01

1 0 0
                                    

Third Person's POV

Naglalakad ang isang babae sa bagong aralan kung saan siya lilipat.

Lanford High

Kung saan nag-aaral din ang pinsan niyang di niya kasundo.

Hinanap niya agad ang section niya kung saan nasa pinakadulong bahagi ng 2nd floor ito makikita.

Section D.

Yan ang pangalan ng section niya.

Kumatok siya sa pinto at bumukas naman ito at bumungad ang isang lalaki na nasa mga 25-30+.

"Ikaw ba ang bagong student?" Tanong ng lalaki.

"Opo" sagot naman ng babae.

"Sige pasok kana at magpakilala ka na din sa magiging kaklase mo" sagot namang nung lalaki.

Pumasok naman ang babae at nagulat ng makitang puro mga lalaki ang nasa classroom kahit ni isang babae wala.

"Everyone, we have a new student, she will be your classmate for the rest of the year" sabi naman ng lalaki na teacher pala nila.

"Shaniah Jayden, 17 years old" pakilala naman ng babae.

Shaniah's POV

'Jayden?'

'Kaano-ano niya yung demonyo nayun?'

'Umalis ka dito miss, ayaw namin ang mga kagayong mong Jayden dito'

'Di ka bagay dito'

"Kung may galit kayo sa isang Jayden wag niyo akong idadamay dahil wala akong pake sakanila kahit pa patayin niyo sila" mapait kong sabi sakanila at agad umupo sa isang bakanteng upuan na nasa tapat ng bintana.

Third Person's POV

Nagkatinginan naman ang mga lalaki at parang bang nag-uusap sila sa kanilang mga isipan.

Natapos ang klase ng matiwasay at walang kibuan ang nagaganap pero paglabas ni Shaniah ay agad nagsilapit ang mga lalaki sa presidente ng kanilang section at agad silang nag-usap.

"Anong gagawin natin Andrew?" Tanong ng isang lalaki.

"Of course, what we always do is to play with girls like so that she moves to another section or even another school" sabi naman ni Andrew.

"And she's a Jayden so we need to do everything to drive her away from here, Cee-jay, Javid, at Calix, sit near her tomorrow and befriend her" sabi naman ng isa pang lalaki, Ang bestfriend ni Andrew Collins na si Sasuke Fujioka.

Kahit na ayaw ni Cee-jay tsaka Javid sundin ang utos nina Andrew at Sasuke ay wala silang magagawa dahil narin sa connections ng dalawa at dahil narin sa malaking utang na loob nila kay Andrew.

Lumabas na sila ng classroom at naglakad papuntang canteen ng mamataan nila si Shaniah na kaharap si Sander Jayden at mukhang nagtatalog ang dalawa kaya agad silang lumapit ng konti para marinig ang pinag-tatalunan ng dalawa.

"How long will you be like that? How many times do I have to tell you to stop being a belligerent and to fix yourself!" galit na sigaw ni Sander sa pinsan na walang ibang ginawa kundi ang gayahin ang sinasabi ng pinsan na para bang pang-ilan na niyang naririnig ito kaya alam na alam niya ang susunod na sasabihin.

"And can you stop mimicking me! It's not funny, atsaka isa pa pang-ilang school mo na to na nilipatan ha? Palagi ka nalang napapa-away, papauwi na si Kuya Sandro dito sa pinas kaya kung ayaw mong malaman niya ang mga kalokohan mo. Oh, malalaman din niya pala dahil may contact ang mga dati mong school kay kuya kaya wala ka ding magagawa kundi magdasal nalang" galit na sabi ni Sander.

"Ano naming paki ko kung uuwi na siya? May magagawa ba siya sa nangyari saakin ha? May ginawa ba siya sa mga taong nanakit saakin? Di ba wala? Kaya wag niyong papakialaman ang buhay ko dahil hindi ko naman kayo kaano-ano" sabi ni Shaniah kay Sander na mas lalong nagpainit ng ulo nito.

"Did I hear it right? Paki-uli nga ang sinabi mo Shaniah" sabi naman ng isang panibagong boses na kilalang-kilala ng mga iilan sa kanila.

"K-Kuya" gulat na sabi ng dalawa.

"I said repeat what you said Shaniah" Sabi ni Sandro sa pinsan.

"I said what I said and hindi ko na yun uulitin, pabayaan niyo na ako pinalayas niyo na ako diba, kaya wala na kayong karapatan na diktahan ang buhay ko" galit na sabi ni Shaniah sa kanila.

'Woah, nasasagot lang niya ng ganyan si Sandro eh kami nga takot na takot sakanya' bulong ni Andrew.

"Really? Kung yan ang gusto mo, simula ngayon tinatakwil na kita wag na wag ka nang magpapakita saamin kahit kailan at kung humingi ka man ng tulong hindi ka namin tutulungan, pinili mo yan kaya panindigan mo, Sander let's go pabayaan mo na yan" Malamig na sabi ni Sandro at agad tumalikod at umalis kasunod ang kapatid na si Sander at iniwan si Shaniah na lumuluha na agad nitong pinahid.

"Di niyo kasi ako naiintindihan kaya ganyan kayo pwes mula ngayon wala na kayong pinsan" puno ng pait at hinanakit na sabi ni Shaniah at agad umalis doon.

"Bro ang lalim pala talaga ng away nilang magpipinsan, ngayon itinakwil na siya, do we really need to do the plan? mas lalo lang siyang mahihirapan at masasaktan" sabi ni Javid kay Andrew.

"Oo nga tsaka isa pa di naman niya kasalanan na napunta siya sa section natin eh" sabi ni Cee-jay habang binubuksan ang lollipop na nahanap niya sa bag.

"Tuloy ang plano, tignan natin kung hanggang saan ang kaya niya" sabi ni Andrew at naglakad paalis kasunod si Sasuke.

Nagkatinginan naman ang tatlo at agad napabusangot.

Naglakad papuntang office si Shaniah para asikasuhin ang papeles niya at para mapalitan narin ang pangalan niya.

Kumatok siya sa pinto ng registrar bago pumasok.

"Good noon po, I just want to talk to you po about my records po" agarang sabi ni Shaniah dito.

"Ah yes miss?" tanong ng registrar.

"Shaniah po, new student" pakilala ni Shaniah.

"Shaniah Jayden? What can I do for you?" tanong ng registrar.

"I want to change my name po, ipo-process ko po ito bukas para maging legal na yung change name ko" sabi ni Shaniah.

"Why would that be miss Shaniah?" tanong nito.

"Tinakwil na po ako ng pamilya ko kaya papalitan ko na din ang pangalan ko ng bago para di na ako ma-associate sakanila" sagot ni Shaniah dito.

"Well then, fill up this form and pass it to me after you are done and then we will update your records here in the school" sabi naman ng registrar.

"Meron po ba kayong sister school sa ibang bansa?" Tanong ni Shaniah.

"Yes we have, in Australia, Canada, Korea and Japan, are you planning to transfer between those 4 countries?" tanong ng registrar.

"Yes po" sagot ni Shaniah.

"I will inform you once nag-open ng program ang school and hahanapan din kita ng scholarship para wala kang maiyabad incase na may open na program somewhere in those 4 country na nabanggit ko, I'll email you for the information" sabi naman ng registrar at agad tumango si Shaniah.

"Sige po salamat po ma'am at ito na po yung form" sabi naman ni Shaniah.

"Your welcome miss Cassidy Watson" sabi naman ng registrar.

Tumayo na si Cassidy/Shaniah at agad lumabas ng registrar.

Bago umuwi ay prinoseso niya muna ang legal na pagchange ng pangalan niya sa malapit na LCRO.

Naghanap din siya ng trabaho para maipangbayad sa araw-araw niyang pamumuhay at para makaipon ng pera pangbayad ng nirerentahan niyang apartment.

"Ito na yun Shaniah, ginusto mo to diba, mag-isa ka na lang, kaya kayanin mo" umiiyak na sabi ni Shaniah habang nakaupo sa sahig habang ang kanyang likuran ay nakasandal sa sofa.

I was his queen (Mapanakit Series ) #1Where stories live. Discover now