglagay rin siya ng ulam.

"You don't understand me." Asik ni Kaiden, pilit binababa ang boses. Ayaw niyang makita ni Zach na nag-aaway silang dalawa sa harapan nito.

"I am, Kaiden. Doktor rin ako. Kung iniisip mo na wala akong pakialam kay Zach, mayron. I want him to live normal just like other kids. Masyado ka kasing mahigpit diyan sa anak natin e."

Napa-tsk si Kaiden sa natanggap niyang sagot mula sa babae. Pakiramdam niya nawalan na siya ng ganang kumain kahit kanina ay halos mahimatay na siya sa gutom. Hindi iyon ang unang pagkakataon na nagtalo sila tungkol sa pagkain ni Zach ng matatamis.   Kapag ganon na pinapasalubong ng babae ang kanilang anak ng chocolates, kasunod noon ay ang pagtatalo nila.

"I'm not. I'm just concern to his health. Hindi paghihigpit iyon kundi pang-iiwas sa sakit 'yon. Bakit parang ako lang ang may pakialam sa kalusugan ng anak natin?"

"C'mon, Kaiden, parehas tayong doktor, kabaliwan 'yang sinasabi mo kapag kumain ka ng matamis kahit isang beses lang ay magkakasakit na. Psh! Saang sulok ng medical school mo naman 'yan narinig." Nagpakawala ng tawa si Mia saka sumubo ng kanin.

"Are you guys fighting?" Parehas silang natauhan nang magsalita ang kanilang anak. Nagpalipat-lipat ito ng tingin sa kanilang dalawa. Mukhang napansin ang matalim ng pagtitinginan nila sa isa't isa, kasama na rin iyong tono ng kanilang mga boses.

HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon