"Mygosh, Jennifer! So, nagkabalikan na kayo?!" Tiling sabi ni Charlene. Pagkatapos kong ikwento lahat sakaniya sa pagitan namin ni Sir Rodny nung nag date kami.
"Hindi naman naging kami dati," nakangiwing sabi ko.
" Ahh oo nga pala, lagyan mo na nang label." Nakangising sabi niya.
" Hindi pa ako ready 'noh," nakaiwas na tingin ko sakaniya.
" Aysus, huwag mo na yan patagalin baka i-ghost ka nanaman. Tingnan mo ako wala pang isang buwan nanligaw sinagot ko na tapos ngayon 5 years na kami," Natatawang sabi niya.
" Kailan mo ba ipapakilala saakin yan?" Nakataas ang isang kilay ko na tanong sakaniya. Never niya pang ipinakilala saakin ang boyfriend niya, nung nag second year lang pinaalam niya saakin pero hindi pinakilala.
"Soon," Natatawang sabi niya. Ganoon lagi ang sinasabi niya kapag tinatanong ko ang boyfriend niya, ayoko naman siya pangunahan dahil desisyon niya pa rin naman 'yun kung kailan niya ipakilala saakin bf niya.
Pagkatapos ng lunch namin ay kaagad na din kami nag ayos ng sarili namin para sa 1st subject ng hapon.
Ilang days nalang kami dito sa UNHS bilang practice teaching at nalulungkot yung mga studyante namin dahil nga aalis na kami, well mami-miss ko din naman sila ang dami din namin memories sa isang buwan na pagtutuuro ko sakanila.
Pagkatapos nung nag date kami ni Sir Rodny ay hindi niya na ako tinantanan na ayain para makapag date kami halos araw arawin na namin yung pag de-date, kahit pagod kaming pareho ay lumalabas pa din kami at siyempre nawawala yung pagod ko kapag kasama ko na siya.
"Maam ma mimiss ka po namin," Naiiyak na sabi ng studyante ko. Ngayon na ang last day naming mga practice teaching dito sa UNHS.
"Kayo din ma mimiss ko din naman kayo 'noh! Hali nga kayo at mag picture na tayo!" Nakangiting sabi ko sakanila para mabawasan naman ang lungkot nila.
Kaagad naman sila nag ayos para makapag picture na kami, lahat ay kompleto sila dahil sinabi ko sakanila para may picture naman kami pag aalis na kami dito.
Pagkatapos ng dramahan namin ay nagsi ayos na sila dahil meron pa silang susunod na subject. Nang maghapon ay nag aaya nanaman si Sir Rodny na lumabas kami, siyempre hindi ko naman siya ma hindi-an. Mahal ko na eh, hindi naman nagbago yung nararamdaman ko.
"Saan nanaman tayo pupunta niyan?" Tanong ko kay Sir Rodny. Nagbyabyahe na kami at hindi ko alam kung saan kami pupunta.
"Can we visit my b-brother?" Natigilan naman ako sa tanong niya.
"Kaya mo na ba ulit?" Nag aalangan ko ding tanong.
" Kakayanin." Sabi niya at saglit ako binalingan ng tingin bago niya ibalik sa daan yung paningin niya.
Naging tahimik na din kami pagkatapos niyon, pasimple kong tiningnan si Sir Rodny at kita ko na malungkot nanaman siya kaya hindi na lamang ako kumibo at naging tahimik na lang.
Bago kami pumunta sa Cemetery ay bumili muna kami ng bulaklak para sa kapatid niya. Pagkatapos naming bumili ay dumiretso na kami sa sementaryo. Pagkababa namin ng sasakyan ay hinawakan ko siya sa kaniyang kamay nakinagulat niya pa.
"You can do it, baby." Bulong ko kaya napaawang ang labi niya. Ilang saglit lang yun at hinalikan niya ako s aking noo, at dumiretso na kami sa puntod ng kaniyang kapatid.
YOU ARE READING
Loving You From Afar | Completed
Romance(Loving Series #1) Jenn, thoughts that she never been fall inlove with someone but looking with Rod, who was a serious person he met Jenn by gotten his attention. They believe in the saying that the right person is the wrong time and for them, they...