Chapter 8

10 6 0
                                    

╔.✯. .═════════════╗
CHAPTER 8
╚════════════. .✯ . ╝

Natapos naman kami sa pag bili ng mga libro na gusto naming basahin at napag desisyonan muna namin na kumain. Ako lang talaga ang nag desisyon dahil ayaw ni Hexia

Ako lang naman talaga ang mapilit pero buti nga at pumayag siya nung sinabi kong nanagutom ako. Nag lalakad lakad lang kami dito sa bayan para mag hanap ng makaka kain

"Doon tayo Hexia" Tinuro ko naman ang isang shop. Agad naman siya sumunod sakin at agad na kami nag order ng gusto naming kaini, puro pastries ang tinda dito at coffee

Strawberry cake ang inorder ni Hexia samantalang ako naman ay blueberry cheesecake. Nasarapan naman ako sa gawa nila kaya nag enjoy talaga ako sa pagkain

Sa susunod nga ay sabihin ko kay Harley na gumawa siya nito. Tutal hilig niya naman ang paggawa ng mga ganito, may talento ang kapatid ko sa pag babake kaya sigurado akong masarap ang magagawa niya

"Masarap po ito kamahalan, nakakahiya naman po. Pakiramdam ko hindi ako babagay sa lugar na ito" Tumingin naman siya sa iba pang kumakain kaya nilibot ko din ang tingin ko

"Puro may mga dugong bughaw ang narito" Napa yuko naman siya. Hinawakan ko naman ang kamay niya nang ikina gulat niya

'Iba ka man sa kanila, may karapatan kapa ring pumunta o kumain sa mga ganitong lugar. Lahat kayo ay may karapatan lalo na sumaya kaya wag mo masyadong maliitin ang sarili mo'

Napa ngiti naman siya sa sinabi ko, tama lang ba ang sinabi ko? Naka hinga naman ako ng maluwag. Hindi ako marunong mag ganito kaya diko alam kung tama lang ba ang ginagawa ko

"Salamat, kamahalan" Tumango naman ako ng marahan at pinag patuloy na namin ang pagkain namin habang nag ku-kwentohan. Masaya rin palang umalis paminsan minsan at kumain

Pag tapos naman naming kumain ay nag libot libot pa kami sa bayan dahil gusto ko nang sulitin ito. Hindi rin naman agad kami bumalik sa palasyo dahil may pinuntahan pa kami

Dumiretso muna kami sa Shadeau para kamustahin sila Tilted at Ae doon. Kahit hindi kona kasama si France ay pumupunta parin ako dito para kamustahin sila

Pina kilala ko narin si Hexia sa kanila at masaya akong magka sundo na agad sila. Sadyang pala kaibigan talaga si Hexia kaya hindi na nakakapag tataka.

Napag desisyonan na naming umuwi nung malapit nang gumabi. Masaya ako na naka bisita ako dahil tuwing bumibisita ako ay naaalala ko si France at nung sinama niya ako dito at pinakilala sa kanila.

Nang maka uwi naman kami ay nagalit si ina dahil gabi na kami naka uwi. Agad naman ako humingi ng tawad dahil pag bili lang ng libro ang pina alam ko aa kanya pero kung saan saan na kami naka rating

Pinag sabihan niya ako na wag na iyon ulitin, tumango naman ako at humingi ulit ng tawad dahil pinag alala ko siya. Sa susunod ay magpapa sama nalang kami sa ibang guwardiya para di siya mag alala

Pero inaamin kong naging masaya ako sa nangyari ngayong araw. At alam kong pati si Hexia ay nag saya at bilang kaibigan ay ayos na ayos iyon sakin

Nasa silid naman ako at sinusuklayan ni Hexia ang aking buhok. Gustong gusto niya ang aking buhok dahil kumikintab daw ito at totoo naman iyon, buti ay namana ko ang aking buhok sa aking ama

𝐓𝐡𝐞 𝐅𝐚𝐯𝐨𝐫𝐢𝐭𝐞 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 (𝗩𝗮𝗹𝗸𝘆𝗿𝗶𝗲 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon