Part 1

269 28 49
                                    

PABLO'S POV

"Hoy Stell tagay mo na." Tawag ko dito habang nagsasalin ng alak sa baso.

Nakatambay kasi kami ngayon sa rooftop ng condo nya. Wala namang okasyin at napagtripan lang naming dalawang uminom, dapat kasi ay kasama namin yung tatlo naming kaibigan ngunit mga busy sila sa kanya kanya nilang ganap (SB19).

 Wala namang okasyin at napagtripan lang naming dalawang uminom, dapat kasi ay kasama namin yung tatlo naming kaibigan ngunit mga busy sila sa kanya kanya nilang ganap (SB19)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Di pa naman kami ganon kalasing pero nakakaramdam na ko nang pagtama ng alak.

Sinong di tatamaan eh dalawa lang naman kaming halinhinang tumatagay.

"Hoy Stell ano ba." Muling tawag ko dito pero di manlang ako nilingun nito.

"Problema non?" Bulong ko.

Kinuha ko yung bote ng alak pati na rin yung basong sinalinan ko ng alak kanina at saka ako lumapit kay Stell. Naabutan ko pa itong nagpipigil nang tawa habang b'sing-busy na nagbabasa ng kung ano sa phone nito.

"Ano ako na lang mag iinom mag-isa? Umuwi na lang sana pala ako at natulog." Reklamo ko sa kanya nang tabihan ko ito, nakaupo kami sa edge ng rooftop deck.

"Sorry naman, natatawa lang naman ako sa binabasa ko eh.~~~ ako na ba?" Ani nito na kinuha sakin yung baso.

"Ay hindi, si Naya pa." Irap kong sabi. He giggled and shook his head.

"Taray naman. Kuhang kuha mo yung character mo sa binabasa ko." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Stell. Di ko akalaing nagbabasa sya ng mga AU's na ginagawa ng A'TIN.

"Sira ulo. Bat nagbabasa ka ng ganyan? Puro kalukohan lang naman yan ey." Napapailing na tinungga ko yung bote ng alak.

"Hehe, di ko din alam eh. Basta nakita ko lang to tapos na-curious lang ako kaya binasa ko."

"Kanino namang kwento yang binabasa mo?" Takte, pati yuloy ako na-curious na din.

"StellJun. Kaso bottom ako kainis." Reklamo nito at saka inagaw yung bote ng alak na hawak ko saka sya tumunga don.

Natawa naman ako kasi masmalaki ang katawan sakin ni Stell pero bottom ko sya.

Tangina, pano nya nalamang bottom sya? Ibigsabihin...?

"Hoy makatingin naman to wagas... Di ko binasa yung part na may chukchakan noh." Depensa nito nang titigan ko ito ng masama.

Umirap ako kay Stell at saka kinuha yung alak na hawak nya at ako naman ang tumungga non.

"Aaaaahhhhh." Halos mabulunan ako sa ginawang pagsigaw ni Stell, may paturo pa ito sa akin habang sumisigaw.

"Gago ka Stell, ano bang problema mo." Inis na sabi ko.

"Bakit tinungga mo?" OA na sabi nito na may paghampas pa sa balikat ko.

"Ano naman? Wala kong virus noh."

SWITCH (StellJun AU)Where stories live. Discover now